Agad ko namang binitawan ang kutsilyo na hawak ko.
"What are you doing?" tanong ulit sa 'kin ni kuya.
"Wala. Naghahanda lang ako para sa dinner. Late kasing uuwi si Mama. Hindi ba siya nag-text sa'yo?" tanong ko sabay punas ng mga luha ko.
"I received her text. Pero sigurado ka ba na okay ka lang?" tanong niya.
I just nodded before I turned my back on him.
"We need to talk," he said seriously.
Umikot ako sabay titig sa kanya.
"And what happened to your lips?!" gulat niyang tanong pagkakita niya sa mukha ko.
Agad naman akong tumingin palayo. "Wala. Nabangga lang ako kanina sa lababo."
"Remove your shirt," kuya said firmly.
"What? No. Sa taas na lang ako magpapalit," sabi ko naman agad.
"REMOVE YOUR SHIRT!" he shouted.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang i-angat ang damit ko.
Tumambad kay kuya ang katawan kong panay pasa.
"Who did that?" Kuya Grey asked in a voice shaking with rage.
Bigla na lang na bumuhos ang mga luha ko.
"Sino ang gumawa niyan sa'yo?!" galit na galit na sigaw ni Kuya Grey.
"S-Si K-Kis-"
"SINO?!" tanong niya sabay yugyog sa 'kin.
"…K-Kishou…"
Kuya paused for a few seconds before comprehension dawned on his face. He must've understood everything with that single answer. Nasipa pa ni Kuya Grey 'yung coffee table namin sa tindi ng galit niya.
"P***NGINA KISHOU!!!" paos na sigaw ni kuya.
He grabbed me by my arm before dashing out of the house.
"We're going to make him pay with his blood!"
"'Wag ka nang gumawa ng gulo kuya!" umiiyak kong sabi habang nasa daan kami.
"Siya ang may kasalanan kung bakit mangyayari ang gulo na 'to. Tell me, did he do it?!" tanong niya.
Yumuko na lang ako sabay punas sa mga luha ko.
"DID HE DO IT?!" tanong pa niya.
Tumango na lang ako.
Kuya Grey screamed with uncontrolled rage.
"Forgive me Red pero baka mapatay ko ang demonyo na 'yan."
"'Wag na nga, kuya. Umuwi na tayo!" sabi ko sa basag na boses.
"No! I will make sure na magbabayad siya sa ginawa niya sa'yo!" sagot niya.
Ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si kuya. He was shaking with anger. Nanlilisik pati ang mga mata niya. Alam ko na wala na akong magagawa para pigilan pa siya.
"Why haven't you told me this?" tanong ni kuya.
"T-tinakot niya kasi ako…" sabi ko pa.
Hindi na lang nagsalita pa si kuya dala marahil ng pagtitimpi sa galit niya. He just held me tightly as we walked towards Kishou's house.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
