Chapter 10: Photos

10.1K 432 9
                                        

Hapon na at kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench sa gilid ng court. Kasalukuyan kasing may practice sina Kuya Grey at Kishou kaya hinihintay ko silang matapos.

Kishou and I were getting really closer these past few days. I became a lot more comfortable with him and he even spent a weekend in the house. (Wala namang nangyaring kakaiba nung natutulog kami.)

At ngayon nga na palapit na nang palapit ang Intrams namin eh mas lalo kaming nagiging busy sa practice namin. Madalas na gabi na kami nakakauwi nina kuya. Malapit na rin kaming mag-exams kaya medyo humihirap na ang mga lessons namin. Nakakaya ko pa naman so far.

"Hey," bati bigla sa'kin ni Kishou.

I just smiled a bit at him.

"Break namin. Ayaw mo ba dun kina coach? Mag-isa ka lang dito oh," sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"I'm good," sagot ko naman.

"Okay. Sabi mo eh. Nag-practice rin ba kayo?" tanong niya sabay padaan ng titig sa suot ko.

"Uhm… yeah. Kakatapos lang," sagot ko naman.

"I see. Goodluck. Sa nababalitaan ko mula sa team captain niyo eh pagaling ka raw nang pagaling sa paglalaro," sabi niya.

I smiled sheepishly. "Maybe. Lahat naman sa'min gumagaling na sa game."

"Just keep it up, okay? Ipagpatuloy mo lang 'yan at paniguradong pag-aagawan ka ng mga universities sa oras na makatapos ka ng high school," he said with a tap on my shoulder.

"Thanks," I said.

Biglang pumito yung coach nila.

"Oops. Gotta go. See you later," paalam niya sa'kin sabay takbo pabalik ng court.

Pagbaling ko ng tingin sa tabi ko eh naiwanan pala ni Kishou yung phone niya. I picked it up at hinanap ko siya sa mga naglalaro. Ayaw ko namang i-interrupt sila sa paglalaro nila so I've decided to give it to him after their practice. Malapit na rin lang naman silang matapos dahil halos alas-sais na ng gabi.

The phone suddenly vibrated and the screen lit up. He has a message.

But I frowned upon seeing his wallpaper.

It was me. I was his wallpaper.

Tinitigan ko yung picture. Litrato ko 'yun habang naglalaro ng volleyball. Sa pagkakaalam ko eh wala naman akong picture na ganun sa phone ko o kahit sa Facebook ko. And besides, hindi ako mahilig mag-selfie o magpa-kuha ng picture habang naglalaro.

At dahil wala namang PIN o password yung phone niya eh in-unlock ko 'yun. I immediately went to his gallery.

At doon ko nahanap ang mas maraming pictures ko. Madalas na picture ko habang naglalaro ang nandoon.

But I was shocked when I saw a picture of me half-naked at nakatalikod sa camera.

Naalala ko bigla yung araw kung saan nag-try out ako sa volleyball. I really thought that the door opened accidentally.

But from what I'm seeing, mukhang binuksan ni Kishou yung pinto para lang makunan ako ng litrato. I gulped and instantly felt cold. In-off ko na lang yung phone niya at binalik ko 'yun kung saan ko yung pinulot.

What is he doing? Bakit meron akong pictures sa cellphone niya? That's really weird and creepy… really creepy.

Mukhang sa tuwing napapalapit na ako kay Kishou eh saka naman ako may madidiskubreng kahina-hinala sa kanya.

But so far, he was really nice to me and he explained why he's a bit clingy to people. But the pictures were way too clingy. I mean, what would he do with those pictures? Normal ba sa isang magkaibigan na may ganun kang karaming litrato sa phone niya?

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon