"Isang sunog na bangkay ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang bakanteng warehouse. Wala pang lead ang pulisya sa kung sino ang may gawa ng krimen maliban na lang sa isang pulang rosas na nakuha ng mga pulis sa ibabaw ng sunog na bangkay. Kasalukuyan pa nilang kinikilala ang nasawi," sabi ng news anchor sa pinapanood naming balita.
"That's pretty sick," sabi ng isa kong katrabaho.
"Why would someone do that? Wala sigurong budhi ang gumawa niyan," sabi ni Elaine, isa ko pang katrabaho sa restaurant na pinapasukan ko.
"Table four!" sabi ng cook mula sa kusina.
"Ako na," sabi ko sabay kuha ng isang tray.
"Tapos na shift mo, Kishou. 'Di ka pa ba uuwi?" tanong ni Peter.
"Mag-o-overtime ako ngayon. Sabado naman bukas eh," sabi ko naman.
"Kayod-kalabaw ah. May pinag-iipunan ba?" tanong ni Elaine.
"Babae?" tanong naman ni Peter.
"Kinabukasan ko, ulol," sagot ko naman.
Dinala ko na lang 'yung pagkain papunta sa table ng um-order noon.
"Grilled shrimp and iced tea, ma'am. Enjoy your meal!"
Well, I am now in the 3rd year of my studies. Kailangan kong tumigil sa pag-aaral nang dalawang taon para makapag-ipon ng pera at dala na rin marahil ng malaking dagok na dinanas ko. Nagkasakit din kasi ang mama ko ng breast cancer bago ako gumraduate sa high school. Naging magastos ang gamutan but in the end eh namatay pa rin ang mama ko.
So I was forced to stop my studies. Umuwi muna ako sa Pangasinan at doon ako namalagi ng halos isang taon bago ako bumalik dito sa Maynila para magtrabaho. After a year of working eh saka ako nakapag-aral ulit. Kailangan din kasi munang pagtapusin ni Tita 'yung pinsan kong pinapag-aral din niya. Although pinapag-aral ako ng Tita ko eh gusto ko pa ring mag-ipon para sa sarili ko kaya nagtrabaho ako.
Marami rin akong napasukan na trabaho. Kadalas eh waiter ako sa mga restaurants o bars. Minsan sa fastfood chains din ako nagtatrabaho. Mahirap, oo. Pero gusto kong makapagtapos para naman kina Mama at Papa.
"Hey, stop reading magazines. Baka gusto mong magtrabaho?" tanong ko kay Elaine pagkabalik ko sa kusina.
"Just let me finish this," sabi niya.
"What's that? A sports magazine? Kelan ka pa naging interested sa sports?" tanong ko.
"I'm not interested in sports, duh. I'm interested on who is in this specific issue," sagot niya.
I glanced at the magazine, looked away, but immediately stared back at it.
"Wait, let me borrow it," sabi ko sabay agaw ng magazine niya. Tumitig ako sa cover nun.
"Hoy, bastos neto ah. Nagbabasa pa nga ako," reklamo ni Elaine.
I frowned.
A red-haired guy wearing a volleyball uniform was staring back at me. And even though a lot has changed in him, I couldn't and wouldn't forget his face especially his eyes.
"Captivated by Red? He's a hottie isn't he?" tanong ni Elaine sa tabi ko.
Red.
I stared into his scorching eyes. Malayong-malayo na ang expression ng mga mata niya mula sa mga mata niya noon. At mukhang malaki rin ang tinangkad niya. Even though his look was really fierce and serious, I could still see the 12-year-old Red from behind his fierce eyes.
"I see. He's really successful now," I said to myself.
"What?" tanong ni Elaine.
"Wala. Sabi ko magtrabaho ka na lang. Mamaya ka na nito mag-pantasya," singhal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
