Chapter 4: Try-outs

11.1K 523 17
                                    

A few weeks passed and June is about to end. At kasabay nun ay ang pagsisimula rin ng try outs para sa iba't-ibang sports including volleyball. Kasama ko sa loob ng gymnasium sina Dana at Irvin. Dana was here to support Irvin and me. Nagkakilala pala kaming dalawa nung nagpa-register ako para sa try-outs. Nasakto pa na classmate ko pala siya.

Kalahati ng gym ay para sa volleyball try-outs at yung kalahati ay para sa basketball. Kaya naman nandoon sa kabila si Kuya Grey- at si Kishou.

Regarding the phone call ay tila walang nangyari kung itrato ako ni Kishou. He was so casual to me the next day habang ako naman ay mamatay-matay sa pagka-awkward sa kanya. He told me that he was fixing something when he called me. Pinwersa ko na lang ang sarili ko na gawa-gawa lang ng utak ko yung mga narinig ko mula kay Kishou.

From then on ay madalas na siyang mag-text sakin. Kahit papano ay naging magaan na rin ang loob ko sa kanya. He's really nice and funny.

"Hey! Brother!" tawag sakin ni kuya. Lumapit naman ako sa kanya.

"What?" tanong ko.

"I just want to say goodluck!" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

"I know you can do it," sabi bigla ng isang boses sa likod ko. I turned around and almost jumped in shock. It was Kishou.

He looked at me from head to toe. His eyes ran through my white shirt and lingered a bit on my black volleyball shorts. I hastily put my hands in front of me.

"Goodluck," he said, smiling widely at me.

"Yeah, thanks," sagot ko naman.

Nagpaalam na sila sakin. Hindi pa man din ako nakakalayo nung hinablot ako bigla ni Dana.

"You're in talking terms with Kishou?" gulat niyang sabi sakin.

"Why? He's my Kuya Grey's classmate and friend. Nagkakilala kami nung pasukan. May mali ba?" tanong ko naman.

"He's really famous here in Emerald, you know. Aside from his killer looks, he's also a killer inside the basketball court," tulalang sabi ni Dana.

"Yeah, whatever," I said boredly.

Pero biglang lumipat si Dana papunta sa side ng mga nagta-try outs sa basketball.

"Hey, you're supposed to stay with us- oh, nevermind," sabi ko dahil nakakuripas na nang takbo si Dana palayo sakin.

Biglang pumito yung isang coach. Agad naman kaming lumapit sa kanya.

"Form two lines, everyone. I'll check the list. You can only proceed if your name is here," sabi ng coach.

Agad naman kaming luminya. Nakatayo na ako sa likod ni Irvin nung bigla na lang na may tumulak sakin palayo. Natumba pa ako sa sahig.

"Give way," sabi sakin ng isang lalaki. Mukhang may kasama siyang isang grupo.

"Hey! Nasa linya kami!" reklamo naman ni Irvin habang tinutulungan akong tumayo.

"We're in the line. We didn't do anything wrong. Why did you even push me?" tanong ko naman sa kanila.

"Are you sure you're joining the volleyball team? Sa pandak mong yan? Baka nga mismong net hindi mo maabot," sabi sakin nung lalaki.

"Hoy, ikaw na nga 'tong nanulak ikaw pa ang may ganang mang-insulto?!" sigaw ni Irvin.

"Let's go, Irvin. Don't fight with him. Pipila na lang ulit tayo," sabi ko sabay ayos sa sarili ko.

"But Red-"

"Don't stoop down to his level, Irvin. Tara na-"

Pero bigla akong hinarang nung lalaki.

"To my level? ANONG IBIG MONG SABIHIN?" tanong nung lalaki sabay hatak sa kwelyo ko. Umangat na lang ang mga paa ko mula sa lupa. Narinig ko pa ang pagkapunit ng t-shirt ko.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon