Cleid's statement nagged me for the rest of the afternoon. Kahit na nag-aya sina kuya at Kishou na gumala sa malapit na mga resorts para mamili ng souvenirs eh masyado akong naging distracted.
I want to believe that Kishou's trying to change. I mean, napapansin ko naman na sa kanya na sinusubukan niyang baguhin ang sarili niya. Sabi nga sa'kin ni Kuya Grey eh niluwagan niya ang seguridad niya sa'kin dahil ngayon lang daw niya nakita si Kishou na ganito ka-seryoso pagdating sa isang tao.
And besides, he admitted his sins to me. Oo, inamin niya sa'kin na madalas siyang makipag-sex. Na minsan ay nanggagamit siya ng mga tao para makuha niya ang gusto niya. Wala naman siyang tinatago na sa'kin.
But still, what Cleid has said to me really bothered my mind. I mean, kilala niya si Kishou dahil magkaibigan silang dalawa mula pagkabata. Did Kishou really used him?
Heto na naman ako. Kung kelan nagsisimula na akong magtiwala kay Kishou ay saka naman may lilitaw na bagong issue sa kanya. Argh. This really sucks.
Isang malaking rolyo ng cotton candy ang biglang lumitaw sa harap ko.
I looked up and saw Kishou smiling at me.
"For you."
"Uhm... thanks," sabi ko naman.
At saka ko lang na-realize na kaming dalawa na lang pala ang magkasama.
"Nasaan na si kuya?" tanong ko habang patingin-tingin sa paligid.
"Mauna na raw tayo. Hayun, busy sa isang shop," sabi niya.
"Oh, I see," sabi ko sabay lakad. Sumabay naman sa'kin si Kishou.
"Dito namin balak na mag-dinner. Okay lang ba 'yun sa'yo?" tanong niya.
I nodded.
We just walked silently for the next few minutes. Manaka-naka akong lumilingon kay Kishou. He was just smiling a little habang nakatitig sa dagat.
Isang jacket ang biglang lumapag sa balikat ko.
"Its getting cold. Sakitin ka pa naman," Kishou said.
"'Wag na. Nakakahiya. Baka ikaw naman ang lamigin," sabi ko.
"Sanay ako sa lamig. Don't worry. Wear it," sagot niya.
Napahinga na lang ako nang malalim. "Thanks."
He then took my hand and held it tightly before walking again.
Napalayo na pala kami mula sa mataong parte ng resort. Medyo madilim na sa paligid at malakas pa ang hangin. Inakbayan ako ni Kishou bago niya ako hinatak palapit sa kanya.
I stared at him. Kung gusto ko talagang malinawan, kailangan ko siyang tanungin nang diretsahan.
"Uhm... about Cleid."
"What about him?" tanong naman agad ni Kishou.
"C-Can you tell me how your friendship developed?" alanganin kong tanong sa kanya.
He stared at me for a while before he sighed. "Fine."
Naupo kami sa buhanginan. Tumitig naman sa dagat si Kishou bago siya nagsimulang magkwento.
"Since preschool magkaibigan na kami niyan ni Cleid. We were really close. Magkapitbahay lang sila at sina Tita Karen kaya araw-araw talaga kaming nagkikita dati," panimula niya.
"It all began when we left for Manila. Madalas na akong mapahiwalay sa kanya. Kaya naman everytime na uuwi ako rito eh talagang excited kami pareho na magkita. And then one day, back in my second year, he confessed his feelings for me," Kishou said.
BINABASA MO ANG
His Revenge
عاطفيةHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
