WARNING: The following chapter contains scenes of extreme violence. Proceed at your own risk.
•••
Hindi kami nagsayang ng oras ni Sei lalo pa't alam na naming binabantayan kami ni Gino. Makalipas lang ang ilang araw ay sinabihan niya akong handa na raw ang lahat kung gustuhin ko nang patayin si Aliyah. Hindi naman ako nagdalawang-isip at pumayag na ako.
"Maghintay na lang tayo dito sa bahay niyo. Pumunta na lang tayo doon sa lugar kung nadala na si Aliyah doon. Mahirap na at baka masundan tayo," sabi ni Sei.
"Nasaan ba ngayon 'yang magaling mong pinsan?" tanong ko.
"Pumunta sa trabaho. Don't worry. May mga tao akong nakabantay sa kanya," sabi ko.
"At papaano tayo makasisiguro na hindi niya tayo mapapasundan kung sakali man na puntahan na natin si Aliyah?" tanong ko pa.
"Sisiguraduhin kong walang makakasunod sa atin. May mga tao akong nakabantay sa buong paligid. They are making sure na walang nakabantay sa atin na alagad ni Kuya Gino," sabi niya.
These past few days eh iniwasan ko na lang si Gino. Aside sa nag-iingat ako eh ayoko lang na baka 'pag hindi ko napigilan ang sarili ko eh masakal ko si Gino nang wala sa oras. Umiiwas na lang ako sa gulo.
Gino is dangerous, we're aware of that. Hindi namin alam kung hanggang saan ang nalalaman niya. Pero sabi ni Sei eh sa ilang araw daw na pagpapabantay niya kay Aliyah eh mukhang hindi naman nakakahalata 'yung tao na may sumusunod sa kanya. I think alam lang ni Gino na may ginagawa kami ni Sei pero hindi niya alam specifically kung ano ba talaga 'yun. And I will do everything para kahit kailan ay hindi niya malaman ang ginagawa namin.
Dahil sa oras na malaman niyang may pinapatay akong mga tao eh malamang ay mahahawakan kami sa leeg ni Gino.
"Kumusta na pala kayo ni Kishou?" tanong ni Sei.
Tumawa na lang ako. "As of last night eh pinadalhan niya ako ng isang bouquet ng bulaklak," sabi ko.
"At malamang ay nilagay mo 'yun sa pinakamagandang vase na nandito sa bahay mo," sabi niya.
"Tingnan mo sa may likod ng bahay. Nandoon sa may drum 'yung mga abo nun," sagot ko naman.
Sei laughed. "How about Bianca? Ano pala ang naging reaksyon niya nung nakausap mo siya?" tanong niya.
"She was in her usual Maria Clara mode. Iba rin talaga kapag sobrang bait mo, ang dali mong maloko. Kaya naman naiintindihan ko na kung bakit ganun ako kadaling napaasa at naloko ni Kishou dati," sabi ko.
"At balak mo talagang sagutin si Kishou? Are you really that serious and dedicated to your plans at handa mong sagutin at makarelasyon ang taong pinakang-kinakamuhian mo?" tanong niya.
I raised an eyebrow. "Bakit? Hindi ba pwede? Handa kong tiisin ang lahat maisakatuparan lang ang gusto ko. Mas maraming masasakit na bagay ang tiniis ko kumpara sa ginagawa ko ngayon," sagot ko.
Sei just frowned at me.
Hindi nagtagal ay biglang nag-ring ang phone ni Sei. Agad naman niyang binasa ang text sa kanya.
"Nandoon na raw si Aliyah. Let's go."
Agad kong sinuot ang hood ng jacket ko bago ako sumunod kay Sei. Nung nakalabas na kami ng gate ay tumingin-tingin muna siya sa paligid bago niya ako inalalayan na maglakad.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...