Gino's POV
"Please check my schedule this afternoon, Jelai," sabi ko sa sekretarya ko.
Bumaling naman siya sa clipboard niya. "Wala po kayong appointments this afternoon," sabi niya.
I nodded. "Excellent. I'll be leaving this afternoon. Kung may tumawag man then just tell them I'm not around."
"Okay po, Sir Gino," sabi ni Jelai.
Pinulot ko ang coat ko at suitcase bago ako lumabas ng opisina ko.
Dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng tubig. My attention was immediately diverted to the TV upon reaching the place.
"May pinatay na naman pala ang Rose Killer na 'yan," sabi sa 'kin ni Aling Glenda na siyang namamahala sa cafeteria.
"Talaga po?" tanong ko naman.
Tinuro niya 'yung TV.
"Mayroon na namang panibagong biktima ang Rose Killer. Natagpuang patay ang nag-iisang anak ng mag-asawang may-ari ng Banco Briones. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis ay tila pinaghahampas muna ang biktima ng isang matigas na bagay bago ito pinalapa sa mga aso. May kasama na namang pulang rosas ang bangkay. Hanggang ngayon ay wala pang lead ang mga pulisya sa kung sino ba ang Rose Killer. Sinubukan naming hingan ng statement sina Mr. and Mrs. Briones pero tumanggi silang humarap sa media."
"That's horrible," I said, trying to hide a smirk.
"Kaya nga eh. 'Yung mga anak ko eh kinuhanan ko na ng service kapag pumupunta sila ng eskwelahan kahit na malapit lang naman 'yung school nila sa bahay namin. Mahirap na," sabi niya.
"Sige po. Mauuna na po ako Aling Glenda. Bukas ulit," paalam ko sa kanya bago ako naglakad palabas ng cafeteria.
Binunot ko ang phone ko habang naglalakad ako sa parking lot.
"Sir Gino?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Good job. Ipapadala ko na lang sa inyo ang bayad ninyo. Sooner or later eh kakailanganin ko ulit ang tulong ninyo. Thank you," sabi ko.
Pasimple akong lumingon sa likuran ko.
I immediately pulled a gun from the inside pocket of my coat before pointing it at a car a few meters away from me.
"Get out," sigaw ko habang lumalapit doon sa kotse.
Walang gumalaw.
"Get out or I'll call all the guards in this building. OUT!" sigaw ko pa.
Isang lalaki ang lumabas mula doon sa kotse.
"Gagawin ko rin sa 'yo ang ginawa ng boss mo sa tauhan ko. Now, say this to Sei: I know his true intentions and he can never outsmart me in this game. Tanggapin na niya ang katotohanan na hawak ko siya sa leeg dahil mas maraming alas ang hawak ko laban sa kanya. Got it?" sabi ko.
Tumango naman 'yung lalaki.
"Get out of my company! LEAVE!" utos ko.
Dali-dali namang sumakay ng kotse niya at nag-drive palayo 'yung lalaki. Sumakay na lang ako sa kotse ko saka ako umalis.
Bumaling ulit ako sa wristwatch ko. Its just thirty minutes past twelve. Hindi muna ako umuwi dahil may dadaanan pa ako.
Makalipas nga ang halos kalahating oras ay nakarating na rin ako sa destinasyon ko. Nag-park ako ng kotse bago ako pumasok sa isang ospital.
"I'm looking for Dr. Villegas. I have an appointment with him," sabi ko sa nurse na nasa lobby.
"Nasa third floor po sir ang office niya. Room 305," sagot ng nurse.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomansaHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
