Sei's POV
"So you were raped by a close friend of yours?" tanong ko kay Red.
He nodded.
"That's really horrible. And then the guy who raped you killed your brother?" tanong ko pa.
Red nodded again.
"What do you want to do now?" tanong ko sa kanya.
"Gusto kong maghiganti. Gusto kong ipaghiganti ang kapatid ko. Kahit hindi naman sila lahat ang pumatay kay kuya eh may parte pa rin silang ginampanan sa nangyari sa 'kin. Kung hindi dahil sa kanila eh hindi sana ako nagtiwala kay Kishou. At kung hindi ako nagtiwala kay Kishou eh hindi sana sa 'kin mangyayari ang lahat ng 'yun," sabi niya.
"Papano ka maghihiganti?" tanong ko sa kanya.
"I will kill them one by one," Red said firmly. I was surprised to hear the strength and firmness of his voice. Mula sa hitsura niya eh hindi mo aakalain na handa pala siyang pumatay.
"Hoy, sigurado ka ba diyan? Malaking gulo ang papasukin mo," sabi ko.
"Patay na rin sana ako ngayon kung hindi ko nagawang ipagtanggol ang sarili ko dati. Nakapatay na ako ng dalawang tao at handa akong gawin 'yun ulit," sabi ni Red.
Nakahiga kami ni Red sa damuhan sa likod ng bahay nila. It was our usual hobby. Lie down in the grass and appreciate the sky and the wind. Isa 'yun sa mga maliliit na mga bagay kung saan eh nagkakaparehas kaming dalawa ni Red.
June is about to start. Second year high school na kaming dalawa ni Red sa pasukan. Buti na nga lang at sabay kaming papasok sa parehong school ngayong June. He can already speak now. Pero madalas pa rin siyang bumisita sa doktor niya. At mukhang ngayon nga eh desidido na siya sa balak niyang gawin.
Although ako mismo ay nagdadalawang-isip sa balak niya eh hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako man eh gusto kong makapaghiganti sa mga taong nanakit sa 'kin. Red was raped and his brother was killed by the same person who raped him. Kahit ako ay hindi matatahimik hangga't hindi ko napapatay ang taong gumawa nun sa 'kin.
"You'll help me, right?" tanong niya bigla.
I stared at him. There was a certain determination in his eyes, a fiery determination. There was a fire slowly growing inside him.
I breathed deep. "I will-"
"Thank you!"
"BUT you have to be patient. You can't avenge your brother overnight. It'll be a really long process. Baka ilang taon pa ang bilangin mo bago ka makapaghiganti. May kailangan tayong gawin at marami ka pang dapat na paghandaan. You have to prepare yourself first. Do you understand me?" tanong ko.
Red nodded.
"Sa ngayon, kailangan mo na munang pag-isipan kung buo na ba ang loob mo-"
"Matagal nang nabuo ang desisyon ko," Red said sharply.
"Are you prepared to face the people who made your life a mess?"
"Yes."
"Are you prepared to wait for the right time to strike back?"
"Yes."
I sighed and stared directly into his eyes.
"Are you prepared to kill?"
Red stared back at me. The intensity of his gaze was burning, scorching…
"Yes."
"Then good. We have a deal," sabi ko sabay abot sa kanya ng kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/96202937-288-k62331.jpg)
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...