HR II - Chapter 43: The Final Target

5.7K 235 15
                                    

Nakaabang na si Sei sa labas ng condo unit pagkalabas ko ng building.

"What happened? Where's Kishou?" tanong niya pagkakita sa 'kin.

Hindi ako sumagot; bagkus ay yumakap na lang ako sa kanya nang mahigpit bago ako umiyak sa dibdib niya.

"Sige na. Ilabas mo lang 'yan…" sabi ni Sei.

"H-Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," I said.

Sei held my hand firmly. "Of course you do. Kailangan mong isakatuparan ang plano mo. Ano ba kasi ang nangyari?" tanong niya.

"G-Gino showed up-"

"WHAT?! Hindi ka ba niya sinaktan? Wala ba siyang ginawa sa 'yo?!" gulat niyang tanong.

I shook my head.

"Papapasukin ko ang mga tao ko-"

"No. Don't. Gagawa lang kayo ng gulo. Kailangan kong harapin si Gio. We need to find him," sabi ko.

"Wouldn't it be convenient and safer kung ipapatay na lang natin siya? I mean, malamang na nakabantay sa atin ang mga tao ni Kuya Gino. Naghihintay lang 'yun ng pagkakataon para mahuli tayo sa akto," sabi ni Sei.

"No," I said firmly. "I will face him alone. May mga tanong akong kailangan niyang sagutin. Alam mo na ba kung saan siya nakatira?" tanong ko.

"Ang alam ko lang ay nakatira siya sa isang barangay sa Tarlac. Hindi ko pa rin alam kung saan siya specifically nakatira," sagot niya.

"We should go there tomorrow. Madali lang siyang mahanap," sagot ko.

"Okay. Early in the morning. Ako na ang bahala para sa magiging service natin," sabi naman ni Sei.

Kaya naman nung sumunod na araw ay maaga kaming umalis papunta ng Tarlac. Madilim pa nung umalis kami ng bahay namin.

"Nasa condo niya ngayon si Kuya Gino. And wala naman daw na nakabantay sa 'tin so far sabi ng mga tao ko," sabi ni Sei na katabi ko sa likod ng kotse.

"I see. Hindi rin alam ni Gino kung nasaan si Gio. Sinabi niya 'yun mismo kagabi," sabi ko.

Sei stared at me for a few seconds.

"Wala naman ba siyang sinabi sa 'yo kagabi?" tanong niya.

"Sino? Si Gino?"

Sei nodded.

I shook my head. "Puro lang naman 'yun dada."

Tinitigan ko si Sei. Ano ba ang hinihintay mo gaya ng sabi ng pinsan mo?

Kahit ayokong tanggapin ay hindi ko maikakaila na may punto si Gino sa mga sinabi niya kagabi. And above all, sinabi niyang minahal niya si Kuya Grey. He even cried.

I stared at my reflection on the car's window.

You and Grey have exactly the same eyes.

He was right. Pareho naming namana ni Kuya Grey ang mga mata ni Mama. Tinitigan ko nang mataman ang sarili ko. For a moment I thought I saw Kuya Grey staring back at me.

Masaya ka ba ngayon sa ginagawa mo?

I balled my hands into fists.

Nahanap mo ba ang hustisyang hinahanap mo?

Tears started to form in my eyes. I breathed deep to calm myself.

Palagay mo ba masaya si Grey dahil sa ginagawa mo?

Bumuhos na lang bigla ang mga luha ko habang nakatitig sa sarili kong repleksyon.

Ganito ka na lang ba ngayon, Red?

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon