HR II - Chapter 17: Deadly Shadows

7.1K 287 13
                                    

Kishou's POV

Hapon na at malapit na namang matapos ang shift ko dito sa restaurant. Nag-aayos na lang ako ng mga gamit ko sa bag bago ako umalis.

"Just give me his number Kishou!" reklamo sa 'kin ni Elaine.

Magmula kasi nung malaman niya na kaibigan ko pala si Red eh panay kaka-singil na siya sa 'kin ng contact details nung tao.

"I-add mo na lang siya sa FB," sagot ko.

"Puno na 'yung friends list niya. Hanggang follow na lang ako," sagot ni Elaine.

"Oh, parehas lang 'yun," I said, laughing.

Elaine groaned. "It's not! Pahingi na kasi…"

I raised my hands. "I'll ask him, okay? Kapag pumayag siya then ibibigay ko sa 'yo ang number niya. Kapag hindi, sorry ka na lang," sabi ko.

"Oo na. Thanks Kishou!" sabi niya.

Napangiti na lang ako.

A few days have passed mula nung nakauwi kami mula sa bakasyon namin.

Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa namin ni Red.

Hanggang ngayon eh tila nananaginip pa rin ako. We did it. We freaking did it. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang pakiramdam ng balat niya. I can still feel his warmth. His voice, calling out my name in between his moans, was still echoing inside my ears.

"Darn it, Kishou…"

Biglang nag-ring ang phone ko.

I do hope that you'll listen to me this time after disobeying my advice.

Agad na nangunot ang noo ko.

Will you please leave me alone? Wala akong oras sa 'yo kung sino ka man, sagot ko.

Don't be so sour. I'm just trying to help you.

Then I don't need your help, I replied.

Trust me, Kishou. You WILL need my help. Ngayon pa lang dapat ay nakikipagtulungan ka na sa akin. Hindi mo gugustuhin na lumuhod sa harapan ko habang nagmamakaawa ng tulong sa hinaharap.

Then trust me too. Wala akong planong lumuhod sa harapan mo kahit kailan, sagot ko.

Kahit kailan talaga matigas ang ulo mo. I will still give you the chance. Ngayon, para maniwala ka sa 'kin, bantayan mo ang balita right after Christmas Day. Alam kong magiging pamilyar sa 'yo ang makikita mo sa balita.

Really? Kung kaya mo palang hulaan ang mga balita sa hinaharap then why not tell it to me right now?

It took a while before I received a reply.

Ever heard the name "Rose Killer?"

Hindi ko na siya na-contact pa matapos kong ma-receive ang text na 'yun.

•••

Nasa isip ko pa rin ang text na na-receive ko kahit nung naglalakad na ako papunta sa condo unit ko.

The person basically knew that I was going to Caramoan before. Sinabi rin niya na kilala niya ako.

"How much do you know about me?"

"Everything."

Sumagi bigla sa isip ko ang sinabi ni Sei sa 'kin dati.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon