"IKAW?!" 'di-makapaniwala kong sabi.
"Me," Gino said simply.
Nagdilim bigla ang paningin ko.
"HAYOP KA!" sigaw ko sabay sugod sa kanya.
Gino pulled the trigger. Napasigaw naman si Kishou at narinig ko ang marahang sirit ng bala na dumaan halos ilang pulgada lang mula sa tenga ko.
"Isang hakbang pa at sasabog 'yang bungo mo," Gino warned.
"Kill me, then. Minsan mo na akong binaril 'di ba?! Pinapatay mo pa sina Dana at Irvin! Sa lahat ng pagkakataon, ba't ngayon mo pa pinadaplis 'yang bala?! BARILIN MO NA AKO!" sigaw ko.
He frowned at me. "I would really love to shoot you, but unfortunately, I won't. And please, hindi kita pinabaril at wala akong pinatay. Kung sakaling makapatay man ako ay ngayong gabi lang 'yun mangyayari. At ikaw ang magiging unang benta ko," Gino replied.
Pinulot niya ang isang tuwalya bago niya 'yun binato kay Kishou.
"Clean yourself… You look really horrible," sabi niya.
"So magkasabwat kayong dalawa? I see. Magaling… MAGALING! Pare-pareho kayong mga mamamatay-tao!" sigaw ko.
"Will you shut up first?" tanong sa 'kin ni Gino.
He sighed before closing the door behind him.
"I want everyone to calm down," he said, putting his gun on his belt again. "Wala akong papatayin, wala akong sasaktan. Just please listen to me. And I will talk first to Kishou," he said calmly.
"Yes, indeed. Marami kang kailangang ipaliwanag at sabihin sa 'kin," sabi naman ni Kishou.
I just glared at them.
"And Red," baling sa 'kin ni Gino, "please listen to me. And don't even think of picking up that gun. Kung ako ang nasa posisyon mo eh matagal ko nang sinira ang baril na 'yan lalo pa't 'yan ang pumatay kay Grey…"
"Wala kang-"
"Shut up. Listen," he said firmly.
Tumitig siya kay Kishou. "Fire away."
Kishou stood up, leaning against the wall to support himself. Tadtad na kasi ng sugat ang mga braso niya at leeg. Putok na rin ang mga labi niya.
"What the hell are you doing here? Akala ko ba lumipad ka na papunta ng Amerika?" tanong niya.
"Umuwi ako rito dahil sa mga negosyong ipapasa sa 'kin ni Papa. At umuwi ako rito dahil alam kong may kailangan akong balikan…"
"And that is?"
"Ang taong nagpapatay kay Grey."
"Which is kaharap mo na," I said.
"Shut up."
"At bakit ako ang binabantayan mo? Gaya ng paulit-ulit na sinabi ko kay Red, hindi ako ang nagpapatay kay Grey," Kishou said.
"I know. Pero magmula nung nalaman kong iniisa-isa na ni Red ang mga taong kinuntsaba mo ay naisip kong nasa panganib ka rin. Alam kong inosente ka, Kishou-"
"Inosente? For f*ck's sake-"
"Shut up."
"Gaya ng sabi ko, alam kong inosente ka. At hindi lang si Red ang mayroong balak na patayin ka," sabi ni Gino.
Kishou frowned. "What? Don't tell me si Gio ang-"
"I cannot honestly answer your question. Sa ngayon ay inaalam ko pa kung sino ang totoong may sala. Hindi ko alam kung kusang-loob na naghiganti si Gio kay Grey. Hinahanap ko rin 'yung tao para magpaliwanag…"
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
