Chapter 12: Pure or Pretense?

10.5K 426 20
                                        

And the idea that Kishou was only pretending to be nice to me nagged my mind for the whole weekend. At kahit nung naglilinis kami ng bahay nina kuya nung Sunday eh hindi pa rin 'yun nawawala sa isip ko.

"Iniisip mo pa rin ba yung listahan ng mga may gusto sa'yo?" tanong niya bigla sa'kin nung nasa garden kami at nag-aasikaso kaming dalawa ng mga halaman dun.

"Nope. At kahit kailan hindi ko 'yan maiisip," sagot ko naman.

Kuya Grey just laughed at me. "Ang lalim ng iniisip mo. Hindi ka naman ganyan dati ah. Yeah, you're silent and everything pero hindi ka naman ganyan kalalim mag-isip dati-"

"So I'm dumb before?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganun! Basta. Hindi ka naman madalas maging ganyan noon," sagot ni Kuya Grey.

"And then? What's your point?" tanong ko pa.

"You've changed a bit ever since you entered high school," sagot ni kuya.

Hindi na lang ako sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagti-trim ng halaman.

"Is it because of Kishou?"

Halos napatalon ako sa gulat sa sinabi niya.

"WHAT?!"

"Bingo," nakangiting sabi ni kuya sabay sandal sa pader ng bahay.

"What do you mean?" tanong ko naman para itago yung initial reaction ko.

"Too late, little bro. So, kumusta na kayong dalawa?" tanong ni Kuya Grey.

"Kumusta kaming dalawa? We're friends," sagot ko naman.

"Weh? 'Wag ako, Red. Lokohin mo na ang lahat 'wag lang ako," sabi niya.

Natigilan ako. Napaikot ako bigla paharap kay Kuya Grey. Don't tell me-?

"Kung ano man 'yang nasa isip mo, 'yan din ang iniisip ko," sabi ni kuya.

Pumulot siya ng isang grass cutter at nagsimula siyang mag-trim ng isang halaman.

"Since June eh wala nang ibang ginawa si Kishou kundi ang magtanong sa'kin tungkol sa'yo. 'Hey, Grey, ano ba paboritong pagkain ni Red?' 'Ano bang favorite color niya? Snack?' Kahit hindi siya umamin, mahahalata ko na ang motibo niya sa'yo," sabi ni kuya.

"Sinabi niya rin sa'yo? Pa'no mo nalaman?" tanong ko.

"We're bestfriends. And besides, bago siya umamin sa'yo nung Sabado, sa akin na muna siya nagpaalam. Tsaka matagal na siyang umamin sa'kin na interested siya sa'yo. Lately lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na umamin ng nararamdaman niya sa'yo," sabi ni kuya.

"I see," sabi ko naman.

"Nagtanong rin siya sa'kin kung talagang programmed na sa genes mo ang pagka-poker face mo. Mas lalo raw na kinabahan si Kishou kasi wala ka man lang daw na reaksyon nung umamin na siya," natatawang sabi ni kuya.

"Its not my fault na hindi ako makapag-react. Well, it was really shocking at first. But after the shock wore off, I was like: 'Yeah, great. Whatever.' Ayoko namang magpilit ng reaksyon na hindi ko naman nararamdaman," sagot ko.

Napailing na lang si Kuya Grey. "Ang bata mo pa talaga. Well, malamang wala kang reaksyon kasi nga bata ka pa at wala ka pang idea sa pag-ibig na 'yan. But better start learning today, little bro. Mahirap na. Kapag natamaan ka talaga sa bull's eye mo ng pag-ibig eh mahihirapan ka niyan," banta niya sa'kin.

"I'll be careful to protect my bull's eye from stray arrows from now on," sagot ko naman sabay baling ulit sa tanim na inaasikaso ko.

Tumitig lang sa'kin si kuya. "Be careful, Credence."

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon