HR II - Chapter 16: Friends and Foes

8K 285 8
                                    

We went back to Manila after our three-day vacation in Caramoan. The vacation went fine. Kishou was trying to be as casual to me as possible especially when Sei is around. Mukhang seryoso nga talaga siya sa sinabi niyang aayusin niya ang lahat.

At ngayon nga na nakauwi na kami ay mas lalo pa siyang lumalapit sa 'kin. Madalas siyang mag-text, tumawag, o mag-chat sa FB. Isang beses nga eh dumalaw siya sa bahay. He really is serious with what he said to me. Sabi naman ni Sei eh baka naghahabol lang 'yun sa 'kin ng mas maraming sex.

Kakasimula pa lang naman halos ng bakasyon kaya naglagi na lang ako sa bahay namin. Wala naman akong plano na gumala lalo pa't uuwi si Papa sa Pasko. Si Sei naman eh baka pumunta rin muna sa parents niya.

At gaya ng dapat asahan ay kasama na sa paglalagi ko sa bahay ang pakikitungo kay Gino na kung minsan ay bigla-bigla na lang na sumusulpot mula kung saan.

Gaya ngayon, nagjo-jogging lang ako sa village namin nung bigla na lang siyang sumulpot sa likod ko.

"Good morning. It's a beautiful day today, isn't it?" tanong niya bigla.

Halos mapatalon ako sa matinding gulat. I immediately regained my composure and faced him.

"What do you need?" tanong ko.

Gino ran his eyes on my legs for a split second before looking at my face.

"Why are you wearing cycling shorts? It's really cold this morning. Baka magkasakit ka," sabi ni Gino.

"Sa kalusugan ko ba ang concern mo o sa mga binti ko?" tanong ko naman.

I expected him to deny my accusation.

"Both. Ayokong magkasakit ka at ayokong baka kapag nadapa ka ay masugatan ka. I don't want your beautiful legs get ruined. Asset mo pa naman 'yan," Gino said.

He's really honest with his thoughts.

"I can take care of myself, thank you very much," I said.

Gino smiled. "You really sound like Sei. Magkaibigan nga talaga kayo."

Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang ako sa pag-jog. Sumunod naman sa 'kin si Gino.

"I really don't know how to say this to you in a nice way but get the hell out of my sight… po," sabi ko sa kanya.

Gino laughed. "You're funny."

"I'm not joking," I said.

"I know," Gino said simply.

Tumitig ako sa kanya habang sumasabay siya sa 'kin na mag-jogging.

"How are you able to know about my past?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko na sa 'yo dati pa ang sagot sa tanong na 'yan. Inaalam mo dapat ang nakaraan ng mga kakaibiganin mo," he said.

"I said how, not why," sagot ko naman.

"You're clever," Gino said, apparently impressed.

"You're avoiding my question," I replied.

"I am," he said.

He really is honest. Tinitigan ko na lang siya nang matalim.

Gino glanced at me before he sighed.

"I am a honest person, Red. I try to be as honest as I can. I do lie and deny the truth sometimes, for specific reasons…" sabi niya.

"So there is no chance at all that you'll answer my question?" tanong ko naman.

"There is a time to answer your questions. But not now, Red. Not now," sagot ni Gino.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon