"I'm so tired," sabi ni Sei habang nasa daan kami. Ako na lang ang nag-drive ng kotse ni Sei dahil lantang-lanta na siya.
"'Sa pagkakaalam ko ako 'yung tinira mo. Dalawang beses pa. At ikaw pa ngayon ang pagod?" tanong ko.
"Ganun talaga. Sarap mo kasi," sabi niya.
I just rolled my eyes.
Lumapag bigla ang kamay niya sa binti ko.
"Pakasal na tayo, Credence," sabi ni Sei sabay hikab.
"Pakasalan mo sarili mo," singhal ko sa kanya.
"Gawin na kaya kitang syota ko para oras-oras pwede tayong mag-sex?" tanong niya.
"'Wag ka nang mag-atubili na ligawan ako. Ngayon pa lang sabihin ko na sa 'yo na hinding-hindi kita sasagutin," sagot ko.
Unti-unti namang umakyat sa binti ko ang kamay niya. Kinurot ko naman 'yun para tumigil na siya.
Sei stared at me sleepily. "Ba't ba kasi ayaw mo sa 'kin?"
"Hindi kita type," sagot ko.
"Look, gwapo ako. Maganda ang katawan. Mayaman. Kayang-kaya kitang panagutan pati ang magiging mga anak natin," sabi niya sabay himas sa tiyan ko.
"Ibabangga ko 'tong kotse mo," banta ko sa kanya.
"I love you."
"Bigyan mo 'ko ng pera, mas sasaya pa 'ko," sagot ko.
Sei just closed his eyes and breathed deep. Napatitig na lang ako sa kanya.
Well, 'yun nga. Gusto ni Sei na maging kami. Ever since na pumasok kami sa college eh ilang beses na 'yang nag-attempt na ligawan ako. At ako naman, kahit ilang beses na kaming nag-sex, eh hindi man lang siya binibigyan ng kahit isang chance.
Sabi nga ni Sei eh sana raw ay mabuntis niya ako para may rason ako na sumama sa kanya para panagutan ako. Urgh. He's really creepy.
Sei is really special to me. Siya 'yung unang tao na pinagkatiwalaan ko mula nung namatay si Kuya Grey. I've always looked at him as a very close friend. Silang dalawa lang ni Kuya Grey ang natatanging mga tao na nabigyan ko ng ibang lebel ng pagtitiwala kumpara sa ibang mga tao na nakilala o naging kaibigan ko. At kahit ilang beses kaming mag-sex ay hindi na magbabago ang pagtingin ko sa kanya.
I'm grateful that I met him. Pero alam ko sa sarili ko na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong maibigay sa kanya. Parati ko na nga 'yung pinapaliwanag sa kanya pero heto pa rin siya at nagpupursigi na maging mag-boyfriend kami. He's stubborn as hell.
Though alam namin pareho na naggagamitan kaming dalawa, naging close pa rin kami sa isa't-isa. Ginagamit ko ang mga koneksyon at kapangyarihan niya at siya naman eh nagpapakasawa sa pag-aasikaso ko sa kanya at pagbibigay sa kanya ng iba't-ibang klase ng sarap, sa pagkain man o sa katawan. We have a mutual relationship. In other words, friends with benefits kami.
Sei suddenly opened one of his eyes. Agad naman akong tumingin palayo.
"Nagagwapuhan ka na naman sa 'kin ano?" tanong niya sabay ngiti.
"Nope. Naglalaway ka na kasi. And above all, mas ma-appeal ako kumpara sa 'yo," sagot ko.
Tumingin si Sei sa bandang unahan namin. "Stop the car. Nandito na tayo," sabi niya.
"Good," sagot ko naman.
Nag-park naman ako ng kotse bago kami bumababa. Tiningala ko 'yung bar na papasukin namin.
"This place really is noisy," I said.
"Nasanay ka lang sa mga tahimik na bar. And besides, wala kang aasahang katahimikan in this low-class bar," sagot ni Sei.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...