Kishou's POV
"Isa na namang bangkay ang natagpuan ng mga awtoridad. Nakatanggap ng isang tip ang mga pulisya na isa umanong bangkay ang nakalibing sa isang bakanteng lote. Nakumpirma ng mga pulisya ang inilibing na bangkay nang hukayin nila ang tinurong lugar ng nag-tip sa kanila. At isang pulang rosas na naman ang nahukay kasama ng bangkay…"
Agad akong napaangat ng mukha.
"…Lasog-lasog ang katawan ng biktima at may tama ito ng baril sa balikat. Inaalam pa ng mga pulis ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Kinilala ng mga pulis ang bangkay bilang si Venice Palacio Santillan, isang kilalang modelo…"
"Venice?" gulat kong sabi.
"…Bumuo na ng task force ang pulisya sa pagkilala sa serial killer na ito. Inaabisuhan po ng mga pulis ang lahat na mag-ingat dahil hanggang ngayon ay nakalalaya pa rin at hindi pa nakikilala ang serial killer na pinangalanan ng mga pulis na Rose Killer."
"Rose Killer…" marahan kong bulong.
Ever heard the name "Rose Killer?"
"Oh, ba't parang uminom ka ng suka diyan?" tanong sa 'kin ni Elaine.
"I'm fine," sagot ko naman.
Biglang nag-ring ang phone ko.
Do I have your attention now?
It was the mysterious texter.
Yes, sir. You now have my damn full attention. What do you want?
So you finally accept that I'm genuine? It's good to see that you finally trust me. Unti-unti na akong nawawalan ng pasensya sa 'yo, sagot niya.
Agad naman akong nag-reply.
What do you want?
My phone rang again. It was a call. Agad ko naman 'yung sinagot.
"Good morning and Merry Christmas to you, Kishou," bungad sa 'kin nung tumatawag. The voice was masculine but it was obviously modified. Malamang may gamit 'tong voice changer.
"Good morning, too. And may I know your name please?" I said in a voice full of mock respect.
"Hmm… Call me Janus."
"Tch. Nice name. Very obvious," sagot ko.
"Yeah," he agreed. "It was indeed obvious but at least it was appropriate."
"So, what now?" tanong ko.
I heard him sigh. "Joshua was burned. Sheena was electrocuted. Venice was raped, pushed from a tall building, and was hit by a train…"
"What?! Venice was-"
"Maririnig mo na lang sana 'yun sa balita pero dahil mabait ako ay sinabi ko na sa 'yo ang nangyari sa kanya. Wala ka bang napapansin na kakaiba sa mga pinapatay ng Rose Killer na 'yan?" tanong ni Janus.
Tumitig ako sa kawalan. Matagal na akong may hinala pero ayoko lang 'yun na tanggapin.
"L-Lahat sila kilala ko…"
"Exactly. Lahat sila ay related sa 'yo. The danger is coming closer and closer to you, Kishou," sabi niya.
"Sino ba ang may gawa nito?" tanong ko.
Janus laughed a bit. "I'm sorry but I cannot tell you the answer. Naniniwala ako na ang lahat ng nangyayari ngayon ay dahil sa mga pagkakamaling nagawa sa nakaraan. I cannot interfere with the further killings, Kishou. Nakatadhana na silang magdusa at mamatay," sagot ni Janus.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomansaHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
