Gino's POV
The afternoon sun hung low over the horizon. Fallen dried leaves danced around me, carried by a gentle breeze. Tahimik ang buong paligid at halos walang katao-tao habang naglalakad ako sa ilalim ng mga puno. Dala ko ang isang basket ng bulaklak.
Lumiko ako mula sa kalsada sa loob ng sementeryo bago ko hinanap ang puntod ni Grey.
Nagsindi ako ng kandila at nilagay ko ang dala kong bulaklak sa ibabaw ng lapida niya.
"Long time no see, Grey..." bungad ko habang nakangiti nang bahagya.
I sat on the grass.
"Miss na kita, alam mo ba 'yun? Kahit na hindi mo na ako pinansin mula nung nakilala mo si Kishou eh hindi ko pa rin magawang magalit sa 'yo. Naiintindihan ko naman eh. Nabago mo na ang buhay ko kaya 'yung buhay naman ni Kishou ang binago ko. Never akon nagalit sa 'yo, don't worry. Masyado kitang mahal para magalit ako sa 'yo," I said.
I breathed deep and closed my eyes, appreciating the warm breeze that suddenly blew against me.
"I did all I can to protect your brother. 'Yun na lang ang nakita kong paraan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. I did all I can to save Red. But it was your brother who chose his ultimate fate. Wala na akong magagawa doon," sabi ko pa.
"Ano kaya ang nangyari kung buhay ka pa ngayon? Maybe hindi nangyari ang lahat ng 'to. Maybe hindi naging ganun si Red. Maybe nagkatuluyan na silang dalawa ni Kishou noon pa. Maybe nasabi ko sa 'yo ang nararamdaman ko... Baka sakaling naging tayo... Baka sakaling minahal mo rin ako pabalik..."
"Ang daya nga eh. Ang aga mo kasing umalis. Hindi ko namalayan wala ka na pala. Your death shaped not just the fate of your brother. Lahat kami naapektuhan ng pagkawala mo, Grey. Lahat kami nasaktan. When you left, you also took a little piece of our hearts with you..."
I wiped my tears away from my cheeks. Huminga ako nang malalim bago ako tumitig sa araw na paunti-unti nang nawawala sa kalangitan...
"Sir Gino, kakain na po sa baba," sabi sa 'kin ng yaya ko.
I stood up, fixing my necktie a bit. Bumaba naman ako agad. Naabutan ko sa dining area sina Mama at Papa.
"Today is your first day in school. Be a good boy, okay? Hindi ka namin maihahatid ng Papa mo dahil busy kami sa negosyo," sabi ni Mama.
I nodded. "I understand."
Papa smiled at me. "That's my boy," he said. "Kilalang-kilala kita, Gino. Ang bata mo pa pero independent ka na talaga. I'm really proud of you."
Ngumiti na lang ako nang bahagya.
My parents didn't spend much time with me during my childhood years. They're focused on their businesses. But I never blamed them. Hindi rin ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Naiintindihan ko ang sitwasyon nila. Ginagawa lang naman 'yun ng parents ko para sa ikabubuti at ikagaganda ng buhay ko.
Alam ko na kung saan ang room ko, sino ang magiging teachers, at kung sino-sino ang magigi kong mga kaklase kahit na hindi ko pa sila nakikita in person. I always try to be one step ahead of everyone else.
Nung nakarating na ako sa room ay naupo ako sa table ko at hindi man lang lumingon-lingon. Nakikipagkaibigan na sa iba kong kaklase ang mga tao sa likod ko pero wala akong pakialam. Kilala ko na silang lahat. Bakit pa ako makikipagkaibigan sa kanila?
A girl walked in front of me.
Hanna Reyes, my mind said. Bunsong anak ng isang mag-asawang doktor. Valedictorian ng klase nila nung elementary. She was in the Top 10 enrollees who scored the highest in the entrance exams.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomansaHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
