Kishou's POV
Pebrero na at patapos na naman halos ang isang school year. Malapit na rin kami mag-finals kaya naman todo aral na ang halos lahat ng mga estudiyante. By the end of February eh finals na namin.
But almost everyone in Emerald has been looking forward for the Valentine's Day Ball. Kaliwa't-kanan ay 'yun ang mga usapan. At kasabay nun ay nagsimula na rin ang hanapan ng mga partners para sa ball.
"Umamin ka nga, ikaw ba ang nagtuturo sa mga pulis sa mga bangkay na tinatapon ng Rose Killer?" tanong ko kay Janus nung minsan siyang napatawag na naman sa 'kin.
"Maybe. Just be happy na hindi ikaw ang bangkay na hinahanap ngayon ng mga pulis," sagot naman ni Janus.
"Yeah, great. Palagay mo ba matapos mabaril si Red eh pagkakatiwalaan pa kita?" tanong ko sa kanya.
"Gagawin mo ba talaga akong gasgas na plaka? Ilang ulit ko na bang sinasabi sa 'yo na wala akong pake kung magtiwala ka sa 'kin o hindi. Just be happy na kahit pinagtutulakan mo ako eh buhay ka pa rin ngayon dahil sa tulong ko," sagot niya.
"Kung kilala mo pala ako then identifying Red's shooter must be a breeze to you," I fired back.
"To be honest, oo, kilala ko ang nagpabaril kay Red," sabi ni Janus.
"Really? Sino?"
"Everyone has a reason for doing the things they think is right and just. I do lie and deny the truth sometimes, for specific reasons," sagot niya.
I rolled my eyes.
"My middle finger salutes your words of wisdom, sir," I replied scornfully.
Janus chuckled.
"Kung gusto mo talagang malinawan sa sitwasyon eh bibigyan kita ng isang magandang tip. Around next week ay makikita mo na ang totoong kulay ng mga tao sa paligid mo," sabi niya.
"And what do you mean by that?" I asked, frowning.
"Well, what appears to be red can actually be black. What appears to be black can actually be white," Janus replied.
"I don't have all day to decipher your heiroglyphs," I said.
Janus just laughed. "Okay. Heto, may balita ako sa 'yo na direct-to-the-point: Pagpunta mo sa Emerald ngayong umaga ay mapapatalsik ka bilang team captain ng basketball team ninyo at mawawalan ka ng scholarship. Mamayang hapon naman ay kakausapin ka ng manager ng restaurant na pinagtatrabahuhan mo at sasabihin niya sa 'yong hindi na sila tatanggap ng mga part-timers at kailangan mo nang umalis mula sa kanila lalo pa ngayon na patapos na ang kontrata mo. Lahat ng 'yan ay mangyayari sa 'yo sa araw na ito. You've got a really bad day, Kishou," sabi ni Janus.
"What the hell? At paano mo naman malalaman na-"
"Dahil hindi lang ikaw ang taong binabantayan ko, Kishou. Marami kayong nasa ilalim ng… patnubay at pangangalaga ko. But don't worry. Ako na ang bahala sa sunod na part-time job mo. I have a friend who owns a restaurant. I can refer you to him," sagot niya.
"Pwede ba, tigilan mo na ako! Tigilan mo na si Red!" sabi ko naman.
"Tinataboy mo ako pero alam kong sa kaloob-looban mo eh ayaw mong bumitaw sa 'kin. Pwede ka namang magpalit ng number pero hindi mo ginawa. Bakit? Dahil alam mong pwede mo akong magamit. Ganyan ka Kishou, 'di ba? Magaling kang manggamit ng mga tao. Kaya bakit mo ako bibitawan kung nakikinabang ka sa existence ko?" tanong niya.
"Really? At tila ako pa ngayon ang may malaking utang-na-loob sa 'yo? Don't worry. Makikilala rin kita at siguradong mababayaran ko rin ang utang-na-loob ko sa 'yo," sagot ko.
BINABASA MO ANG
His Revenge
Storie d'amoreHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...