"Nice set!" sigaw ko kay Irvin sabay talon. Sumabay sa'kin ang tatlong blockers at tinapik ko na lang nang marahan yung bola. Lumagapak naman 'yun sa mismong likuran ng blockers.
"Very good!" sigaw naman ni Coach Kevin na nakabantay sa'min mula sa gilid ng court.
Tinapik naman ako sa balikat ng teammates ko.
"Gumagaling na si Pandak!" tuwang-tuwa na sabi ni Franco, team captain namin.
Si Irvin naman eh ngumiti na lang sa'kin. "That was a very clever move," sabi niya.
Ngumiti na lang ako sa kanila.
Nagpapractice kasi kami ngayon ng teammates ko sa loob ng gymnasium. Although malayo pa naman ang Intramurals namin eh gusto na akong sanayin ni coach. Mataas daw kasi ang talon ko kaya gusto na agad akong isama ni coach sa unang laro namin. Kaya naman heto, parati akong nagpapractice para makasabay na ako sa iba ko pang teammates.
"Break na muna kayo," sabi ni coach.
Agad naman akong umupo sa isang bench para magpahinga.
"Next month August na. Mag-i-intrams na rin dito. Wala ka bang sasalihan na ibang competition?" tanong sa'kin ni Irvin.
"Wala na. Busy na nga tayo dito. Tsaka sabi sa'kin ni coach, kung maganda raw ang performance ko sa intrams eh baka isama na rin niya ako sa inter-schools tournament. Ibang level na ang labanan doon," sabi ko.
Si Irvin kasi eh tine-train pa para maging magaling na setter. Pero isasama na rin siya ni coach sa intrams.
"Nasa dugo niyo talaga ang pagiging magaling sa sports. Yung kuya mo magaling sa basketball, ikaw sa volleyball," sabi ni Irvin.
"Oo na. Salamat," sabi ko naman.
"Pandak, may nagpapabigay sa'yo oh," bungad bigla samin ni Paul, isa ko pang teammate. May dala siyang isang bote ng gatorade.
"Sino?" tanong ko naman habang nakatitig sa dala niya.
"Tinanong ko yung nagbigay sa'kin ayaw namang sabihin kung sino. Basta may nagpapabigay daw sa'yo. Selyado pa naman 'yan, 'wag kang mag-alala," sabi niya.
"Okay. Thanks," sabi ko sabay kuha sa gatorade.
"That's weird. Who would give this to me?" tanong ko.
Ngumiti na lang si Irvin. "Mukhang may nahuhulog na sa moves mo sa loob ng court," sabi niya sabay tawa.
I just raised an eyebrow. "Walang magkakamali na magkagusto sa'kin. Mas maraming sikat dito sa school kumapara naman sa'kin," sabi ko.
"'Wag mong apakan ang sarili mo, huy. Tsaka hindi mo naman kailangan na maging sikat para maraming magkagusto sa'yo. Isang tao lang sapat na," sabi ni Irvin.
Hindi ko na lang pinansin yung panunukso niya. Sa buong practice namin eh hindi ko maalis sa isip ko kung sino yung nagpabigay nun sa'kin.
Four-thirty na at tapos na kaming mag-practice. Nakatitig pa rin ako sa bote ng gatorade habang nakaharap ako sa locker ko. I sighed. Well, kung sino man siya, salamat na lang sa kanya.
"Mauuna na ako, Red. Bye!" paalam ni Irvin.
Kumaway naman ako pabalik. Nagpa-iwan ako kasi may practice sina kuya hanggang five. Kakausapin pa raw siya ng coach nila. Kami kasi eh hanggang four lang.
Binuksan ko na yung locker ko para kunin yung mga librong iniwan ko. Pero natigilan ako pagkabukas ko nun.
There was a rose inside.
I automatically frowned. Tumingin-tingin ako sa paligid pero halos wala nang tao sa hallway kung nasaan ako.
Kinuha ko naman yung rose sabay amoy dun.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
