Kishou's POV
"Are you sure you're not going to follow him?" tanong ko kay Gino nung lumabas na si Red sa pinto ng condo unit ko.
"Kailangan niyang malaman ang totoo. Kailangan nating malaman ang totoo. May hinala na ako pero ayoko pa 'yung tanggapin hangga't hindi ko naririnig nang personal ang katotohanan," Gino said.
I stared at him. "B-But if you're Janus, then ikaw ang nagpabaril kay Red at pumatay kina Dana at Irvin?" tanong ko.
He glared at me. "Hindi ako mamamatay-tao."
"I'm sorry," sabi ko naman agad. "Kung hindi ikaw eh 'di sino?"
"May isang tao na nakaalam na tinutulungan kita gamit ang pangalang Janus. Ang ginawa niya ay nagpanggap siyang ako at pinuntirya niya si Red at ang mga kaibigan niya. Ginawa niya 'yun hindi lang para magalit sa 'kin si Red, ginawa niya 'yun para mawalan ka ng tiwala sa 'kin. Which is muntikan nang mangyari," paliwanag niya.
"Sino?"
"Malalaman mo rin," tipid niyang sagot.
"At ikaw din ang nagtuturo sa mga pulis sa mga pinapatay ni Red?" tanong ko.
He nodded.
"Bakit 'di ka na lang nagsumbong sa mga pulis?" tanong ko.
"Ginagawa mo ba talaga akong sirang plaka? I do lie and deny the truth for specific reasons. Hinayaan kong pumatay si Red dahil kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila sa kanya. At 'yun lang ang paraan para malaman ko kung sino ang kakampi at sino ang ahas," sagot ni Gino.
"Sorry. Gulong-gulo na talaga kasi ang isip ko. Hindi ko na alam kung kanino ako magtitiwala," I said.
"Hindi ko hinihingi at wala akong balak na humingi ng tiwala sa 'yo," Gino said firmly.
"I know."
He stared at me for a while.
"You should go to the hospital. Those cuts look serious. Baka ma-impeksyon 'yan," sabi niya.
"I'm fine. I deserve these…"
"Hindi ka nga namatay sa kamay ni Red, namatay ka naman sa tetanus. What a lame way to die. At least clean it with alcohol, idiot," he said.
Napangiti na lang ako.
"You're quite talkative now, huh? Hindi ka naman ganyan dati ah," tanong ko.
"Your mind matured a bit now, huh? Hindi ka naman ganyan dati ah," Gino fired back.
"Si Janus ka nga," sabi ko naman.
"Mauuna na ako. May kailangan pa akong puntahan," paalam ni Gino.
"At this time?" tanong ko.
"Yeah. May kailangan akong i-check na medical record…"
"Medical record?" I asked.
"At ngayon may pakialam ka na sa mga sinasabi ko? Dati-rati halos hindi ka sa 'kin makinig. Barilin kita," banta niya.
He walked straight to the door and out of sight.
•••
Gino's POV
Kinuha ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang isang cellphone nung nakalabas na ako sa condo ni Kishou.
"Yes, sir?" bungad ng nasa kabilang linya.
"PO2 Francia? Yes. I am Gino Adaira. Ako po ang nag-request sa medical record ni Mr. Grey Ejiria Guvera. Alam ninyo naman po siguro kung saan na tayo magkikita?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
His Revenge
RomansaHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...
