HR II - Chapter 24: Settle

6.4K 280 10
                                        

Red's POV


"Any plans this afternoon?" tanong sa 'kin ni Sei habang nagtatanggal siya ng tinga nung natapos na kaming kumain ng lunch.

Wala kasi kaming pasok ngayong hapon.

"May kakausapin ako," sagot ko.

Sei smirked. "Sineseryoso mo talaga ang pagpapahiwalay sa dalawang 'yun ah."

Ngumiti na lang ako. "Why? Mahal namin ni Kishou ang isa't-isa…"

He laughed. "Para kayong timang. So kung naghiwalay na sila ano na ang plano mo?" tanong ni Sei.

"Liligawan niya ako for sure," sagot ko.

"And then?"

"Doon na magsisimula ang lahat," I said meaningfully.

"Like?"

"Makikita mo na lang. 'Wag kang aligaga," singhal ko sa kanya. "At dahil wala naman tayong pasok ngayong hapon eh bakit hindi mo bantayan at usisain ang pinsan mo? Para naman lahat tayo eh may kapaki-pakinabang na ginagawa."

Sei breathed deeply. "Fine. But I'll sleep in your house tonight."

I glared at him. "Gaano katindi ang pagpipigil mo para hindi mo takpan ng unan ang mukha ni Gino kapag tulog siya?"

He chuckled. "For your info, nagla-lock po siya ng pinto kaya hindi ko 'yun nagagawa."

"At binabalak mo talagang patayin si Gino?" 'di-makapaniwala kong tanong.

"Hey, I'm just kidding. Nakikisakay lang ako sa trip mo," sagot niya.

"Whatever. Tara na at baka masaktuhan ko si Bianca sa labas. Kanina pa ako nagpa-practice na umiyak," sabi ko sabay hila sa kanya.

"I think I'll go now," paalam ni Sei pagkalabas namin. "See you later. And cook kare-kare tonight, babe," he added with a wink.

"Sure. You might as well want to buy a rat killer while on your way home. Ako na bahala sa sukat ng kabaong mo," sagot ko naman.

Sei just chuckled before walking away from me. Naglakad naman ako sa kabilang direksyon.

Kishou went home earlier. Mukhang papasok sa trabaho kaya naman may panahon ako para bumuwelo kung sakali man na magkatagpo kaming dalawa ni Bianca.

And, hallelujah, nakasalubong ko si Bianca nung saktong pupunta ako sa library.

"Hello!" bati ko sa kanya.

"Hi, Red. I was looking for you kanina pa. Buti nakasalubong na kita ngayon," sabi niya.

I tried to sound as curious as possible. "Why?"

"Balak ko sanang kausapin ka about… about Kishou. Kinausap rin kasi niya ako kaninang umaga," sabi niya.

I almost smiled. Today is indeed my lucky day. Perhaps I'll pass by a lotto outlet later to see how lucky I am today.

"I see. Nasabi na pala niya sa 'yo," I said gently, reviving the spirit of the twelve-year-old Red.

"Maybe we can walk around the school? May pasok ka ba?" tanong niya.

"Wala. Ikaw, baka may pasok ka?" tanong ko naman.

"Half-day lang ang schedule ko ngayon," sagot ni Bianca.

I'll definitely pass by a lotto outlet later.

"Sure," sabi ko naman.

We walked away from the library and into the school grounds.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon