HR II - Chapter 8: Mutual

8.5K 341 25
                                    

I let out a frustrated groan.

"You always defeat me in Scrabble," sabi ko habang nag-aayos ng mga tiles na ginamit namin.

Red just stared at me happily. I've never seen him smile though. It was actually one of my goals, to make him smile. Sinasadya kong magpatalo sa pag-asang ngumiti man lang siya.

It was a hot afternoon. Summer have already started. Kaya naman halos araw-araw akong bumibisita kina Red. Halos dalawang buwan na rin ang nakalilipas mula nung nagkakilala kami. Hindi pa rin siya nagsasalita o ngumingiti man lang.

Red stood up and went to the fridge. He pulled from there a container of ice cream. Mula sa oven ay kinuha rin niya 'yung pizza na ininit niya kanina. He placed it at the table where we are playing.

"You really are fond of these," sabi ko nung nakaupo na siya.

Pinadaanan ko ng titig 'yung mga benda niya.

"Hindi pa ba gumagaling ang mga sugat mo? I mean, halos dalawang buwan ka nang balot ng benda. Your wounds should've healed by now," sabi ko sa kanya.

Red just averted his gaze from me. I raised an eyebrow as I stared at him.

"O baka nag-iinarte ka lang na kunyari may sugat ka? 'Yung parang ninja?" tanong ko.

Red just stared at me sharply, shaking his head.

"Then ano nga ang rason kung bakit hindi mo 'yan matanggal na benda mo?" tanong ko.

Red just snobbed me.

Kaya naman kinagabihan ay hinintay ko ang nanay ni Red para matanong ko kung bakit ganun na lang parati ang ayos niya.

"'Yun ba? Bakit mo naman natanong?" tanong sa 'kin ni Tita habang nasa gate kami ng bahay nila.

"Nagtataka lang po ako kasi halos dalawang buwan na siyang ganun," sabi ko naman.

She sighed before smiling at me.

"Alam mo naman siguro kung ano ang mga dinanas niya 'di ba?" tanong niya.

"Opo."

"Hindi naman madaling kalimutan ang mga pinagdaanan niya. Binabantayan nga namin siya parati dahil maselan pa rin ang sitwasyon niya ngayon. Masaya nga ako dahil nandito ka bilang kaibigan ng anak ko. Mas masaya na siya ngayon kung ikukumpara ko sa dati niyang lagay noon..."

Tumitig siya kay Red na kasalukuyang nagbabasa ng isang libro mula sa balkonahe ng kwarto niya.

"Pero 'yun nga, hindi madaling malimutan ang mga nangyari sa kanya. At kung minsan... sinasaktan niya ang sarili niya kapag naaalala niya ang mga pinagdaanan niya," sabi ni Tita.

"Ano po bang ginagawa niya?" tanong ko naman.

"Minsan eh sinusugatan niya ang sarili niya... Kahit pinagsasabihan namin siya eh ginagawa niya pa rin 'yun kapag inaatake siya ng takot niya. Kaya nga pinapakiusapan namin ang mga katulong dito sa bahay na bantayan siya nang maigi," sagot ni Tita.

"Ganun po pala..." sabi ko naman.

"Kaya pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong niya sa 'kin.

"Ano po 'yun?" tanong ko.

"Bantayan mo siya nang maigi kapag magkasama kayo. Sabihan mo na rin siya na sana iwasan na niya ang pananakit niya sa sarili niya. Maaasahan ba kita?" tanong ni Tita.

"Sige po... Ako po ang bahala sa kanya," sagot ko naman.

She smiled at me before ruffling my hair. Nagulat na lang ako dahil lumuluha na pala siya.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon