Chapter 3: Phone Call

12.1K 546 72
                                    

Hapon na at kasalukuyan na akong nakaupo sa loob ng gymnasium. Hinihintay ko kasi si kuya na matapos sa pakikipag-usap sa coach nila.

Naglalaro ako sa cellphone ko nung biglang may tumabi sakin.

Si Kishou.

"Hey," he said.

"Hello," sabi ko naman bago ako bumaling ulit sa phone ko.

"Nandun pa ang kuya mo, kausap si coach. Pero madali na siyang matapos," sabi niya.

"Yeah, thanks," I said without tearing my eyes away from the phone.

Bigla akong nakaramdam ng hininga sa pisngi ko. Lumingon ako at halos nasa balikat ko na ang mukha ni Kishou.

"What game are you playing?" tanong niya sabay titig sa phone ko.

"Nothing," sabi ko naman agad.

Umusog agad ako palayo sa kanya. Tinago ko na lang ang phone ko para hindi na siya lumapit pa sakin.

"Do I make you uncomfortable?" tanong niya.

"No," sagot ko naman agad.

"But you seem to look awkward whenever I get near you," he said.

I sighed. He can read me like a book, I thought. Aamin na lang ako.

"Hindi kasi ako sanay na may bigla-bigla na lang na lumalapit sakin," sabi ko naman.

"Sorry. Ganito lang talaga ako, feeling close, literally," sabi niya habang tumatawa.

"Don't be sorry. Its fine," sagot ko naman.

He moved closer to me. Nagkunwari naman akong hindi siya napapansin.

"No offense but you're a bit of an introvert," he said.

He's really frank. Mukhang kung ano ang nasa isip niya eh sinasabi niya agad. He's really honest and outspoken. Well, at least hindi siya plastik.

"I'm not," I said.

"Sure? Aside from your new friends here in high school, may mga kaibigan ka pa bang iba?" tanong niya.

Natigilan ako. Checkmate.

"Uhm… well, I do know some people…"

"Kilala mo sila, pero kaibigan mo ba sila?" tanong naman niya.

"Maybe I'm not that friendly but I'm pretty sure that I'm not an introvert," I said defensively.

"Okay, sabi mo eh," sabi niya.

Pero bigla siyang nag-abot sakin ng kamay.

"Friends?" tanong niya.

I stared at him. "What?"

He smiled. "Tinatanong kita kung pwede ba tayong maging magkaibigan. Para naman madagdagan kahit na papano ang mga kaibigan mo," sabi niya.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang makipagkamay sa kanya.

"Friends," I said.

Buti na lang at dumating na si kuya kaya hindi na nagtagal pa ang pag-uusap naming dalawa ni Kishou.

Pero laking gulat ko nung sumabay pa samin si Kishou palabas ng gate ng school. I gave him a swift glance. Sumabay pa siya samin na maglakad.

"By the end of June magpapa-try-outs na ang sports department sabi ni coach. You wanna try volleyball Red?" tanong sakin ni kuya.

"Yeah, maybe," I said.

"Join," he said firmly. "Para naman aside sakin eh magkaroon ka pa ng ibang kaibigan," sabi ni kuya.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon