"Welcome to my home!" sabi ni Kishou pagkababa namin ng taxi.
Tumingala naman ako sa bahay niya. It was really huge. Isa 'to sa mga pinakamalaking bahay na nakita ko dito sa village nila. Malayong-malayo 'to mula sa simpleng bahay namin.
"Tara na sa loob. Lalamigin ka dito sa labas," sabi ni Kishou sabay hila sa'kin.
In-on niya yung ilaw pagkapasok namin sa bahay. Bumungad naman sa'kin yung magarang sala nila.
"Upo ka na muna diyan. Magpapalit lang ako ng damit. Do you want to watch TV? Wi-Fi?" tanong niya.
"No, I'm good," sagot ko naman.
"Okay. Madali lang ako," sabi niya bago siya umakyat sa hagdan.
Naglibot naman ako ng paningin sa sala nila. Mas malaki pa 'to kumpara sa kwarto namin ni kuya. I wonder kung hindi ba nabo-bore dito si Kishou kung minsan. Baka nga pamugaran 'to ng mga multo dahil halos siya lang ang tao dito.
Nabaling bigla ang titig ko sa mga litrato na nasa ibabaw ng isang drawer.
Lumapit ako doon at tiningnan ko yung isang picture.
It was a picture of Kishou nung bata pa siya. Mukhang kasama niya rin dito ang mga parents niya. Kamukhang-kamukha talaga niya ang Papa niya. Napangiti na lang ako nang bahagya. He really looked happy in this picture. Ngayon kasi parang malamlam na nang konti ang expression ni Kishou.
Isang kamay ang biglang humaklit sa bewang ko.
"Those are my parents," sabi ni Kishou.
Umusog ako nang konti palayo sa kanya. Nakasuot lang kasi siya nang sando sa pang-itaas at naka-boxer shorts lang siya. I can even feel his bare skin against me.
"Kaya nga. You really look like-"
"My father. Yeah. Marami na ang nakapagsabi niyan sa'kin," sagot niya.
I smiled a bit. "Is is a bit lonely to live alone?" tanong ko.
"A bit? Halos mamatay na 'ko sa boredom dito kung minsan. Kaya nga heto, feeling close agad ako sa ibang tao kasi nga madalas akong mapag-isa. Gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan dahil alam ko na sa kaloob-looban ko, pagod na rin akong mapag-isa- na wala akong kasama," sabi niya.
Huminga siya nang malalim. "Anyway, bago pa tayo maging emosyonal dito eh magluluto na ako," sabi niya.
"I'll help," sabi ko naman agad.
"'Wag na. Mapapagod ka lang," sagot ni Kishou.
"Tutulong na ako. Tsaka ayoko namang wala akong ginagawa," sabi ko.
"Fine. Tara na," he said with a smile.
Medyo nakokonsensiya ako kahit na papano sa sitwasyon niya. I mean, ako 'tong panay kaka-iwas sa kanya pero siya eh wala namang ibang ginawa kundi ang mag-reach out sa'kin. Gusto lang naman niyang makipagkaibigan pero ako eh malisya na agad ang binibigay sa bawat ginagawa niya.
Well, nagpadala ako sa mga kinuwento sa'kin ni kuya. I judged him too early without knowing his story first.
I really felt bad. Pakiramdam ko ang sama-sama ko nang tao.
"I'm sorry…" sabi ko bigla nung kumakain na kami.
Kishou stared at me curiously.
"Sorry for what?" tanong niya.
"For judging you. Well, alam kong alam mo na iniiwasan kita these past few days because I feel uncomfortable with you-"
"Dahil ba 'yun sa nakwento sa'yo ni Grey tungkol sa'kin?" tanong niya bigla.

BINABASA MO ANG
His Revenge
RomanceHe trusted, but it was broken. He loved, but he was betrayed. He fell, and they shattered him further. But he will start again. He will walk again. He will rise again. Meet Red, and witness his revenge. This is the sixth story in the PA Series- a st...