Ami's POV:
"Ami! Bilisan mo. Sumabay ka na sa Papa mo." Nagsasapatos na ako ng marinig kong tinawag ako ni mama. Agad akong bumaba at tumungo sa sala namin.
"Hindi po ako sasabay Papa." Saad ko dito.
"Wala pa naman tayo sa BH building kaya valid pa ang Special treatment." Biro niya sa akin.
"Hindi na po papa. Mag bu-bus na lang po ako. Kaya ko na po." Saad ko dito.
"Ikaw ang bahala. Kapag nalate ka, wag mo akong sisisihin ah." Aniya bago nauna ng umalis.
"Anak. Galingan mo ha?" Tumango ako bilang pag sang ayon dito at binalingan ko din ng tingin ang aking bunsong kapatid na busy sa paglalaro.
"Bye, little Monie." Hinalikan ko siya sa pisngi bago umalis na din.
Pasulyap-sulyap ako sa aking suot na relo. Mukhang mali ang desisyon ko na magbus. Dapat pala sumabay na ako kay Papa sa sasakyan.
Halos siksikan ang mga bus na tumitigil sa istasyon.
"Bahala na nga." Bulong ko sa sarili ko nang may tumigil na bus. Kahit puno iyon ay pinilit ko ang sarili ko na makipagsiksikan sa loob. Desperada na akong makipagsiksikan lalo na at ilang minuto nalang ang natitira sa akin. Hindi ako pwedeng malate sa call time.
"Excuse me." Mahina kong saad sa mga nakakasiksikan ko sa loob. Para na kaming sardinas sa loob ng bus.
Kulang na lang ay magkadikit na ang mukha namin ng katapat kong lalake sa sobrang sikip.
"Ah!" Hindi ko napigilan ng mapasigaw ng biglang magpreno ang driver dahilan upang matumba ako sa lalaking kaharap ko. Naramdaman ko din ang paghawak niya sa likod ko na para bang inalalayan niya ako sa pagkakahulog sa kanya.
May katangkaran ito kaya naman napaangat ako ng tingin. Tumingin din ito sa akin pero blanko ang ekspresyon nito. Agad naman akong napaayos ng tayo at nakaramdam ng ilang dito.
"S-sorry."
Sumulyap ako sa kanya at nakatingin na ito sa bintana. Napansin ko tuloy ang tangos ng kanyang ilong at malaperpekto nitong itsura.
Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa pangyayaring iyon. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makababa na ako sa bus at dali-daling tumungo s BH building.
Hindi ako pwedeng malate!
Habol hininga akong nagtungo sa elevator at pinindot ang up button.
Ilang minuto nalang. Kinakabahan na ako.
At sa wakas ay nagbukas na ang elevator.
"Ami? Ami!" Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin habang ang mga kasama nito ay kunot noong tinignan ako.
"Long time no see! Sabi ko na nga ba at babalik ka!" Kumalas ito at abot tenga ang ngiti sa akin.
Hindi ko akalain na maaalala niya pa ako. Napatulala na lamang ako sa kanya.
"Ami? Nakikilala mo pa ba ako?" Tanong nito sa akin.
"Oo naman. Loxe. Nagkita na tayo sa Mall show niyo nitong nakaraang araw." Saad ko dito.
"Guys, siya yung kinukwento ko sa inyo na kaibigan ko..." parang hindi ko naririnig yung sinasabi niya nang mapansin ko ang lalake na nakasabay ko sa bus kanina na sumakay naman ngayon ng elevator.
Hindi kaya Trainee din siya tulad ko?
"Loxe, next time nalang tayong magkwentuhan, late na kasi ako. Nice meeting you." Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at tumungo na ako sa tapat ng elevator kaso bigla itong nagsara.
Ang malas ko naman.
Wala na akong choice kundi ang gumamit ng hagdan.
Kasalanan ito ni Loxe! Kung hindi niya ako kinausap e'di sana nakasakay na ako sa elevator. Wrong timing naman oh!
Hingal kabayo kong binuksan ang pinto kung saan lahat ng trainee ay nagtipon tipon. At tama nga ako ng hinala, late ako.
"Alam mo ba kung anong oras na?" Masungit na tanong ng lalake na nasa harapan ng mga trainee.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.
Siya yung kasabay ko sa bus kanina.
Ibig sabihin, isa siya sa mga trainor namin?
"Five Minutes late is equivalent to five minutes squat." Aniya habang nakatingin sa akin. Unang araw ko palang may parusa na kaagad ako.
"What are you waiting for?" Agad akong gumilid at sinunod ang gusto niya.
"Tandaan niyo, trainee palang kayo ngayon. Kung magpapasaway lang din naman kayo, mas mabuti pang magquit na lang kayo habang maaga pa." Aniya.
"Anyway, ako ang fitness instructor niyo. I am Song Bae. At dahil unang araw niyo bilang trainee, kailangan ninyong tunawin ang mga taba na naipon ninyo sa inyong katawan."
Sa totoo lang, hindi naman kami matabang lahat pero dahil required ang exercise sa pagiging trainee ay wala kaming ibang choice.
"Sa susunod na malate ka, hindi lang squat ang aabutin mo. Sige na. Umayos ka na ng upo." Sumalpak agad ako sa sahig matapos niyang tanggalin ang parusa sa akin. Naramdaman ko kaagad ang ngalay dahil sa ginawa kong posisyon.
"Girls, all you need is flat stomach and boys, you must have abs." Dagdag nito habang eneexplain niya ang kanyang role bilang Physical Fitness Instructor namin.
"Grabe, unang araw palang ng training, masakit na agad ang katawan ko." Reklamo ng kasamahan kong trainee. May thirty minutes kaming break time. Simula noong dumating si Mr. Song ay pinag exercise na niya kami kaagad at tulad ng iba kong kasamahan ay naramdaman ko din ang sakit sa katawan.
Tumungo na muna ako sa canteen para bumili ng tubig.
Dahil uhaw na uhaw na ako ay ininum ko iyon habang nalalakad at sa di inaasahang pangyayari ay nakabunggo ako.
"Sorry." Agad akong humingi ng tawad sa babaeng nakabunggo ko. Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay na tila ay hindi niya nagustuhan ang nangyari.
Hindi naman ito nagsalita at hinayaan nalang ako.
"Tss.. ang isnabera talaga ng babaeng iyon."
"Kaya siguro hindi nagdedebut dahil sa panget niyang ugali."
"Tama ka jan. Pagkakaalam ko nga matagal na siyang trainee dito. Almost two years na yata."
Ilan lamang ito sa mga narinig ko tungkol sa babaeng nakabunggo ko.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...