MAHAL-aga

497 23 4
                                    

Ami's POV:

"Ami." Naramdaman ko na may naglalaro ng buhok ko kaya naman nagising ako. Napangiti ako dahil si Little Monie pala iyon kasama si Papa.

"Breakfast is ready." Napakagat labi ako dahil biglang sumagi sa isip ko yung mga nasabi ko sa kanila kagabi.

Pakiramdam ko ay nabastos ko sila sa sinabi ko. Parang hindi ako nakapag aral ng maayos dahil sa ugaling ipinakita ko sa kanila.

"Papa..." Hindi pa man ako nakapagsalita ay naramdaman ko na ang pagdampi ng labi ni Papa sa noo ko. Humarap siya sa akin at binigyan ako ng magandang ngiti.

"Muntik ko ng nakalimutan na dalaga ka na pala at hindi na bata. Pakiramdam ko ay napaka immature ko kagabi dahil sa ginawa ko. I am sorry kung naramdaman mo na wala akong tiwala sayo. Ganito siguro talaga ang isang ama para sa kanyang dalagang anak, nagiging O.A." Siya na mismo ang nagsabi ng salitang O.A. Ngumiti ako dito at saglit na niyakap.

"I am sorry din po Papa. Naging rude ako sa inyong Pito. Alam ko namang nagawa niyo lang iyon dahil mahal niyo ako. Sorry."

"Ok na kayo?Tara na. Sabay-sabay na tayong magbreakfast." Ani Mama na tingin ko ay kanina pang naghihintay sa pinto.

"Sige po, maghihilamos lang po ako." Saad ko. Mabilis namang kinarga ni Papa si Monie at sabay na silang bumaba ni Mama.

"Ma. Ano pong breakfast?" Tanong ko habang pababa ako ng hagdan. Tila na estatwa ako sa aking pwesto nang makita ko kung sino ang mga kasalo namin sa hapag.

"Halika na Ami." Ani Papa na parang wala lang sa kanya ang presensya ng tatlo.

Tumingin ako sa kanila ng masama.

"Heto ang soup para mawala ang hung over ninyo." Ani Mama at binigyan sila ng tig iisang bowl na mag lamang soup.

"Thank you po." Saad ng tatlo.

"Ami. Kumain ka na din." Ani Mama sa akin.

"Ma, paabot po ng omelet." Imbis na si Mama ay yung tatlo ang naglagay ng omelet sa plato ko.

"S-salamat." Napatingin ako kay Mama na tila pinipigilan niya ang matawa dahil sa ginawa ng tatlo.

"Nakauwi na po ba sina Mr. Jin?" Pambabasag ko ng katahimikan. Medyo naiilang kasi ako.

"Oo. Maaga sila umalis kanina." Saad ni Mama.

"Kumain lang kayo, wag kayong mahiya." Ani Mama sa tatlo.

"Salamat sa pagkain." Ani papa at tumayo na matapos niyang kumain.

"Pa, sasabay na po ako sa inyo." Saad ko at mabilis na kumain.

"wag na. Sumabay ka nalang sa kanila." Napatigil ako sa pagkain at lumingon sa tatlo na ngayon ay napatigil din sa kanilang pagkain.

Ngayon lang ba sila nakakakita ng babaeng nagmamadaling kumain?

"Ganyan talaga siya kumain." Ani Mama.

---***---

"Bye Ma. Bye Monie." Paalam ko sa kanila. Matatagalan ulit bago ako makakabisita sa bahay.

"Ingat kayo." Ani Mama.

"Ami. Ihahatid na kita sa BH building." Prisinta ni Sue.

"Hindi, sa akin ka na sumabay. Isang way lang naman tayo." Saad naman ni Loxe.

"Mauna na ako." Walang ganang saad ni Mr. Song at nauna ng lumakad.

"Salamat nalang pero magbubus na lang ako." Saad ko sa mga ito at lumakad na papuntang bus station.

"I knew it. Alam kong akong sa akin ka sasabay." Narinig kong saad ni Mr. Song habang naghihintay kami ng bus.

"For your information, wala akong pinipili sa inyong tatlo kaya wag kang feeling. Paalala ko lang na ito na ang daily routine ko kaya wala akong choice kundi ang makasabay ka." Mabuti nalang at may huminto ng bus kaya agad akong sumakay doon at hindi siya nilingon.

Naiinis talaga ako sa pinakita nilang atittude kagabi.

"Mahal na mahal ka talaga nila. Swerte mo." Tumingin ako sa kanya at seryoso lang itong nakadungaw sa bintana.

"Sabi nila, maswerte daw ako dahil galing ako sa mayamang pamilya at nakapagtapos sa magandang eskwelahan.." Napangisi pa ito habang nagsasalita.

"Hindi nila alam na mas maswerte sipa sa akin. Aanhin ko naman ang meron ako ngayon kung wala namang nagmamahal sa akin?" Aniya at tumingin sa akin. Pilit kong hindi siya tignan sa kanyang mata.

"Paano mo naman nasabing walang nagmamahal sayo? Anong tawag mo sa magulang mo?"

"High school palang ay divorce na sila. Si Daddy may ibang babae at si Mommy may ibang lalake. Nagsasama lang sila sa bahay dahil sa akin pero hindi naman nila mahal ang isa't-isa. Nakakatawa."

Sarkastiko nitong saad. Bakas sa mukha niya ang lungkot habang kinukwento niya iyon.

"Ilang beses ko ng narinig na madaming naiinggit sa akin dahil almost perfect na daw ang pamilya ko pero hindi nila alam ay puro kasinungalingan lang lahat ng nakikita nila kaya naman ng makagraduate ako naisipan ko ng humiwalay sa kanila at mamuhay mag isa." Pilit syang ngumiti sa akin.

"Sayo ko lang sinabi ito dahil mahal..." Napatigil pa ito at Muli ay naramdaman ko na namang ang malakas na kabog sa aking dibdib.

"Mahalaga ka sa akin." Napatitig na ako sa kanyang mata.

Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mata.

"Kaya naman maswerte ka."

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon