Ami's POV:
"Kumain ka muna." Aniya at iniabot sa akin ang cup noodless na binili niya sa isang convenience store. Hindi kasi ako nakakain sa party kanina dahil sa nangyari.
"S-salamat." Naiilang kong saad dito. Napagdesisyunan kong kainin iyon sa loob kami ng kotse dahil ayokong may makakita sa akin sa labas.
Isusubo ko na sana ang noodles nang mapansin ko ang malagkit na titig sa akin ni Mr. Song.
"Ngayon lang ito. Magdodouble eexercise ako bukas para maalis ang cholesterol ko sa kakainin kong ito. Ok? Huh?" Saad ko sa kanya at natawa lang ito sa sinabi ko.
"Wala naman akong sinasabi." Kahit wala siyang sabihin alam kong yun ang gustong sabihin ng mata nya.
Inagaw niya ang cup noodles na hawak ko at tinanggal niya ang takip. Inihipan niya ang noodles at itinapat sa bibig ko na para bang susubuan ako.
"Say Ah." Aniya at naghihintay na isubo ko iyon.
"Ako na." Kukunin ko na sana yung cup noodles kaso masama itong tumingin sa akin.
"Sabi ko nga. Kakainin ko na." Napalitan ng ngiti ang kanyang mukha ng kainin ko ang noodles. Katulad ko ay kumain din siya.
"Akala ko Health conscious ka?" Tanong ko dito matapos kainan ang noodles ko na hawak niya.
"Alam mo kailangan din ng katawan natin ang ganitong klase ng pagkain." Napangisi ako sa sinabi niyang iyon.
"Aish.. mas marami ka pang nakain kesa sa akin e." Reklamo ko dito ng maubos namin ang isang cup noodles.
"Ilang taon ka na?" Napakunot noo ako dahil sa tanong niyang iyon.
"Bakit?"
"Para kang bata kumain." May pagkairetable niyang sabi. Agad ko namang pinunasan ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Meron pa." Aniya. Titignan ko na ssa sa rear mirror ng sasakyan niya ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko at binigyan ako ng smack kiss sa labi.
"Ayan. Wala na." Aniya at pumorma ng ngisi sa kanyang labi.
Omo!
Hindi ako makapaniwala sa kinikilos niya sa akin ngayon.
Pakiramdam ko namumula ang mukha ko dahil sa ginawa niya.
"Y-ya-Yah!" Paano ko ba sasabihin na nakakainis siya kung ganito naman ang lumalabas sa bibig ko na salita?
Ilang saglit lang ay may tumawag sa phone ko. Number iyon ni Mr. Shin. Sinagot ko iyon at kinausap ko si Mr. Shin. Mukhang alam niya na ang sinabi ni Mr. Shin kaya naman agad niyang pinaadar ang sasakyan at inihatid ako sa dorm.
"Bakit nagbubus ka pa kung may sasakyan ka naman pala?" Tanong ko dito habang nagmamaneho ito. Medyo tahimik kasi sa sasakyan at naiilang ako kaya kailangan ko siyang kausapin.
"Tinatamad kasi akong magmaneho." Napakatipid naman niyang sumagot.
Teka lang. Kailangan ko pang magtanong ng magtanong.
"Hmm... Bakit ka pumayag sa Fixed Marriage niyo ni Ara?" Tumingin ako sa kanya habang nakatuon ang attensyon niya sa kalsada.
"Hindi ako pumayag. Pinilit ako." Aniya. Napatango nalang ako sa sagot niya.
"And now thanks to her dahil malaya na ako." Aniya at kinuha ang kamay ko at dinampian niya iyon ng halik. Napakagat labi na lamang ako sa ginawa niya.
"K-kamusta na kaya si Ara? Ok lang kaya sya?" Tanong ko dito at dahan-dahang binawi ang kamay ko.
"Ok lang siya. Alam ko sa mga sandaling ito ay nagdidiwang na yun." Confident niyang saad.
"Paano mo naman na sabi? Hindi mo ba nakita yung itsura niya kanina?" Halos mangiyak ngiyak at parang magwawala na nga sya kanina tapos ngayon sasabihin niya na baka nagdidiwang na iyon? Ano? Baliw lang?
"Dahil nagawa na niya ang lumaya sa kanyang mga magulang. Kaya lang naman siya magpapakasal sa akin dahil natatakot siya na mawalan siya ng mamanahin at parang wala na siyang pakialam doon ngayon kung hindi na siya pamamanahan. Mukhang nahulog na ang loob ni Ara kay Ji Sue. Ano ng gagawin mo ngayon?" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan ang image ni Ji Seu.
Paano nalang kung kumalat sa media ang picture na ipinakita ng pinsan ni Ara. Paniguradong malaki ang epekto nun sa career niya. Pati career ko ay madadamay din.
Ano ng gagawin ko?
"Nandito na tayo." Aniya. Mabilis itong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
"Ihahatid na kita hanggang sa pinto ng dorm niyo." Aniya. Tatanggi sana ako subalit nauna na itong tumungo sa harap ng elevator.
"Hindi na kailangan Mr. Song. Kaya ko na-"Parang wala syang narinig sa sinabi ko at pumasok sa elevator ng bumukas ito. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya na ihatid ako.
Tahimik lang akong nakatingin sa numero na nasa itaas ng pinto bg elevator. Bakit parang ang bagal ng takbo ng elevator na ito?
Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang kamay niya na palihim na hinawakan ang kamay ko.
"Mr. Song.."
"Shh..." suway niya at sinensyasan ako na tumingin sa bandang itaas sa may kanan kung saan may CCTV camera na nakakabit.
"You're mine." Sambit niya. Napanganga ako sa sinabi niya at bigla namang tumunog ang elevator. Kalmado lang niyang binitawan ang kamay ko at lumabas ng elevator na parang wala lang nangyari.
"S-salamat po Mr. Song sa paghatid." naiilang kong saad dito ng tumigil na kami sa harap ng pinto ng aming dorm.
Ngumiti siya sa akin at papalapit na sana ang mukha niya para halikan ako ng biglang bumukas ang pinto ng dorm namin. Awtomatiko itong lumayo sa akin at kunwari ay nakatingin sa hallway.
"Unnie. Mr. Song?" Ani Bora at palipat-lipat ng tingin sa amin ni Mr. Song.
"Ok pala itong hallway ng dorm nyo ano? Malinis tignan. Pwede sigurong magjogging dito sa umaga." Sa totoo lang gusto kong matawa dahil sa palusot niyang iyon.
"Anyway, mauna na ako. Good night." Aniya at mabilis na lumakad palayo sa amin.
"Ok lang ba si Mr. Song? May sakit ba siya? Bakit parang iba ang kinikilos niya? Weird." Sunod-sunod na tanong niya sa akin at hindi ko alam kung anong isasagot dito.
"Aigoo. Hindi ako nakakain sa party kanina. May binalot ba kayong pagkain para sa akin?" Pag iiba ko ng usapan at tinulak siya papasok sa loob ng dorm.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...