I'm Sorry

494 23 7
                                    

Ami's POV:

"Ano?" Hindi ko mapigilan ang magulat ng sabihin ni Papa na pumapayag siya sa gusto ng Kampo ni Seu.

"Papa? Akala ko ba ayaw niyo?" Matapos nilang umalis ay kinausap ko si Papa tungkol dito. Napahawak siya sa kanyang sentido.

"Basta akong bahala. Akong aayos dito. Masyadong malakas ang media. Hayaan mo at huhupa din ang issue na iyon." Hindi ko alam kung ano ang pinag usapan nila pero palagay ko ay nahihirapan si Papa sa pagdedesisyon nito.

May tiwala ako kay Papa. Alam kong magagawan niya ito ng solusyon. Pero syempre, hindi lang ako aasa sa kanya, kailangan ay may gawin din ako.

Pabalik na ako ng practice room ng masalubong ko si Mr. Song.

Gaya ko ay napatigil din ito sa paglalakad at tinignan ako.

"May Vocalization kayo ngayon, nasa Fourth floor na sila." Seryoso nitong saad sa akin. Ngumiti ako sa kanya subalit wala lang itong reaksyon sa ginawa ko.

Magpapasalamat pa sana ako nang lumakad na ito at nilampasan ako. Hindi ko tuloy maiwasan na pagmasdan siya nang daanan niya ako.

Bakit parang pakiramdam ko ang cold niya sa akin?

Kung sa bagay nasa loob nga pala kami ng building. Iba ang ugali niya kapag nasa labas at loob. Professional eh.

At dahil sinabi niya na sa Fourthfloor na ang mga kasama ko ay sumakay na ako ng elevator. Pagbukas nun ay naabutan ko ang grupo ni Loxe. Ngumiti ako sa kanila pero si Loxe ay seryoso lang ang ekspresyon nito.

"Bye Ami." Ngumiti lang ako kay Bok Chol ng magpaalam ito sa akin at lumabas na sila. Sumakay naman ko at pinindot ang ikaapat na palapag na botton. Pasara na sana iyon ng may pumigil na kamay doon.

"Loxe." Sambit ko at mabilis siyang pumasok sa loob at pinindot ang close botton.

"Totoo bang boyfriend mo yun." Ang seryoso ng mukha niya ng tanungin niya ako.

"Sinundan mo ba ako para lang itanong iyan?" Bumukas na ang elevator hudyat na nasa fourth floor na ako pero agad naman nuyang isinara iyon. Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Loxe. Late na ako sa vocalization namin."

"Mahal kita, Ami." Para akong nabingi sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya lalo na sa mata niya.

"Loxe, wala akong panahon na makipagbiruan sayo." Naramdaman ko ang kamay niya na mahigpit ang kapit sa balikat ko at ilang iglap lang ay naramdaman ko ang labi niya na dumampi sa akin.

Dahil sa ginawa niyang iyon ay naitulak ko siya at pinaliparan ng malakas na sampal.

Kaibigan ko siya pero hindi ko alam na aabot kami sa ganitong sitwasyon. Sa ginawa niyang iyon ay hindi ko mapigilan ang mapaluha.

"Ami, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Mukhang natauhan na siya dahil sa ginawa kong pagsampal sa kanya.

Mabilis kong pinindot ang open button ng elevator at patakbong lumabas ng elevator.

Hindi ko na alam kung mahaharap ko pa siya dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung sya pa din yung kaibigan na kilala ko.

---***---

"Gusto ko sanang kumain ng Ice cream kaso bawal sabi ni Couch Wook." Napa-pout na lamang si Bora matapos ang buong araw naming pagpapractice at vocalization. In-advice kasi kami na wag kakain ng ano mang malamig at matamis para maalagaan namin ang boses namin.

Nasa Dorm na kami at matutulog na sana nang may kumatok sa aming pintuan.

"Ako na ang magbubukas." Prisinta ng pinakabatang miyembro ng aming grupo.

"Nandyan ba si Ami?" Narinig ko ang pangalan ko kaya naman tumungo ako sa pinto. Nag iba agad ang mood ko ng makita ko siya.

"Ami, pwede ba tayong mag usap?" Mahinahon at parang nagmamakaawa nitong saad.

"Gabi na Loxe. Bumalik ka na sa Dorm niyo." Ang pagkakaalam ko ay dito lang din ang dorm nila.

"Please? Kahit five minutes lang." Bumuntong hininga ako.

"Sige na Unnie. Kausapin mo na yung tao. Mukhang importante talaga." Ani Bora sa amin.

At para walang istorbo ay sa rooftop kami ng gusali nag usap. This time ay dumistansya na ako sa kanya. Matapos niya akong halikan ay nakaramdam na ako ng ilang sa kanya.

"I'm sorry kung nagawa ko iyon.Nabigla din ako sa balita na may boyfriend ka na. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko." Aniya. Tumingin siya sa akin at nakikita ko naman ang sensiridad sa kanyang mga mata.

"Ami. Mahal kita." Sa totoo lang ay kinilabutan ako sa sinabi niyang iyon.

"Matagal na kitang gusto, noong mga bata pa tayo ay gusto na kita." Aniya. Nanatili lang ako sa pakikinig sa kanyang eksplenasyon.

Naapreciate ko ang pagtatangi niya sa akin pero hindi ko masasabi kong anong pakiramdam ko para sa kanya. Para sa akin ay mabuti siyang kaibigan.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Loxe. Salamat sa pagmamahal sa akin pero..." Kumalas ako at tumingin sa kanya.

"I'm sorry. Kaibigan lang ang tingin ko sa iyo." Kahit alam kong masakit ay kailangan ko iyon na sabihin.

"And By the way, hindi ko boyfriend si Seu." Yun lamang ang sinabi ko at tumungo na sa dorm.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon