Ami's POV:
"Here." Napaangat ako ng tingin nang abutan ako ni Seung ng tubig matapos naming mabuo ang aming steps na ipiprisinta para sa aming nalalapit na debut.
"Thank you." Tinanggap ko iyon at ininom. Nanibago ako nang bigla itong umupo sa tabi ko. Napahinto ako sa pag inom ng tubig at tumingin sa kanya.
"Bakit? Naiilang ka na tinabihan kita?" Prangka niyang saad sa akin. Didipensahan ko sana ang sarili ko nang unahan niya akong magsalita.
"I'm sorry." Sambit niya. Narinig iyon ng tatlo kaya naman lumapit agad sila sa amin.
"Gusto ko lang maging maayos ang lahat bago tayo magdebut." Tila na iilang pa niyang saad.
Tumayo na ito at nauna ng lumabas ng practice room.
"Woah! Si Seung ba talaga yun?"-Minji.
"Tama ba yung narinig ko? Nagsorry siya sayo?"-Young.
"Unnie. Friends na kayo?"-Bora.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanilang tatlo pero sa puntong ito ay masaya ako sa narinig ko sa kanya.
Heto na yata ang simula para maging magkaibigan kami.
"Teka. May sasabihin ako sa kanya." Tumayo na din ako at lumabas para sana magpasalamat kay Seung subalit hindi ko inaasahan ang makakaharap ko.
"Hi." Masigla niyang bati. Ngumiti ako ng tipid dito.
"Hindi namin schedule ngayon si Mr. Song. Baka nasa ibang floor siya." Mabilis kong saad dito.
"Hindi naman si Bae ang sinadya ko dito kundi Ikaw Ami." Napakunot noo ako dahil hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa akin. Napansin niya ang pagbabago ng ekspresyon ko at may kinuha ito sa kanyang bag.
"Anniversary ng grandparents ko at gusto ko na pumunta kayo ng grupo niyo. Sabi kasi ni lola magdala ako ng mga kaibigan ko kaya naisip ko kaagad kayo." Aniya at nagbigay sa akin ng matamis na ngiti. Tinanggap ko ang invitation card at binasa ko pa ang nakapaloob doon.
"Inaasahan ko ang pagpunta niyo." Aniya bago tumalikod sa akin at naglakad papalayo.
"Talaga? Tara. Pumunta tayo!" Excited na saad ni Young nang ipaalam ko sa kanila ang tungkol sa invitation card na ibinigay ni Ara sa akin kanina.
"Hindi pwede. Kailangan muna nating magpaalam kay Mr. Kim. Tandaan niyo nakapirma tayo ng kontrata." May punto naman ang sinabi ni Seung. At dahil nakapirma kami ng kontrata, ibig sabihin ay may karapatan ang agency kung ano ang dapat naming gawin.
"Ako na ang kakausap kay Mr. Kim hintayin niyo nalang ako sa sasakyan." Saad ko sa kanila at tumungo na ako sa opisina ni Papa.
Kumatok muna ako dito bago pumasok sa loob. Nadatnan ko itong busy sa pagbabasa ng mga dokumentonna nsa mesa niya.
"Mr. Kim." Tawag ko dito at napalingon siya sa akin. Ngumiti ito sa akin na halos labas na ang dimple sa kanyang pisngi.
"Mr. Kim? Tss." Lumapit ako dito at niyakap siya ng saglit.
"Ganun ka na ba kabusy at ngayon ka lang nagpakita sa akin? Wow." Biro niya.
"Ganun talaga kapag malapit ng sumikat ang anak niyo. Gusto niyo bigyan ko na kayo ng autograph. Baka kasi matabunan kayo kapag nagdebut na ako." Natawa siya sa biro ko sa kanya.
"Anong kailangan mo? Alam kong may kailangan ka kaya ka nandito. Tama ba?" Bakit ba ang galing niyang manghula? At dahil alam niya na may kailangan ako ay ipinakita ko sa kanya ang invitation card na ibinigay ni Ara sa akin kanina.
Tinignan niya iyon ay seryosong binasa.
"No." Napanguso kaagad ako sagot niya.
"Bakit hindi?" Ang tipid kasi ng sagot niya. Wala bang explanation kung bakit?
"Ami." Tumingin ito sa akin pero dahil anak niya ako ay ginawa ko ang best ko para payagan niya ako. Sa madaling salita, nagpacute ako sa kanya na parang tuta.
"Wag mo akong tignan ng ganyan. Hindi uubra sa akin iyan." Aniya.
"Bakit nga? Last na ito promise. Pagkatapos nito papa hindi na kami tatanggap ng kahit anong invitation card." Itinaas ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa dito.
"Ami. Masama ang pakiramdam ko dito. Isa pa, may issue pa na kumakalat tungkol sayo dahil sa kalokohan ng Ji Sue na yun. Magdedemanda na talaga ako laban sa agency niya." Nahawa na yata sya ng init ng ulo kay Mr. Suga.
"Papa naman. Hindi lang naman ako ang pupunta. Kasama ko sina Seung kaya sige na pumayag ka na. Nakakahiya namang tanggihan itong invitation na ito. Malay niyo dahil dito tumaas ang popularity namin bilang artist. Hm? Ano sa tingin mo Papa?"
"Umuwi ka na sa Dorm niyo. Gabi na." Napabusangot ako nang sabihin niya iyon. Tumayo pa ito at tinulak ako palabas ng opisina niya.
"Papa!"
"Hindi." Aniya at isinara ang pinto ng opisina.
Aish!
Paano ko ba mapapapayag si Papa?
Aha! Alam ko na.
"Ano Ami? Pumayag na ba si Mr. Kim?" Tanong sa akin ni Minji nang makasakay na ako ng van.
"Yup!" Bakas sa mukha ng tatlo ang excitement ng sabihin ko iyon. Lumingon ako kay Seung at napangisi lang ito.
"Anong ginawa mo? Paano nangyari iyon?" Tanong nila sa akin. Alam din kasi nila na imposibleng payagan kami.
"Basta." tanging sagot ko dito habang naglalaro pa din sa isipan ko ang ginawa ko kanina.
*a few minutes ago*
"[Hello Ami? Kamusta ka na? Miss ka na namin ni Monie.]" Mabilis na sagot ni Mama sa kabilang linya.
"Hi Ma. Miss ko na din kayo ni Monie." Saad ko dito.
"[Napatawag ka?]" Hindi na ako nagdalawang isip na sabihin kay mama ang pakay ko.
"[Oh, Sige kakausapin ko si Papa mo.]" Biglang nagliwanag ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Sige po. Salamat Mama. I love you. Bye." Ibinaba ko na iyon. Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumukas ang pintuan ng opisina ni Papa. Tumingin ito sa akin na tila ay natalo sa isang rap bottle.
"Alam mo talaga kung paano ako mapapapayag ano?" Sarkastiko niyang saad sa akin.
"Salamat po Mr. Kim." At patakbo akong umalis sa harap niya.
Haha.
Alam kong si Mama ang kahinaan niya.
Matalino kaya ito.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Ficção Adolescente(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...