Ami's POV:
"Papa. May usapan tayo hindi ba na walang special treatment? Ano yung sinabi ni Mr. Song na pinaghahanda niyo ako para sa nalalapit na debut ko? Papa. Anong ibig sabihin nun?" Hindi na ako makapaghintay na komprotahin ang Papa Namjoon ko kaya sumugod na ako sa opisina niya matapos sabihin ni Mr. Song sa akin iyon.
"Ami, listen. Hindi ka na rin naman bago sa pagiging trainee, kung tutuusin nga mas ahead ka pa sa kanila dahil naging trainee ka na dito dati. Isa pa, may nabuo na kaming girl group at ikaw na lang ang kulang doon dahil alam ko na nababagay ka sa grupong iyon." Paliwanag niya.
"Pero papa. Ang unfair sa iba na matagal ng trainee dito. Ano na lang ang iisipin nila? Na ginamit ko ang koneksyon mo para marating ko yung gusto ko? Papa Namjoon naman."
"Nakapagdesisyon na kami Ami at na finalize na ang lahat. Hayaan mong kami na ang magpapaliwanag sa mga trainee tungkol doon. Sige na.Umuwi ka na at sabihin mo kay Hye na malelate ako ng uwi dahil may tinatapos pa akong paperworks.Ok? Ingat sa pag uwi." Aniya at bumaling na sa kanyang binabasang papel.
"Papa.."
"Ami, wag ng makulit." Aniya na parang bata ang kanyang sinasabihan. Tumalikod na ako dito at nakangusong lumabas ng opisina niya.
Unfair naman talaga iyon.
Sinunod ko naman si Papa sa sinabi niya. Niligpit ko ang gamit ko at handa ng umuwi.
"Ouch." Napaupo ako sa sahig nang maramdaman ko ang cramps sa binti ko. Parang pinipilipit ito sa sakit. Napapikit na lamang ako at hinintay na mawala ang sakit nito.
"Muscle Cramps." Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Mr. Song.
"Mr. Song, wag niyong gagalawin! Lalong masakit!" Pigil ko dito ng akmang hahawakan niya ang binti ko.
"Hindi yan mawawala kung pababayaan mo yan." Aniya. Pinigilan ko ang mapasigaw ng maramdaman ko ang paghawak niya sa binti ko at pinisil ang alak-alakan ko.
Naramdaman ko na medyo nawawala na ang cramps.
"Masakit pa ba?" Tanong nito habang patuloy sa kanyang ginagawa.
"Medyo nawawala na po." Saad ko dito.
"Normal lang ang muscle cramps sa katulad mong kulang sa ehersisyo. Kapag nasanay ka na sa training, hindi na mauulit iyan." Aniya at itinigil na ang pagpisil dito.
"Kaya mong tumayo?" Tanong niya ng tumayo na siya sa kanyang pwesto. Bago pa ako nakasagot ay inilahad na niya ang kamay niya sa akin. Hindi na ako tumanggi pa at nagpaalalay na akong tumayo.
"Kaya mo bang maglakad?" Tanong muli niya.
"Nagcramps lang po ang binti ko, Hindi naman po ako baldado. Kaya ko pong maglakad." Saad ko dito.
"Pinipilosopo mo ba ako?" Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha niya.
"S-sorry Mr. Song." Napayuko nalang ako sa harapan niya. Ilang saglit ay naramdaman ko ang kamay niya sa ulunan ko.
"Gabi na. Sabay na tayong sumakay ng bus." Napaangat ako ng tingin dito at tipid itong ngumiti sa akin.
---***---
Seung's POV:
"Hindi ako uuwi." Matigas kong saad sa kausap ko sa kabilang telepono.
"[Yah! Pwede bang huwag ka ng magmatigas? Sila Mommy na ang nagsabi na pumunta ka dito!"]" Sigaw nito sa kabilang linya.
"Sinabi ng ayoko! Mahirap bang intindihin iyon?" Ayoko ng makipag usap sa kanya kaya naman ibinaba ko na ang linya.
Ayokong umuwi ng bahay dahil nangako ako sa sarili ko na magpapakita lang ako sa kanila once na may mapatunayan na ako.
Sa galit ko ay naibato ko ang cellphone ko.
Ang daya!
Bakit ba ang unfair ng mundo sa akin?
"Oh? Miss. Yung phone mo." Bakit tuwing may problema ako sumusulpot ang lalakeng ito?
Dinampot niya ang cellphone ko at iniabot sa akin.
"Oh? Ikaw yung trainee..." hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya.
"Seung. Ji Seung." Saad ko dito.
"Ah, Ji Sueng. Ako naman si.." Nakangiti itong inilahad ang kamay niya.
"Loxe." Singit ko dito. Napakamot nalang ito sa ulo.
"Salamat dito." Yaman din lamang na nandito siya ay iniabot ko na sa kanya ang panyo na ipinahiram niya sa akin.
"Sige na. Sayo na yan." Saad nito. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras.
"May problema ka ba?" Puna nito sa akin.
"Ha? Wala." Tipid kong saad dito.
Ako kasi yung tipong sinasarili na lang ang problema at ayokong may nangingialam sa buhay ko.
"Alam mo, problema lang yan. Dumadaan talaga tayo sa ganyan pero tandaan mo, dadaan lang yan, huwag mong patambayin." Hindi ko alam kung seryoso ba yun o joke pero napangiti niya ako.
"Woah. Tignan mo, napangiti kita. Ganyan! Dapat laging nakasmile. Bawal ang sad dapat laging happy." Aniya.
"Tss, Baliw." Bulong ko sa hangin.
"Gusto mong magdinner? Tara! Treat ko. Pampawala ng Badvibes." Kung umasta siya parang close na close na kami.
"okey." Maikli kong saad dito at ngumiti ito ng abot tenga.
Ngayon ay alam ko na kung bakit madami siyang Fans.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Fiksi Remaja(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...