Ami's POV:
"Isa pong Caramel Macchiato." Masigla kong Saad sa babae na nasa counter. Nandito ako ngayon sa Bangtan's Coffee Shop na pagmamay ari ni Mr. V.
"Pangatlong order mo na yan. Tama na." Aniya at hinila ako paupo sa bakanteng upuan.
"Last na po ito. Ang sarap po kasi." Saad ko dito. Kaninang nasa Taxi ako ay bigla itong tumawag at pinapunta ako dito sa coffee shop niya. Kapag wala siyang shooting or recording ay pumupunta siya dito sa Coffee shop niya para magbantay.
"Ami." Aniya at tinignan ako sa mata.
"Ok lang yun." Napatigil ako sa pag inom nang sabihin niya iyon.
"Kaya kita pinapunta dito ay dahil nag alala ako sayo." Aniya at ipinakita sa akin ang nasa screen ng phone niya. Larawan iyon na kinuhanan kanina sa restaurant kung saan kasama ko si Loxe at may Caption pa na nakasulat.
"Alam mo ba yung kantang iyan?" Humawak pa ito sa kanyang tenga na tila pinapakinggan ang kanta na tumutugtog sa Shop niya.
"Oo naman po. Paborito niyo yan." Saad ko dito.
"Kanta yan para sa mga haters namin noon." Tukoy niya sa kanta nilang Cypher 4.
"Ami, makinig ka. Papasukin mo ang Idol world kaya naman normal na ang magkaroon ng haters. Hayaan mo lang sila."
"Pero po, iba po ito. Paano ako haharap sa madaming tao kung ang iniisip nila ay malandi ako? Na two timer ako?" Sumasakit na talaga ang ulo ko sa sitwasyon ko.
"Aish! Kung makapagsalita sila kala mo kung sino! Hayaan mo, ako ang haharap sa kanila. Sino ba nagsabi sayo na malandi ka? Natatandaan mo ba ang pagmumukha? Dali! Sabihin mo." Napakunot noo akp sa reaksyon niya.
"Wow. Ang lakas niyong magsabi sa akin na ok lang magkahaters ah? Tss.." singhal ko dito.
Magsasalita pa sana ito ngunit biglang tumunog ang phone niya.
"Oh?Bakit?" Aniya sa kausap niya sa kabilang linya.
"Kasama ko siya. Sige." Siguro ay si Papa ang kausap niya.
"Tumawag si Hyung Namjoon, bumalik ka na daw sa BH building." Aniya. Napabuntong hininga ako.
"Gusto mo, ihatid na kita?"
"Hindi na po. Kaya ko na pong mag isa. Sige po. Salamat po sa kape." Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng shop.
Sumakay na ako ng taxi para mas mabilis ang byahe.
"Ami. Saan ka ba nagpunta? Tinatawagan kita. Kanina ka pa hinahanap ni Mr. Kim." Ani Mr. Shin sa akin. Pinatay ko kasi kanina ang phone ko at pagbukas ko ay puro tawag galing kay Papa, Mr. Shin, Loxe, Sue at isang unknown number.
"Pumunta ka na sa Office niya." Aniya. Sinunod ko naman ito at mabilis na tumungo sa opisina ni Papa. Kumatok pa ako bago pumasok sa loob. Naabutan ko itong may kausap sa kabilang linya.
"Papa." Tumingin ito sa akin. Agad naman akong pumunta sa pwesto niya at ibinaba na niya ang teleponong hawak niya.
"Pupunta si Ji Sue dito at isasama ka niya sa conference nila." Napakunot noo ako sa sinabi ni Papa.
"Ano pong gagawin ko dun?" Tanong ko dito.
"Magpapublic apology siya about sa fake relationship niyo." Aniya.
"Ayokong magkaroon ng panget na imahe ang agency natin kaya naman kinausap ko na sila. Kailangang maging klaro ang lahat bago ko kayo idebut ng grupo niyo." Paliwanag ni Papa.
Mabuti naman at naisipan na nilang magpublic apology si Ji Sue. Madami na kasing naaapektuhan dahil sa kalokohan niya.
"Mr. Kim. Nandito na po si Mr. Ji." Saad ni Mr. Shin at pinapasok si Ji Sue sa loob ng opisina.
"Mr. Ji. Ikaw na ang bahala sa anak ko." Ani Papa at tuluyan na akong sumama dito.
"Sorry Ami." Sambit niya ng marating namin ang venue kung saan ay may conference meeting itong dadaluhan.
"Ms. Han, doon po muna kayo." Itinuro sa akin ng kanyang manager ang pwesto kung saan ako uupo. Nasa likod ako ng mga reporter na kumukuha ng pahayag nila.
Ilang saglit pa ay nagsimula na siyang interviewhin ng mga ito. Ang madalas na itanong sa kanya ay may kinalaman sa kanyang mga palabas sa telebisyon, photoshoots, movies at personal issues.
"Totoo ba na may karelasyon ka na Trainee sa kabilang agency?" Narinig kong tanong mg isang reporter sa kanya.
Bigla akong kinabahan sa tanong niyang iyon.
"At alam mo ba na nalilink siya ngayon sa co-agency niya na si Do Loxe ng Xtar? Anong masasabi mo tungkol dito?" Dagdag na katanungan ng isa pang reporter.
Matagal pa bago ito nakasagot.
"Gusto ko pong linawin ang issue na iyan."Panimula niya.
"Hindi po totoo ang kumakalat na nagdedate sila ni Loxe. Magkaibigan lang po sila. At ang relasyon namin.." Napatigil pa ito. Tumayo ako sa aking pwesto at tumingi sa kanya. Napansin ko na tila ay may hinahanap ito sa mga tao at tama ako ng hinala na ako nga ang hinahanap niya.
Tumayo siya habang nakatingin sa akin ng deretso.
"At ang relasyon namin ay totoo. Mahal ko siya." Aniya at mabilis na lumapit sa pwesto ko at wala pang ilang segundo ay bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at nilapat ang labi niya sa akin.
Naestatwa at tulala ako sa aking pwesto. Naaaninag ko din ang mga flash ng Camera na nakatutok sa aming dalawa.
Kumalas ito at hinawakan ang kamay ko.
"Let's go." Aniya at hinila niya ako palabas ng gusali.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko na tumulo na ang aking luha.
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa ginawa niya.
Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon.
Gusto kong maglaho.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...