Dark

488 21 8
                                    

Ami's POV:

Matapos niyang sabihin iyon ay agad itong tumungo sa aming kwarto kaya ang ending, ako na lang ang nagkwento ng lahat ng alam ko.

"Ibig sabihin, hindi totoong girlfriend ka niya?" Paulit-ulit na tanong ni Bora sa akin.

"Oo nga. Hindi niya ako girlfriend. Naipit lang siya sa sitwasyon kahapon kaya niya nasabi iyon." Paliwanag kong muli dito. At mukhang nakuha na niya ang gusto kong sabihin.

"Tayo lang ang nakakaalam na magkapatid sila kaya hangga't maaari, wag niyong mababanggit iyon sa iba. Ayaw niya." Saad ko sa kanila.

"Sorry Unnie, sorry kung hinusgahan kita kaagad." Iiyak pa sana siya pero agad ko siyang niyakap.

"Ok lang iyon. Wag ka ng umiyak." Kumalas ako dito at nagpakawala ng ngiti.

"Sige na. Magpahinga na muna tayo. Nakakapagod ang byahe." Mabuti naman at malinaw na sa kanila ang lahat.

Pumasok na silang tatlo sa isang kwarto kung saan ay magkakasama sila at sa isang kwarto naman ay kasama ko si Seung.

Double deck iyon at sa taas ang pwesto ko.

Sinilip ko si Seung at mukhang nagpapahinga na din ito. Bigla kong naalala yung pinapasuyo ni Sue. Kinuha ko iyon sa bag at inilagay ko sa gilid ng kama niya.

"Hindi ko kailangan iyan." Aniya.

"Galing ito kay Seu. Nakalimutan niyang ibigay sayo kahapon." Saad ko dito. Hindi na siya sumagot at tumalikod na lang.

Magpapahinga na din sana ako ng biglang pumasok sa kwarto namin si Mr. Shin.

"Ami, pinapapunta ka ni Mr. Kim sa BH Building." Mukhang alam ko na kung bakit niya ako pinapatawag.

Nagbihis lang ako ng aking damit bago tuluyang inihatid ni Mr. Shin sa BH Building.

"Pumasok ka na sa loob.Hintayin na lang kita sa sasakyan." Hindi kami sa Opisina ni Papa dumiretso kundi sa conference room mismo. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok.

"Ami!" Tumambad sa harap ko ang ibang miyembro ng Bangtan. Nandun din si Mrs. Choi.

May reunion ba sila ngayon?

"Yah, ano yung kumakalat na article na may boyfriend ka daw?"- Mr. Suga.

"Sino yun?"-Mr. Jin.

"Bakit hindi namin alam iyon?Naglilihim ka na yata sa amin?"- Mr.Jhope

"Baka nakakalimutan mo na tatay mo din kami? Sino ba yun ng mahusgahan na."-Mr. Jimin.

"Totoo ba ang nararamdaman niya sayo? Kung hindi humanda siya sa akin."-Mr. Jungkook.

"Aegyo, dalaga na ang Ami namin. May boyfriend na." -Mr. V.

Hindi ko maiwasan ang mapahawak sa aking sintido dahil sa kanilang mga sinasabi.

"Alam nyo? Ang O-OA niyo." Natawa ako bigla sa sinabi ni Mrs. Choi sa mga ito.

"Huwag kang tumawa, seryoso kami." Seryosong saad ni Papa. Agad ko namang kinagat ang aking labi upang mapigilan ang aking pagtawa.

Seryoso nga sila. Hindi naman siguro sila magkikita-kita ng ganito kung hindi importante.

"Magpaliwanag ka. Ngayon na." Utos niya. Kailangan ko ba talagang sabihin sa kanya? Paano kung magalit sa akin si Seung? Kakasabi niya lang na dapat wala ng ibang makaalam nun kundi kami lang.

"Papa. Misunderstanding lang po ang lahat. Hindi po totoo iyon."Paliwanag ko dito. Sa huli ay kinuwento ko na din sa kanila ang buong pangyayari.

Sorry Seung. Tatay ko sila at ayokong magalit sila sa akin.

"Hangga't maaga sabihin mo sa Seung na iyon na hindi ka magpapanggap na Girlfriend nya. Ayokong matulad ka sa akin." Ani Mr. Jimin.

"Ibig sabihin nagsisisi ka na nagpanggap tayo na magkasintahan nung panahon na iyon?" Mukhang may namumuong tensyon sa mag asawa.

"Ano ka ba Honey, hindi iyon ang point ko. Ang gusto ko lang sabihin ay.." Hindi na niya naituloy ang paliwanag niya ng bigla itong tumayo sa kinauupuan niya.

"Maghanap ka na ng masisilungan mo mamayang gabi dahil sa labas ka matutulog!" Saad ni Mrs. Choi at padabog na lumabas ng conference room.

"Hon... Guys, mauna na ako sa inyo ah. Hahabulin ko pa yung asawa ko." Aniya at mabilis na sinundan si Mrs. Choi.

"Good luck sa pagtulog sa labas ng bahay." Pahabol na biro ni Mr. Suga dito.

"Kakausapin ko ang Agency ni Mr. Ji at kailangang maging klaro ang lahat." Ani Papa.

"Ok po Papa. Sorry po sa abala sa inyo." Tumango ako sa harapan nila.

"Sige na. Bumalik ka na sa Dorm at magpahinga. Ako na din ang bahalang magpaliwanag sa Mama mo ang tungkol dito."

Bago ako lumabas ng conference room ay niyakap ko muna sila. Baka matagalan ulit bago kami magkita.

Nakayuko at mabagal akong naglalakad patungo sa elevator nang biglang may humila sa akin at mabilis akong hinila papasok sa isang kwarto na walang ilaw.

"Si-sino ka?" Medyo kabado kong tanong dito. Naamoy ko ang panglinis ng banyo. Tingin ko ay nasa Utility room kami.

Walang liwanag ang pumapasok sa loob ng kwarto kaya hindi ko alam kung sino ang humila sa akin.

"S-sino ka ba? Natatakot na ako." Saad kong muli. Hindi ito nagsalita. Naramdaman ko na lang na tinakpan niya gamit ang kanyang palad ang mata ko at naramdaman ko na may dumampi sa aking labi.

Bumilis ang kabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko na hinalikan niya ako. Binuksan ko ng kaunti ang aking labi at bigla itong gumalaw.

Tila may magnet ito sa bibig dahilan upang sumagot ako sa kanyang mga halik. First kiss ko ito at hindi ko alam kung sino ang lalakeng nagnanakaw ng halik ko.

Napapikit pa ako sa paghalik niya hanggang sa naramdaman ko ang pagkalas niya.

Napamulat ako at nawalang parang bula siya sa harap ko. Nadatnan ko din na nakabukas na ang pintuan.

Lumabas ako upang habulin siya subalit nabigo ako. Wala akong nakitang dumadaan sa lobby.

Sino siya?

Sino ang nagnakaw ng first kiss ko?

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon