Kapatid

515 23 0
                                    

Ami's POV:

"Abnormal ka talaga! Anbormal! Abnoy! Bwisit!" Aniya sa kanyang kapatid habang pinaghahampas niya ito at kung minsan ay tinatadyakan pa.

"Sueng! Tama na! Masakit! Ouch!"  Dinala namin si Seu sa lugar kung saan walang makakakita sa amin na staff o fans ng lalakeng binubugbog ng kanyang kapatid.

"Sorry na Seung! Wala akong choice. Sorry!" At kay Seung talaga siya nagsorry at hindi sa akin.

Ako kaya ang bumogbog sa kanya?

"Umalis ka na ngayon din! Nakakasira ka ng araw!" Singhal nito at lumakad na paalis.

"Aish!Bakit ba ang tapang tapang niya? Baka nakakalimutan niya na mas matanda ako sa kanya ng segundo?" Inis niyang saad nang mawala na sa paningin niya ang kanyang kambal.

Napahalukipkip ako at sa wakas ay napansin niya na ang presensya ko. Ngumiti ito ng tipid sa akin at napakamot sa ulo.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Aniya. Hindi ko napigilan na batukan siya.

"Aray!"

"Bawiin mo ang sinabi mo kanina na girlfriend mo ako. Sabihin mo na hindi totoo yun." Tama bang idamay niya ako sa kalokohan niya? Hindi pa nga ako nagiging Idol, mukhang magkakaroon na ako ng haters dahil sa lalakeng ito.

"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin na kaya ka nandito ay para sa kapatid mo? Mahirap bang sabihin iyon?" Bakit kailangan niya pang magsinungaling at mandamay ng tao kung pwede naman niyang sabihin ang sadya niya.

"Hindi pwede. Magagalit siya sa akin kapag sinabi ko sa lahat iyon." Seryoso nitong saad.

"May pangarap si Sueng. At iyon ay sumikat siya sa kanyang paraan. Makilala siya ng tao dahil sa pagsisikap niya. Ayaw niyang makilala siya dahil magkapatid kami." Kwento niya sa akin. Kaya siguro galit ito sa akin dahil iniisip niya na ginamit ko ang posisyon ni Papa para makasama ako sa grupo.

"Bakit ka pa kasi pumunta dito? Alam mo palang ayaw niyang magkita kayo." Iniabot niya sa akin ang paper bag na kanina pa niya hawak.

"Noong nakaraan na pumunta ako sa Dorm niyo, napansin ko na ubos na yung tinetake niyang vitamins kaya binilhan ko siya. Pwedeng ikaw nalang ang magbigay sa kanya?" Kahit tinataboy na sya ni Seung ay inaalala pa din niya ang kapatid niya.

"Sige. Ako ng bahala dito. Pero pwede ba? Hangga't maaga magpublic apology ka at sabihin mong hindi mo ako girlfriend. Ayoko ng issue."

"Ahm, mukhang malabo kong mabawi iyon." At bigla itong tumakbo palayo sa akin.

"Ji Seu!" Sigaw ko dito.

"See You next time! Girlfriend!" Sigaw niya habang tumatakbo papuntang gate.

Ano bang gagawin ko?

Paano kapag nalaman ni Papa ito? Paniguradong magagalit iyon sa akin.

---***---

"Trending: Ji Seu's Girlfriend is soon to be an Idol. Hashtag-shock! Hashtag-nottrue! Hashtag-OMG!" Narinig kong basa ni Young habang bumabyahe kami pauwi sa aming dorm.

"Waahuhu! Si Oppa, may girlfriend na pala! Bakit hindi ko alam iyon? Lagi naman akong updated sa mga spazzer nya." Napalingon ako sa likod kung saan nakaupo ang tatlo at halos maubos na ni Bora ang isang box ng tissue sa kakaiyak dahil sa artikulo na binasa ni Young.

Sinabi ko na kasing magpublic apology siya e! Kahit walang picture at pangalan ang nakalagay doon alam kong ako ang tinutukoy sa article na iyon.

Tumingin ako kay Seung pero tulog lang ito.

"Wag ka ng umiyak Bora. Wag kang maniwala diyan sa nakasulat. Hindi totoo yan." Sa sinabi kong iyon ay huminto ito sa pag iyak.

"Palagay mo Unnie?" Aniya.

"Oo naman. Sigurado ako. Ganyan talaga ang showbiz. Gagawa ng issue para pag usapan." Saad ko dito.

"Nandito na tayo girls." Ani Mr. Shin. Mabilis kaming bumaba ng sasakyan at laking gulat namin ng may tumambad sa amin na mga reporter.

"Ikaw ba si Han Ami? Pwede ba namin mainterview?"

"Totoo ba na may relasyon kayo ni Ji Seu? Anong masasabi mo dito?"

"Kailan niyo pa tinago sa publiko ang relasyon niyo?"

"Kaya niyo ba tinago iyon ay dahil sa magiging Idol ka na?"

"Isa lang ba ito sa pakulo ng inyong grupo upang tumaas ang popularidad niyo sa Idol Industry?"

"No comment po." Ani Mr. Shin habang pilit niyang hinaharangan ang mga reporter na kuhanan ako ng litrato.

"Yumuko ka lang at dumiretso sa loob." Sinunod ko naman ang ginawa niya at mabilis na sumakay ng elevator kasunod ang mga kagrupo ko.

"Unnie, sabi mo wag akong maniwala sa nakasulat sa artikulo tapos ikaw pala ang girlfriend niya? Bakit ka nagsinungaling sa akin?" Napatingin ako kay Bora. Bakas sa mukha nito ang galit dahil sa kanyang nalaman mula sa mga reporter.

"Ami, totoo bang girlfriend ka ni Ji Seu?" Tanong naman ni Young.

Hindi ako nakasagot agad dahil biglang bumukas ang elevator at tumakbo palabas si Bora na sinundan naman ni Young.

"Ami, Bata pa si Bora kaya medyo sensitive. Hayaan mo kakausapin ko siya." Ani Minji at sumunod na din dito.

Napabuntong hininga ako. Paniguradong galit na sa akin si Bora. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat? Na hindi totoo ang sinasabi ng mga reporter?

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Seung. Muntik ko ng nakalimutan na nandito siya. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko at halos kaladkadin niya ako papasok sa aming dorm.

Malakas niyang kinatok ang pinto ng kwarto nina Bora.

"Buksan nyo ang pinto. Mag uusap tayong lima." Matapang niyang saad. Agad namang lumabas ang tatlo at tumungo sa sala at doon naupo.

Lumapit sa akin si Seung at hinila ako papunta sa harapan nila.

Hindi ko alam kung anong sasabihin niya at kailangan niya kaming kausapin na lima.

"Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo? Wala kwenta ang iyak na iyan. Nagsasayang ka lang ng lakas sa ginagawa mo." Diretso nitong saad sa pinakabatang miyembro namin.

"Makinig kayong mabuti..." Panimula nito.

"Hindi totoong boyfriend niya si Sue." Awtomatikong napatigil sa pag iyak si Bora dahil sa sinabi nito.

"Gusto kong maging malinaw ang lahat at ayokong may ibang makaalam nito." Napakunot noo ang tatlo sa sinasabi ni Seung. At ako naman ay naguguluhan.

"Kapatid ko si Seu." Diretcho nitong saad. Bakas sa mukha nila ang gulat sa nalaman nila.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon