Planned

513 21 0
                                    

Ami's POV:

"Busog? Hindi pa nga iyon kumakain. Paanong busog na siya?" Saad ni Mr. Shin sa amin. Siya kasi ang kumuha ng pagkain ni Seung pero umalis naman siya dahil sabi nya ay busog siya.

"Mr. Shin. Ako na ang magbibigay sa kanya ng pagkain. Baka ayaw niya lang kaming makasalo sa mesa." Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Tumayo ako at kinuha ko ang plato na hawak ni Mr. Shin at lumakad na papunta ng kwarto.

"Grabe, ang sama talaga ng ugali niya. Biruin mo nakipagsabunutan sa kapwa trainee niya?"

"Tsk! Hindi pa nga sila Sikat kung makapag away na daig pa ang artista."

"Sinabi mo pa."

Rinig ko ang kwentuhan ng staff na nadaanan ko. Napakunot noo ako at iniisip ko kung sino ang tinutukoy nila.

"Tae Ah." Napalingon ako sa babae na bitbit ng BellBoy at may kasama itong dalawang babae.

"Ibaba mo na ako. Kaya ko na ang sarili ko." Mabilis namang ibinaba ng Bellboy ang babae.

"Ano? Ok ba yung acting ko kanina? Kapani-paniwala ba?" Aniya.

"Oo naman. Kahit ako nga ay muntik ng maniwala." Saad ng babae na kasama niya.

"Kung nakita mo lang ang itsura ni Seung kanina, takot na takot siya sa ginawa niya." Nagtawanan ang mga ito. Narinig ko ang pangalan ni Seung.

Ibig sabihin ang tinutukoy ng mga staff kanina na nagkasabunutan ay si Seung at ang babaeng ito?

"Sisiguraduhin ko na luluhod siya sa harapan ko mamaya para humingi ng tawad. Dapat nandun kayo at videohan niyo ah? Para naman may souviner tayo." Aniya.

Si Seung...

Akala ko sya na ang may masamang ugali sa BH building, meron pa pala.

Mabilis akong tumungo sa pinto. Binuksan ko iyon at narinig koang nyang hagulgol habang nakadapa ito sa kanyang kama.

Tila umurong ang dila ko nang subukan kong kausapin siya. Baka lalong mapasama ako kung kakausapin ko siya ngayon.Minabuti ko nalang na lumabas ng kwarto at bumalik kina Bora.

"Oh? Akala ko ba ibibigay mo yan kay Seung? Bakit bitbit mo pa din?" Tanong ni Young ng mapansin niya na dala ko pa din ang pagkain ni Seung.

"Inaway ka na naman niya ano? Naku! Pag ako talaga hindi makapagpigil diyan, papatulan ko na." Saad naman ni Minji.

"Ano ba kayo, Hindi niya ako inaway. Mukhang masama ang pakiramdam niya at ayaw magpa istorbo kaya bumalik ako. Mamaya na lang din tayo bumalik sa kwarto." Hindi ko na binanggit ang pangyayaring iyon. Mas mabuting ako na lang ang nakakaalam.

Nagpababa muna kami ng kinain bago namin naisipan na bumalik sa aming kwarto. Siguro naman ay tapos na siyang umiyak.

Napatigil kami sa aming paglalakad nang mapansin namin ang lalake na nakatayo sa pintuan ng kwarto namin.

Kumatok ito at pinagbuksan ni Sueng.

"I am Mr. Hyun, manager ako ni Tae Ah. Pwede ba kitang makausap?" Rinig naming saad ng lalake.

"Kung nandito ka para humingi ako ng tawad sa kanya, hindi ko gagawin iyon. Siya ang nauna kaya kasalanan niya." Matigas na pahayag ni Seung dito.

"Miss Ji. Kung maari lang, humingi na kayo ng tawad sa kanya. Ayokong makarating pa ito kay Mr. Bang at Mr. Kim." Nagmamakaawa na ito sa harap ni Seung.

"Ano bang pinagsasabi niya? Anong kasalanan ni Seung?" Bulong sa amin ni Young.

"Hindi ko alam. Hindi naman natin siya nakakasama." Ani Minji.

Lumapit ako sa kanila.

"Walang kasalanan si Seung. Ang alaga niyo ang may kasalanan. Narinig ko kanina na pinagplanuhan nila ang ginawa nila para humingi siya ng tawad sa alaga niyo." Bakas sa mukha nila ang gulat dahil sa sinabi ko.

"Totoo ba yang sinasabi mo? Hindi ganun ang alaga ko." Pagtatanggol nito.

"Totoo ang sinasabi ko. At kung pipilitin mo pa si Seung na humingi ng tawad sa alaga niyo, magkita na lang tayo sa Opisina ni Mr. Kim." Hindi ko gustong takutin siya pero kapag nakarating ito kay Papa ay alam kong papanig ito sa amin dahil matibay ang ibedensya ko.

Napabuntong hininga ito.

"Kakausapin ko muna si Tae Ah tungkol dito. Pambihirang bata iyon!" Singhal nito at umalis na sa harapan namin.

Tumingin ako kay Seung.

"Narinig ko na pinagplanuhan nila yung nangyari kanina.."

"At anong gusto mo? Magpasalamat ako sayo? Hindi ko kailangan ng kakampi. Kaya ko ang sarili ko. At hindi ko kailangan ng simpatya lalo na kung galing sayo." Aniya at lumakad palabas ng kwarto.

"Tss. Mapride talaga siyang babae. Siya na nga itong tinulungan, siya pa ang matigas." Ani Minji.

"Dito lang kayo, kakausapin ko lang sya." Iniwan ko na silang tatlo at sinundan si Seung.

Nang maabutan ko siya ay mabilis kong hinablot ang braso niya dahilan upang mapalingon siya.

"Hindi mo naman kailangang magpasalamat sa akin. Ang gusto ko lang ay magkasundo tayo at maging maganda ang samahan natin bilang isang grupo. Kaya nga tayo may team building e para maging matibay ang samahan natin." Saad ko dito.

"Guys, nandito si Ji Sue! Tara dun! Magpapicture tayo." Nawala ang momento namin dahil sa nagmamadaling staff.

"Bwisit talaga!" Aniya at iniwan na ako sa aking kinatatayuan ng marinig niya ang pangalan na nabanggit ng staff.

Ji Sue?

Pamilyar sa akin ang pangalan.

Omo!

Sya yung kapatid ni Sueng. Yung artista!

Napatakbo na din ako gaya ng ginawa ni Seung. Naabutan namin ito na pinaliligiran na ng mga babae. Yung iba ay nagpapa autograph at papicture dito.

Tumabi ako kay Seung at bakas sa mukha nito na ayaw niyang makita ang kanyang kakambal. Napansin ko din ang pagkuyon ng kanyang kamao.

Di kinalaunan ay napansin na siya ng kanyang kapatid. Kumaway ito pero imbis na kumaway si Seung ay itinaas niya ang kanyang kamao at pumorma ng thumbs up sign at idinaan iyon sa kanyang leeg na parang ang gusto nitong sabihin na "patay ka sa akin."

Napansin kong napalunok si Seu sa ginawa ng kanyang kambal.

"Sue, anong sadya mo dito?" Lakas loob na tanong ng isang babae.

"Ha-ha? Ah, eh..." Hindi niya alam ang sasabihin niya. Napapatingin siya sa gawi namin at ang ekspresyon ng kanyang kapatid ay ganun pa din.

"Ahm, binibisita ko lang yung..." Lumingon siyang muli kay Seung. At ngayon ay nanlaki na ang mata nito na parang may pagbabanta sa kapatid.

"Girlfriend ko. Ayun siya." Napatingin ang lahat ng ituro niya ang pwesto namin.

"Ah, sino sa kanila?" Tanong muli ng isang babae. Magkatabi kasi kami ni Seung.

Nagpakawala muna ito ng buntong hininga bago lumapit sa pwesto namin.

"Seung, sorry."  Mahina nitong saad. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong akbayan at mabilis na hinalikan sa pisngi.

"This is my girlfriend." Anunsyo niya sa madla. Napanganga ako sa sinabi niya.

My goodness!

Ano na naman ba ito?

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon