Other Side of Him

507 22 2
                                    

Ami's POV:

"Bilisan niyo pa! Kulang pa yan!" Aniya habang pinagpupush up niya kami.

Para siyang Commander kung makautos sa amin. Yung totoo? Magiging Idol ba ako o sasabak sa giyera.

"Nakalimot yata kayo." Aniya habang masama ang tingin sa amin. Biglang naisipan ni Mr. Song na tignan ang timbang namin at puno ng dismaya ang mukha niya ng makitang walang pagbabago sa aming timbang bagkus ay nadagdagan pa ito.

Apat kaming naparusahan. Si Seung lang ang hindi. Mabuti pa siya. Magaling kasi siyang magbalanse kaya ayun simpleng exercise lang ang ginagawa niya.

"Sorry na po Mr. Song. Hindi na po kami kakain ng madami." Ani Bora habang hirap na hirap sa pagpupush up.

"Oo nga po. Mr. Song. Sorry po." Ani Young.

Imbis na magreklamo ay tinuloy tuloy ko na lang ang pagpupush up.

"Ok. Thats enough." Sabay-sabay pa kaming napasalamapak sa sahig ng sabihin niya ang pinakahihintay naming salita mula sa kanya.

"My Gulay! Parang matatanggal na ang braso ko." Ani Minji.

"See you again next week. And enjoy your off." Aniya at nauna ng lumabas ng kwarto. Naiba na ang schedule namin. More on vocal na kami at thrice a week na lang ang schedule namin kay Mr. Song. Kaya minsan ay nakakalimot kami sa pagkain ay dahil na din sa schedule namin.

"Day Off! Heto talaga ang hinihintay ko." Ani Young. Kahit trainee palang kami ay may day off din kami. Ang ibig sabihin ay pwede kaming umuwi sa aming mga bahay o kaya ay gumala.

"Magmall tayo bukas!" Ani Minji. Tila nabuhayan ng dugo ang dalawa dahil sa sinabi ni Minji.

"Sige! Go ako diyan!"-Young.

"Tamang-tama! Bibili ako ng bagong outfit." -Bora.

Nagpaplano sila ng mga gagawin nila para bukas.

"Unnie Seung, sama ka?" Tanong ni Bora.

"Ayoko." Tipid nitong saad at mabilis na nilisan ang kwarto.

"Asa ka pang sasama yun. Matutulog lang iyon magdamag sa dorm." Ani Minji.

"Ikaw Ami? Sasama ka?" Tanong sa akin ni Young.

"Sorry. Hindi ako pwede. Uuwi kasi ako ngayon sa amin. Birthday kasi ng Brother ko bukas." Maikli kong saad sa kanila.

Ang ganda ng timing ng day Off ko birthday pa ni Little Monie.

O baka naman sinadya talaga ni Papa para makapunta ako?

"Mauna na ako." Matapos kong maiayos ang gamit ko ay mabalis na akong umalis ng building. At sa may Bus station ay naghintay ako ng masasakyan.

"It's been a long time, ngayon lang ulit tayo magkakasabay umuwi." Napalingon ako sa aking kanan at naroon siya nakatayo sa tabi ko.

Napakaprofessional talaga niya. Kanina ang sungit tapos ngayon parang anghel kung makapagsalita.

"Hindi pa ako uuwi. Dadaan pa ako ng mall. Bibili ako ng ireregalo ko sa kapatid ko." Saad ko dito.

"I have a free time, gusto mo tulungan kitang maghanap ng ireregalo?" Napangiwi ako. Bigla na lamang nagprisinta. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko.

"Ah, hindi na. Abala lang iyon. Isa pa madali lang naman makahanap ng ireregalo lalo na kapag bata." Naiilang kong saad dito.

"Let's go. Baka magsara na ang mall." Parang hindi niya narinig ang sinabi ko. Itinulak niya ako papasok sa loob ng bus at doon sa dulo kami ay naupo. Medyo gabi na at kaunti nalang ang nakasakay sa bus.

Ilang minuto lang ay narating na din namin ang aming distinasyon.

"Ilang taon na ba yung kapatid mo?" Aniya habang nagtitingin ako ng damit sa kid section.

"Mag fo-four years old." Saad ko dito. Ginaya niya ang ginawa kong pagpili ng damit.

"Hi Sir and Ma'am, para sa anak niyo po?" Saad ng Saleslady.

"Ah, hin.."

"May pang four years old kayong damit?" Putol niya at mabilis kaming inassist ng sales lady.

"Ano sa tingin mo dito?" Aniya habang pinapakita sa akin ang damit.

"Ano bang mas maganda, heto o heto?" Aniya habang hawak ang dalawang klase ng damit.

Natatawa ako sa kanyang pagpili. Dalawang dress kasi yung pinili niya.

"Bakit?" Tanong niya ng mapansin niya ang pagtawa ko. Pilit ko namang pinigilan ang sarili ko sa pagtawa.

"Maganda naman pareho pero hindi pwede sa kapatid ko yan kasi lalake siya." Saad ko at mukhang napahiya ito sa sinabi ko.

"Aish! Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad." Galit nitong saad sa akin samantalang ako ay natatawa pa din.

"Hindi ka naman nagtanong." Pabiro kong saad at dumako na lang ito sa male section.

"Heto na." Walang gana niyang saad at ibinigay sa sales lady. Pakiramdam ko ay nagalit siya sa akin dahil mabilis itong naglakad papunta sa counter ng hindi man lang ako nililingon.

Kahit sa pagsakay sa bus ay wala itong imik sa akin.

"Mr. Song, galit ka  ba?" Pangungulit ko dito habang nakadungaw ito sa bintana. Nagalit nga yata. Hindi ako kinakausap e.

"Bae, galit ka?" Sa wakas ay pinansin niya na ako.

"Bae? Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo?" Aniya. Ngayon lang narinig na tinawag ko siya sa pangalan niya.

"Wala naman tayo sa BH Building diba? Kaya pwede kitang tawagin kung anong gusto kong itawag sa iyo." Sarkastiko kong saad dito. Nakita ko na ngumisi lang ito.

"Nandito na ako. Bye." Huminto na ang bus at bumaba na din ako.

"Ami." Napalingon ako sa likod at nakita ko siyang bumaba na din ng bus. Lumapit siya sa akin.

Naramdaman ko na namang ang di pamilyar na tunog sa aking dibdib.

"Ihahatid na kita." Aniya at kinuha ang kamay ko.

"Mr. Song. Nagbibiro lang ako kanina." Saad ko dito. Baka galit ito ng tawagin ko siya sa pangalan niya.

Baka isipin niya na wala akong galang na bata.

"Mas gusto kong tawagin mo ako sa pangalan ko." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"I feel so special." Kulang nalang ay mahulog ang panga ko dahil sa sinabi niya. Napakaseryoso niya kasi at hindi medyo naiilang ako.

"Ami... Mr. Song?" Sabay pa kaming napalingon sa tumawag sa amin.

"Mr. Kim." Ani Mr. Song. Nakahalukipkip ito at naniningkit na tumingin sa amin.

"P-papa." Nangangamba ko pang banggit dito. Dahan-dahang napalingon sa akin si Mr. Song dahil sa pagtawag ko dito ng Papa.

"Papa mo si Mr. Kim?" Gulat niyang tanong sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon