Tiwala

507 21 9
                                    

Ami's POV:

"Naku, mukhang walang uuwi ngayong gabi." -Ms. Kira.

"Wala talaga. Sa itsura palang nila parang walang magpapatalo."-Ms. Nari.

"Umorder pa si Yoongi ng Isang case ng Beer."- Ms. Yuri.

"Ami, sino ba sa kanila ang gusto mo?"- Ms. Jon.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakadungaw ako sa bintana ng sala at pinapanood ang inuman session ng mga tatay ko kasama ang tatlong lalake na nasa aming bakuran.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Papa at ginawa niya ito.

"Mukhang mahihirapan silang makasundo ang pito. Tsk." Ani Ms. Mina.

"Halata naman. Pakiramdam ko kung sino ang tatagal sa inuman ang siyang panalo." Saad naman ni Ms. Eun.

Ano? Ginawang laro?

"Anak, ok ka lang ba?" Ani Mama at tumingin din sa bintana kung saan ako nakadungaw.

"Ganyan talaga sila. Mahal ka kasi nila ng sobra kaya naman ganyan sila ka OA." Bigla akong natawa sa sinabi ni Mama.

Tama siya.

Sobrang O.A. nilang pito.

---***---

Namjoon's POV:

"Marunong ba kayong magluto?" Nanlilisik ang mga mata ni Jin nang itanong niya iyon sa Tatlong lalake na inimbitahan kong uminom.

"Ang maglinis ng bahay?"-Jungkook."

"Maglaba?"-Jimin.

"Maggroccery?"-Jhope.

"Magbudget ng pera?"-Suga.

"Mag alaga ng bata?"-V.

"Yah! Bakit pati yung pag aalaga ng bata kasali?" Reklamo ni Suga kay V.

Tumingin ako sa kanila at bakas sa mga kinikilos nila ang ilang sa amin.

"Heto! Pampakalma." Ani Suga at inabutan sila ng tig-iisang bote ng Beer.

"Ngayon lang namin nakita si Ami na may kahalubilong lalake at medyo bago sa amin iyon." -Jhope.

"At bilang mga tatay niya, responsibilidad namin na protektahan siya." -Jimin.

"Hangga't maaga pa lang, sabihin niyo na ang pakay niyo kay Ami bago pa kayo magsisi."-Jungkook.

"Ano bang tingin niyo sa anak ko?" Direkta kong tanong sa kanila. Nagkatinginan pa silang tatlo.

"Didiretsuhin ko na kayo. Ayoko sa inyo."Seryoso kong saad sa mga ito.

"Hyung? Agad agad?" -Ani V.

"Lalake ako at alam ko ang tumatakbo sa utak ninyo. Alam kong gusto niyo ang anak ko pero ako na angsasabi sa inyo na ayoko ni isa sa inyo para sa anak ko." Madiin kong saad sa mga ito bago itinungga ang hawak kong bote ng beer.

"Bakit?" Napalingon ako sa lalakeng naglakas loob na magtanong sa akin.

"I graduated in a prestigious and known school for academics here in our country. I also graduated with flying colors with an average of 97.8 which is so rear. And We have the same IQ Mr. Kim. Now, tell me, Am I not worth it?" Mata sa mata kong tiningnan si Song Bae habang nagsasalita ito.

"Woah. Daebak. Your english is so good." Ani V. Siniko naman ito ni Jungkook para sumeryoso ito.

"More than five years na akong artista. At sa panahong iyon madami na akong nakuhang award like, best actor, best male lead lead actor, best supporting actor. At hindi lang iyan, madami na din akong natulungan na mga charities. At kung financial ang pag uusapan. Walang problema sa akin. Kaya kong buhayin si Ami gamit ang naipon ko." Saad naman Ji Sue habang ang iba ay napapatango sa sinasabi nito.

"Academics? Awards? Tss.." Nabaling naman ngayon ang atensyon namin kay Do Loxe.

"Kumpara sa inyong dalawa mas kilala ko si Ami. Kapag nagmahal ba kailangan may ipakita akong diploma? Kapag nagmahal ba kailangan may mapanalunan din akong Award? Si Ami. Nakasama ko siya sa BH entertainment noong labing tatlong gulang pa lang kami at nakita ko lahat ng kanyang paghihirap at sakripisyo pero ang kaya ko lang gawin ay ang panuorin siya at pagmasdan sa malayo. Ngayong nagkita ulit kami, tingin nyo basta-basta ako susuko?" Aniya at itinungga ang beer na kanyang hawak. Ininom niya iyon ng isang lagukan lang.

"Hindi nasusukat sa tagal ng panahon na magkilala kayong dalawa. Kung kinakailangang iresearch ko ang lahat tungkol sa kanya ay gagawin ko." Saad naman ni Song Bae at tulad ng ginawa ni Do Loxe ay inubos niya ang laman ng bote.

"Alam ng lahat na girlfriend ko siya at paninindigan ko iyon hanggang magustuhan niya ako." Ani Ji Sue at ginaya ang ginawa ng dalawa.

"All right! Let the Bottle Begin!" Ani JHope at binuksan ang isang case na bote ng beer.

---***---
Ami's POV:

"Ma. Pigilan ko na kaya sila?" Halos isang oras na kaming nakadungaw sa bintana at pinapanood silang mag inuman. Hindi na ako mapakali dahil halos limang case na ng beer ang kanilang nauubos.

"Mama, mga Tita, Anong gagawin ko?" Base sa mukha nila ay halatang mga lasing na ito habang si Papa ay kalmado lang na umiinom at yung anim ay halos sumasayaw na sa kanilang pwesto dahil sa kalasingan.

"Hindi ko na kaya Mama. Lalabas na ako." Saad ko sa mga ito at tumungo sa lugar nila.

"Papa. Tama na po yan. Lasing na kayo." Suway ko dito. Kalmado namang tumingin sa akin si Papa.

"Kakasimula palang namin.Gusto ko lang silang makilala." Aniya. Tumingin ako sa kanila na halatang lasing na dahil paikot ikot na ang kanilang mga mata at tila ay pinipigalan lang nila ang kanilang antok.

"Papa naman! Ako na ang nagsasabi sa inyo kaibigan ko lang sila." Pagmamaktol ko dito.

"Hindi!" Muntik pa akong mapatalon sa pwesto ko ng sabay sabay silang tatlong magsalita.

"See? Hindi kaibigan ang turing nila sayo. Ami, gusto ka nilang maging girlfriend." Ani Papa. Napanganga ako sa sinabi ni Papa.

Tumingin ako sa tatlo. Tumingin ako ng nanlilisik sa kanila.

"Ami. Wag kang mag alala. Para sayo din naman itong ginagawa namin. Huh?" Ani Mr. Jimin.

"Tama. Hindi kami papayag na basta-basta ka nalang makukuha ng isa sa mga ito. Kailangan nilang dumaan muna sa amin bago sayo." Saad naman ni Mr. Suga.

"Papa!" Sigaw ko sa kanila at mukhang nahimasmasan sila dahil sa pagsigaw ko.

"Wala ba kayong tiwala sa akin?" Huminga ako ng malalim bago itinuloy ang aking sasabihin.

"May priority ako at yun ay ang pagiging Idol. At sana naman, hayaan niyo akong magdesisyon kung sino ang gugustuhin ko. Hindi yung ganito. Papa, Mga Tito, I'm so dissappointed. Baka nakakalimutan niyong Araw ito ni Monie at hindi akin." Nakakadismaya lang dahil parang bata pa din ang turing nila sa akin na kailangang alalayan sa bawat desisyon na gagawin.

"Ami." Naramdaman ko ang kamay ni Mama sa aking balikat. Sumunod na din ang iba pang ginang.

"Sabi ko na kasing huwag gagawin ito pero tinuloy niyo pa.Lalo ka na Hoseok! Alam kong ikaw nagplano nito!" Nakatanggap ng pingot sa tainga si Mr. Jhope sa kanyang asawa.

"Ah! Aray! Yobo! Hindi ako. Si Suga ang nagsuggest!" Depensa nito.

"Ah! Ikaw pala! Lagot ka sa akin!" Ani Ms. Yuri habang inaangat ang tupi ng kanyang long sleeve na damit.

"Yah,Hon, hindi lang naman ako. lahat kami. " Ani Mr. Suga.

Tumingin muli ako sa tatlo.

"Umuwi na kayo." Seryoso kong saad sa kanila bago lumakad patungo sa aking kwarto.

Sumalampak ako sa aking higaan.

Hindi ako makapaniwalang wala siyang tiwala sa akin.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon