Rooftop Moment

406 22 0
                                    

Seung's POV:

"Dapat nagDj ka na lang sa radio, ang galing mo kasing magpayo." Napangisi ako sa sinabi niyang iyon.

"Magaling akong magpayo sa iba pero sa sarili ko hindi ko kaya." Saad ko sa kanya habang umiinom kami ng beer sa rooftop ng aming dorm.

Sinunod niya din ang sinabi ko na mag move on na siya kay Ami dahil wala din namang mangyayari kung itutuloy niya pa ang panliligaw niya dito.

"Ilan na ba ang naging boyfriend mo?" Tila nag init ang mukha ko sa tanong niya. Napakakaswal kasi ng pagkakasabi nya.

"W-wala." Naiilang ko pang saad dito at binaling na lamang ang tingin sa malayo.

"Sabi na. Sa sungit mong iyan imposible talagang magkaboyfriend ka. Baguhin ko nalang yung tanong ko, ilan na ang nabusted mo?" Aniya at tinungga ang hawak niyang beer.

"Hmm.. wait, iisipin ko." Hindi naman ako nagbibiro na iniisip ko talaga kung ilan pero bigla itong natawa sa sinabi ko.

"Seryoso? May binusted ka?" Parang hindi siya makapaniwala.

"Yah? Anong tingin mo sa akin hindi lapitin ng lalake? Para sabihin ko sayo, madami ng lumuhod sa akin para lang sagutin ko sila." Iritable kong saad dito. Magwo-walk out na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko pabalik sa pwesto ko.

"Ikaw naman. Hindi mabiro. Mamaya ka na bumalik sa Dorm, ubusin muna natin ito. Huh?" Aniya at tinuro sa akin ang dalawa pang piraso ng beer.

Naparolyo na lamang ako ng mata at sinunod ito.

"Seryosong tanong, bakit wala kang sinagot sa mga manliligaw mo? Pangit ba sila?" I chuckled.

"Nope. They're all handsome." Tipid kong sagot dito.

"But why?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit gusto mong malaman?" Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ay ako ang nagtanong dito.

"Gusto ko lang malaman." Kibit balikat niyang saad. Tumingin ako sa malayo.

"Hmm.. Well, busy kasi ako sa pagtupad ng mga pangarap ko at nakalimutan ko ang magkaboyfriend. Iniisip ko kasi na sagabal lang ang pakikipagrelasyon sa career na tatahakin ko. Madami pa akong gustong patunayan sa sarili ko at.." Napatigil ako sa aking sasabihin at tumingin sa kanya habang siya ay nakasalumbaba na nakatitig sa akin

Ang puso ko.

Hindi na naman normal ang takbo dahil sa mga titig niya pero sinubukan ko na maging normal ang kilos ko sa harap niya.

"At hindi ako karapatdapat na mahalin ng kahit na sino man."

Napansin ko ang pagbago ng ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa  sinabi ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

Domoble ang kaba ko dahil sa ginawa niya.

"Loxe."

"Shh..." Natahimik naman ako.

"Wag mong sabihin na hindi ka karapatdapat na mahalin. Bawat isa sa mundong ito ay may karapatang mahalin at magmahal. Hintayin mo lang yung tamang panahon para sayo. Darating din iyon. Tiwala lang." Sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan na yakapin din siya.

"Bawasan mo lang ang pagkasungit mo." Tumingala ako sa kanya habang magkayakap kami at sinamaan ko siya ng tingin.

"Aish." Saad ko pero bigla niya lang isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Your welcome. Basta ikaw." Aniya. Hindi ko alam sa sarili ko pero pakiramdam ko ay komportable ako sa posisyon kong ito ngayon.

Para akong nakayak sa unan. Medyo matigas lang ng konti.

"Nasabi ko ba sayo na gusto ko ang  babaeng may strong personality?" Dahil sa tanong niya ay napakalas ako ng pagkakayakap at tumingin sa kanya.

"I just find out kung bakit ko nagustuhan si Ami ay dahil sa strong personality niya." Aniya.

"Ubos ko na ang iniinom ko. Babalik na ako ng dorm." Tila nawalan ako ng gana sa aming pag uusap.

Paalis na sana ako sa aking pwesto ng bigla niya akong pigilan. Hinawakan niya ang aking mukha kasabay ang pagsiil niya ng halik sa aking labi.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Hinawakan ko siya sa dibdib upang maitulak subalit malakas siya kaya hindi ko magawang itulak ito ng malakas. Dahil na din siguro sa alak kaya parang mahina ako ngayon. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit at damhin ang kanyang mga halik.

Ilang segundo lang ay kumalas ito at idinikit niya ang noo ko sa kanyang noo.

"Ayokong isipin mo na walang nagmamahal sayo. Tulad ng sinabi ko kanina, lahat tayo ay may karapat na magmahal at mahalin. Wag mong pigilan ang sarili mo sa bagay na iyon. Gawin mo lang kung ano sa tingin mo ang magpapasaya sayo. Wag mong limitahan ang sarili mo." Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiyak sa sinabi niyang iyon.

Tama siya. Ako yung tipong nililimitahan ang sarili. Dahil sa gusto kong maimpress ang mga tao sa paligid ko ay nakalimutan ko kung paano maging masaya.

Para pala akong robot na nakaprogram at ang laging nasa utak ay kung paano sisikat at ano ang magiging tingin ng tao sa akin at hindi ko alam na dahil sa ugali ko ay may nasasaktan na palang mga tao.

Why so Insensitive?

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon