Sorry, GoodBye

461 21 1
                                    

Ami's POV:

"Cheers!" Nasa dorm kami ngayon at nagpapahinga ng maisipan ni Minji na mag advance celebration kami para sa debut namin bukas.

"Softdrinks lang muna tayo ngayon pero kapag natapos ang performance natin bukas ay iinom na tayo ng wine." Ani Minji.

"Excited na talaga ako para bukas." Ani Young.

"Unnie, Kinakabahan ako. Paano kung makalimutan ko yung lyrics? O kaya yung choreo? Paano kung hindi nila magustuhan?" Saad naman ng pinakabatang miyembro.

"Yah! Tama bang yan ang isipin mo? Wag ka ngang nega. Magiging successful itong debut natin." Kompiyansa sa sariling saad ni Seung sa amin.

"Ok. Sabi mo eh." Habang nagkakasiyahan kami ay biglang tumunog ang phone ko.

Napangiti ako ng pangalan niya kaagad ang rumehistro.

"Hmm... Oo nga pala. May nakalimutan akong bilhin sa convenience store. Babalik din  ako kaagad." Paalam ko sa kanila at dali-daling lumabas ng dorm.

Mabilis akong tumakbo papunta ng parking lot ng makita ko siya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? At paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong nya.

"Wala lang. Nasesense ko lang na pupunta ka kaya nga ako mabilis na lumabas e.Ayaw mo ba? Oh sige babalik na ako sa loob." Kunwaring aalis na ako ng bigla niya akong higitin at mabilis na isinakay sa kanyang sasakyan at pinaandar iyon.

Ilang saglit lang ay bumaba na kami ng sasakyan. Tumigil kami sa isang mini park na malapit lang dito sa aming lugar.

"Woah. Ngayon lang ulit ako nakapunta sa ganitong lugar." Saad ko dito habang nakaupo kami sa duyan at marahang itinutulak ng mga paa namin ang aming kinauupuan na duyan.

Maraming bituin ang nagkalat sa kalangitan na lalong nagpaganda ng gabi.

Habang nakatingala ako ay naramdaman ko na may mahina na palang tumutulak sa likod ko. Dinapuan ko siya ng tingin.

"Sinundo na ni Ji Seu si Ara kaninang umaga sa apartment. Mukhang nakapag usap na sila ng mabuti." Sa sinabi nyang iyon ay tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

"Sinunod niya ang advice ko." Saad ko dito habang marahan niyang tinutulak ang duyan.

"Congrats.Bukas na ang debut niyo." Inihinto niya ang pagduyan sa akin at pumwesto sa harapan ko at pumantay sa aking kinauupuan.

Awtomatiko namang niyakap ng aking mga kamay ang kanyang batok.

"Ngayon ko lang napansin na clingy ka pala." Hindi ko mapigilan na ngumuso dito.Nahiya tuloy ako sa sinabi niya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso ko subalit pinigilan niya iyon. Hinila niya ako palapit sa kanyang mukha at ngumiti ng nakakaloko.

"Nasabi ko bang mas gusto ko ang babaeng clingy?" Magsasalita na sana ako subalit agad niyang inangkin ang aking mga labi.

Saglit lamang iyon at hindi ko naitago sa kanya ang ngiti ko dahil sa ginawa niya.

"Manonood ka ba bukas?" Tanong ko dito. Ang kaninang nakangiting ekspresyon niya ay biglang naging  seryoso.

"Hmmm...kasi.." Tila nag iisip pa ito sa tanong ko.

"Ok lang kung hindi." Inunahan ko na ito ng sasabihin. Siguro may naka schedule siya bukas.

"Sorry." Aniya. Ngumiti ako at hindi pinahalata na dismayado ako.

Syempre, debut namin iyon at gusto ko sana ay mapanood nya ako bukas.

"Tara na. Baka hinahanap na nila ako." Saad ko dito at nauna ng pumasok sa kanyang sasakyan.

Umayos ako ng upo at napansin ko na may piraso ng papel ang nakaipit sa drawer ng kanyang sasakyan. Kukunin ko na sana iyon upang tingnan ng bigla itong pumasok kaya naman isinara ko na lang iyon at hindi na tinangkang tingnan pa. Baka scratch paper lang iyon.

"Bye." Maikli kong saad dito ng makarating na kami sa dorm. Hindi ito nagsalita bagkus ay tumungo lang ito.

Napansin ko na parang balisa ito sa sasakyan kanina. May problema kaya siya at ayaw niyang sabihin sa akin?

Lumakad na ako papasok sa gusali pero huminto ako ng marating ko ang pinto at lumingon sa kanya na ngayon ay nakatingin pa din sa akin.

"Bae, Mahal kita!" Sigaw ko dito at sa wakas ay nasilayan ko na ang kanyang ngiti. Yun lang pala ang makakapagpangiti sa kanya.

Bae's POV:

It's my first time na marinig mula sa kanyang bibig ang salitang "mahal kita". Dahil doon ay hindi ko napigilan ang mapangiti. Matagal kong hinintay na marinig iyon sa kanya pero mukhang heto na din ang huling beses kong maririnig iyon.

Sumakay ako sa aking sasakyan at kinuha ang piraso ng papel na nakalagay sa drawer.

I am sorry Ami.

---***---

*A week ago after the incident.*

"Ano bang tingin niyo sa Agency ko? Boxing ring?" Singhal sa amin ni Mr. Kim sa kanyang Opisina.

"Hindi po ako ang nagsimula ng away kundi siya. Kung hindi niya ako sinuntok ay hindi ako gaganti." At talagang sumasagot pa siya.

"Hindi ka kasi makaintindi. Sinabi ng tapos na kayo pero pinipilit mo pa ang sarili mo? At paano naman si Ara huh?" Hindi ko nadin napigilan na magsalita laban dito.

"Stop." Ani Mr. Kim sa amin.

"Mr. Ji. Aalis ka ngayon dito sa Agency o magfafile ako ng kaso laban sayo?" May awtoridad pero kalmado nitong saad dito. Mukhang naintindihan naman niya kaya mabilis itong lumabas ng opisina at naiwan kaming dalawa ni Mr. Kim.

"Mr. Song. Mahal mo ba si Ami? Mahal mo ba ang anak ko?" Mata sa mata niyang tanong sa akin.

"Mahal ko po ang anak niyo." Walang kurap ang mata ko na sinabi iyon sa kanya. Tumango ito at may kinuha sa kanyang drawer.

"Kung mahal mo talaga ang anak ko tatanggapin mo ito." Aniya at inilahad sa akin ang papel na kinuha niya sa kanyang drawer.

"Ilang araw na lang at magdedebut na si Ami kasama ng grupo na kinabibilangan niya. Gusto kong magfocus muna si Ami sa career niya. Ayokong maging hadlang ka sa kanya kung kaya't binook na kita ng ticket papuntang Thailand." Tinignan ko ang papel na hawak ko. Isa palang plane ticket iyon at base sa date ay sa araw mismo ng kanyang debut ako aalis.

"May branch ng BH Agency sa Thailand at isa ka sa mga magtetrain ng magiging Idol doon. Isipin mo na lang na promotion ko ito sa iyo, Mr. Song."

"Gusto niyong hiwalayan ko ang anak niyo?" Diretso kong tanong dito.

"Nasasaiyo na iyon kung iyon ang gusto mong isipin. Ang akin lang, ayokong mawala lahat ng pangarap ni Ami. Mahalaga sa akin ang anak ko. At gagawin ko ang lahat para sa kanya." Aniya.

Hindi ko mapigilan ang mapasuntok sa manibela ng aking sasakyan.

Nakakainis.

Naiinis ako sa sarili ko.

Pakiramdam ko ang laki kong duwag.

Tama ba itong gagawin ko?

"I am sorry Ami." Tanging sambit ko kasabay ng luha na umaagos ngayon sa aking pisngi.

"Sorry. Goodbye"

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon