Ami's POV:
"Excercise na naman. Hay naku." Reklamo kaagad ni Young ng marating namin ang BH building. Ngayong araw kasi ang fitness day namin at syempre si Mr. Song ang aming instructor doon.
"Patay. Madami pa naman akong nakain kagabi. Paniguradong may parusa na naman ako." Ani Minji. Narating namin ang elevator at agad kaming sumakay doon.
Magsasara na sana ang pinto ng elevator nang may babaeng pumigil nito. Napangiti pa ito sa amin bago tuluyang sumakay sa loob.
Siya yung babae kahapon.
Tumingin ako sa apat na babaeng kasama ko at katulad ko ay malagkit ang tingin namin dito.
"Guys, model ba ng agency natin yan?" Bulong ni Minji sa amin.
"Hindi ko alam. Ngayon ko lang siya nakita. Ang ganda niya." Puri naman ni Young.
"Unnie. Baka Solo Artist ng agency natin." Ani Bora. Napaayos kami ng tayo ng bigla itong lumingon sa amin at ngumiti.
Kinuha niya ang phone niya at may kinausap sa kabilang linya.
"Oppa! I'm here again." Masigla nitong saad.
"May ibibigay akong gift. Salamat nga pala sa paghatid sa akin sa apartment ko. Nag enjoy ako kagabi dahil sayo." Hindi ko mapigilan ang mapangiwi ng sabiihin niya iyon. Yung tono ng pananalita nya, parang nang aakit. Kinilabutan tuloy ako.
Mabuti nalang at tumunog na ang elevator na hudyat na narating na namin ang aming distinasyon at bumungad doon si Mr. Song.
"Oppa!" Tili nito sabay yakap kay Mr. Song. Napanganga na lamang ako sa ginawa niya at bakas din sa mukha ng apat kong kasama ang gulat dahil sa ginawa ng babae.
"Good morning Mr. Song." Ani Seung at nauna ng lumakad sa amin.
Lumabas na din kami ng elevator.
"Hi Mr. Song, Girlfriend niyo?" Walang pangundangang tanong ni Young dito.
"Young!" Sabay pa naming tatlong tinawag ang pangalan niya. Pasaway talaga.
Tumingin ako kay Mr. Song at seryoso lang itong nakatingin sa akin.
Mabilis na umabtesyete ang kamay ng babae kay Mr. Song.
"Sorry po Mr. Song, mauna na po kami." Saad ko at nauna na kaming naglakad.
"Hindi ko siya Girlfriend." Napatigil kami sa aming paglalakad ng sabihin iyon ni Mr. Song. Napaharap pa kaming tatlo sa gawi nila.
Tumingin ako sa kanya at katulad kanina ay sa akin lang ang tingin niya.
"Yeah, hindi niya ako Girlfriend, Fiance nya ako." Napatiim bagang ako sa aking narinig. Mabilis akong naglakad palayo sa kanila.
My gulay!
Ano bang nangyayari sa akin?
Bakit parang naiinis ako pero hindi ko maipaliwanag kung bakit. Para tuloy akong may dalaw sa kinikilos ko ngayon.
Nakakainis! Nakakabwisit!
---***---
Ara's POV:
I Knew it.
Sa kwento palang ni Bae sa akin kagabi alam kong siya na ang tinutukoy nitong babae. Dagdag pa ang malagkit na titig nito sa kanya ngayon.
"Aish! Bakit mo sinabi iyon?" Iritable niyang saad sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa reaksyon niya.
"Siya yun ano? Yung "She's one of a kind" mo?" Tukso ko dito pero inirapan lang ako.
Sabi na. Hindi ako nagkamali. Dahil sa tuwa ko ay hindi ko napigilan ang tumawa.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
أدب المراهقين(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...