Ami's POV:
"Sige na. Mauna na ako sayo." Tumayo ako at akmang aalis na nang bigla kong naramdaman ang kamay niya na humawak sa kamay ko.
"May gagawin ka ba after ng training mo?" Tumingin ako sa kanya at seryoso ang mukha nitong itanong iyon sa akin.
"W-wala naman. Uuwi na ako pagkatapos ng training." Saad ko dito.
"Pwede ba tayong magdate?" Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niyang iyon.
Tama ba ang narinig ko?
D-date?
Hindi tuloy mapigilan ang kaba na naramdaman ko.
"Ibig kong sabihin, magbonding tayo. Hindi mo ba naalala noon? Niyaya kitang magbonding matapos ang training natin kaso biglang dumating sila Mr. Jhope nun kaya hindi natuloy. Matagal na iyon baka hindi mo na matandaan." Paglilinaw nito sa kanyang sinabi.
"Ah! Oo. Natandaan ko pa iyon." Naalala ko nga iyon, yun kasi ang unang beses na pinagsabihan nila ako na magfocus muna sa pagiging trainee.
Yun pala ang ibig niyang sabihin.
"Sige." Sang ayon ko dito.
"Talaga? Hmm... sige, hintayin kita sa lobby mamaya. Ok?" Tumungo ako sa sinabi niya at tuluyan ng bumalik sa practice room.
Pagpasok ko sa loob ay napansin ko ang pagyuko ng aking mga kapwa trainee sa harap ng aming fitness instructor. Tumingin ako dito at nakahalukipkip ito. Napatingin din ako sa gitna nila at naroon ang mahiwagang timbangan. Agad akong tumabi sa aking mga kasama.
"Ano nga ulit ang role ko?" Hindi ko alam kung may bumara ba sa tainga ko sa sinabi niyang iyon. Medyo may pagkasarkatiko kasing pakinggan.
"Fitness instructor po." Sabay sabay naming saad.
"Ikaw, nakailang extra rice ka kanina sa Canteen?" Bigla nitong tanong sa lalakeng nasa unahan niya.
"Hmm... da-dalawa po Mr. Song." Nahihiya pa nitong saad.
"Yung totoo?" Parang galit na ito sa tono ng pananalita niya.
"Tatlo po Mr. Song!" Mabilis nitong sagot. Napabuntong hininga ito bago muling nagsalita.
"Hindi ba kasama sa diniscuss ko ang pagkontrol sa kakainin? Mukhang nakalimot yata kayo?" Nagsisimula na naman siyang manermon sa amin.
"Paano niyo maachieve ang abs kung puro kayo kain? Simula ngayon, ang mahuhuli kong kumakain ng madami or unhealthy foods ay makakatanggap sa akin ng parusa." Natakot ako bigla sa sinabi niya.
Ibig sabihin nun, bawal na ang junkfood? Mahilig pa naman akong kumain nun.
"Simula ngayon ay kukunin ko ang timbang ninyo. Ibibigay ko ang tamang timbang na nararapat sa inyo at kapag lumagpas kayo sa timbang na ibibigay ko, may karagdagang parusa akong ibibigay sa inyo." Nakita ko ang pagbabago ng itsura ng mga kasamahan ko na trainee.
Nanlumo ako bigla sa sinabi niya. Grabe namang pagpapahirap ito.
Isa-isa niya kaming kinuhaan ng timbang.
"Han Ami." Agad akong pumatong sa timbangan na nasa unahan ko.
"Fifty three kilos. Kailangan mong mabawasan ng eight kilos." Saad nito habang nililista sa notebook na hawak iya ang aking timbang. Napakunot noo ako. Parang ang laki naman yata nun?
"Next."
"Waah! Parang gusto ko ng sumuko!" Hanggang sa comfort room ay may nagrereklamo pa din.
"Baliw na ba siya? Gusto ba niyang patayin tayo sa gutom para lang pumayat? Tss." Nasa cubicle ako kaya rinig na rinig ko ang usapan ng kapawa ko trainee.
"Tara na nga. Baka pagalitan pa tayo." Narinig ko ang pagbukas ng pinto na hudyat na lumabas na sila.
Palabas na din sana ako ng cubicle nang biglang narinig ko ang malakas na kalabog sa katabi kong cubicle.
"Bakit ka ba nangengealam? Buhay ko naman ito!" Binuksan ko ng kaunti ang pinto ng cubicle para masilip ko kung sino iyon.
"Wala kang paki kung matagal na akong trainee. Tandaan mo, magdedebut din ako ngayong taon na ito. Isasampal ko sa pagmumukha mo ang kasikatan ko. Tandaan mo iyan!" Sigaw nito at ibinaba ang hawak na cellphone. Mula sa repleksyon niya ay bakas dito ang galit sa kausap.
Nakakatakot.
Sa sobrang takot ko hindi ko alam kung paano ako lalabas. Pero kailangan ko ng lumabas kung hindi papagalitan ako ni Mr. Song. Nagpaalam lang ako na sasaglit lang sa comfort room.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng cubicle na parang walang narinig. Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay. Hangga't maaari ay iniiwasan kong tumingin dito.
Palabas na ako ng bigla niya akong tawagin.
"Ikaw." Napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahang humarap.
"B-bakit?" Nanginginig ko pang tanong dito. Lumapit ito sa akin at tulad ng una naming pagkikita ay salubong ang kilay nito.
"Wala kang narinig. Ok?" Mataray nitong saad bago naunang lumabas sa akin. Nakahinga ako ng maluwag pagkaalis niya.
Grabe.
Bakit ba siya ganun? Nakakatakot.
Pero mas natatakot ako kung tatayo lang ako dito. Paniguradong papaglitan ako ni Mr. Song dahil ang tagal ko sa c.r.
Tama nga ang hinala ko, pagagalitan nga ako.
"Bye Mr. Song." Bakas ang ginhawa sa mukha ng mga kasamahan ko dahil oras na para umuwi. Nag ayos ba din ako ng gamit ko.
Naalala ko bigla na magkikita nga pala kami ni Loxe sa lobby.
"Ami!" Masigla nitong bati ng makita niya akong papalapit sa pwesto niya.
"Tara na." Nakangiti nitong saad. Tumango ako bilang g sang ayon.
"Ami." May otoridad na boses ang narinig ko mula sa aming likod dahilan upang mapalingon kami ni Loxe.
"Mr. Song."Seryoso itong nakatingin kay Loxe.
"Hindi pa tapos ang training mo. Bumalik ka sa practice room." Napakagat labi ako sa sinabi niyang iyon. Dahil yata sa matagal kong pagpunta sa c.r. kanina at heto ang parusa ko.
"Loxe. Next time na lang siguro." Nahihiya ko pang saad dito.
"Hmm.. sige. Next time nalang." Aniya.
"Bilisan mo pa!" Pagalit niyang saad habang tumatakbo ako sa treadmill sa mabilis na speed nito. Pakiramdam ko matatanggal na ang paa ko sa bilis.
"Hi-hindi ko na k-kaya." Hingal kong saad dito. Tagaktak na din ang pawis ko sa katawan. May pinindot itong button dahilan upang bumagal ang takbo ng treadmill at huminto.
Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagod.
"Here." Napaangat ako ng tingin ng abutan niya ako ng tubig. Agad kong itinungga ang tubig. Madaming pawis ang nailabas ko kaya kailangan kong uminom ng madaming tubig.
"Starting today, doble na ang oras mo sa pagte-training." Aniya at inabutan ako ng malinis na bimpo galing sa bag niya. Amoy Fabric conditioner pa iyon ng ipunas ko sa aking mukha.
"Ako lang po?" Tumango naman ito.
"Preparation para sa nalalapit mong debut." Nagulat ako sa sinabi niya.
Debut?
E'ilang araw pa nga lang akong trainee bakit magdedebut na ako kaagad?
"Mukhang malakas ang kapit mo sa itaas at sa maikling panahon ay magiging Idol ka na." Dagdag pa nito.
Sa puntong ito, isang tao lang ang naiisip ko na may kapangyarihan na gawin iyon.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...