Artista

549 24 0
                                    

Ami's POV:

"Nandito na kami!" Narinig namin ni Seung ang boses mula sa labas ng Dorm. Agad namang humarang sa pinto si Seung.

"Seung, anong gagawin natin?" Natataranta na ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Aalis na ako." Nakadamit na ng lumabas ng banyo ang lalake.

" Seung? Nandyan ka ba sa loob? Pakibukas naman ang pinto. Madami kaming pinamili e." Sigaw ng isa sa mga kagrupo namin.

Agad akong lumapit sa lalake at dali-daling itinulak papasok ng banyo. Pumasok na din ako sa loob ng banyo.

"Teka, ano bang.."

"Shh! Wag kang maingay! Basta! Sumunod ka nalang!" Saway ko dito.

"Hay Salamat at binuksan mo na din! Kanina pa ako ihing-ihi e." Patay. Gagamit siya ng Banyo.

Susme! Anong gagawin ko?

Ami! Isip!

Aha!

Agad kong binuksan ang shower para kunwari ay naliligo ako.

"Huh? Nandito na ba si Ami?" Narinig kong Tanong nito.

"H-ha? Ah... Oo. Dumating na siya." Malakas na saad ni Seung sapat na para marinig ko.

"Ami!" Nagulat ako sa katok niya.

"Ami! Baka pwedeng pumasok? Ihing-ihi na talaga ako!" Naku naman.

"H-hindi pa ako tapos e." Pagdadahilan ko dito.

"Ami! Maawa ka! Sasabog na ang pantog ko dito!" Ano na Ami? Paano mo ito masusulosyunan?

"Ah, sige. Wait lang."

"Ano?" Mahina namang reklamo ng lalakeng katabi ko. Agad ko siyang tinulak papuntang shower at itinabing ang shower curtain para hindi siya makita sa loob.

"Jan ka lang! Wag kang sisilip!" Saway ko dito.

Kahit nakakahiya ay kailangan ko itong gawin. Kinuha ko ang twalya na ginamit niya at naghubad ako ng suot ko bago itinapis ang twalya sa katawan ko. Binasa ko din ang buhok ko para kapani-paniwala bago buksan ang pinto.

"Salamat Ami!" Mabilis itong pumasok sa Banyo. Nakita ko naman ang pagsilip ni Seung at nabasa ko ang pagbuka ng bibig niya na parang sinasabi niyang "Anong ginagawa mo?"

"Akong bahala." ginaya ko ang ginawa niya.

"Ah, salamat talaga Ami. Sige na. Maligo ka na ulit." Aniya at isinara kong muli ang pinto.

Hooh!

Muntik na.

Pero hindi pa tapos ang paghihirap namin. Kailangan ko siyang mapalabas dito.

Mabilis kong ibinalik sa katawan ko ang damit na suot ko bago pa man maisipan na sumilip ng lalakeng ito.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas nito.

Hinawi ko ang kurtina at nakita ko na basang basa na siya ng tubig.

"Sorry, nakalimutan kong isara." Saad ko dito at ibinigay muli ang twalya sa kanya.

"Ano? Pwede na ba akong lumabas?" Mahinang tanong niya sa akin. Sumilip ako sa labas. Nasa kusina sila at busy sa pagluluto.

"Dito ka lang." Utos ko dito bago lumabas ng banyo.

Sumenyas naman ako kay Seung kung ano na ang gagawin.

"Ahm, girls, pwede niyo ba akong tulungan na mag ayos ng gamit? Hindi ko kasi alam kung saan ilalagay ang gamit ko." Sana umipekto itong estratihiya na gagamitin ko.

"Sige Unnie! Ako na ang tutulong." May nagbulontaryo na isa. Ano ba yan? May dalawa pa akong kailangang libangin.

"Ah, madami kasi yung gamit ko, hindi kakayanin ng isa pwedeng tatlo kayo?" Saad ko sa kanila. Nagkatinginan pa sila sa sinabi ko.

"Yah! pwedeng tulungan niyo nalang siya? Aish." Iritableng saad ni Seung kaya naman sumunod na sila dito at sinamahan akong pumasok sa magiging kwarto ko. Sinenyasan ko naman siya na puntahan na ang kapatid niya sa banyo.

Nakaharap ako sa pintuan ng kwarto at katapat ko ang tatlong tumutulong sa akin ng pag aayos ng gamit. Mukhang nagtagumpay naman si Seung namapalabas niya ang kanyang kapatid dahil narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aming Dorm.

"Salamat sa pagtulong sa akin pero tingin ko, kaya ko na ito." Saad ko sa kanila.

May halong pagtataka ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko.

"Ah, ok. Babalik na ako sa kusina."

"Ako din. Tutulungan ko si Minji sa pagluluto."

"Unnie, tulungan na lang kita. Hindi naman ako marunong magluto e." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ano nga palang pangalan mo?" Heto ang pangalawang pagkikita namin at hindi ko pa sila kilalang tatlo.

"Ako si Bora. Yung pumunta ng Banyo kanina si  Unnie Minji iyon at si Unnie Young yung isang iyon." Itinuro niya ito. Tingin ko si Bora ang bunso namin dahil sa pananalita nito.

"Let's eat Guys!" Saktong tapos na kami sa pagliligpit ng gamit ko nang tawagin kami ni Minji para sa aming unang tanghalian na magkakasama.

"Wow! Mukhang masarap." Ani Bora at una ng tumikim sa pagkain.

"Ay Oo nga pala!" Tumayo si Bora at nagmamadaling binuksan ang telebisyon.

"Huh? Bakit nagmamadali siyang buksan yung t.v.?" Tanong ko sa kanila.

"Ah, may inaabangan kasi siyang drama sa tanghali." Ani Young. Parang ako lang din pala siya na mahilig sa drama.

"Ay, ewan ko ba kung bakit baliw na baliw siya sa palabas na iyan." Iritableng saad ni Minji habang patuloy kami sa aming pagkain.

Napapalingon din ako sa pinapanood niya. Kulang nalang ay dumikit ang mukha ni Bora sa Telebesyon sa sobrang lapit.

"Kyah! Ayan na sya!" Parang bata nitong tili ng lumabas na sa screen ang inaabangan niya.

Bigla akong nabilaukan ng makita ko kung sino iyon.

"Unnie, ayos ka lang?" Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Young at tinungga ko kaagad iyon.

"Bora! Ano bang meron sa Ji Seu na yan at baliw na baliw ka?"

"Ang gwapo niya kaya!" Sagot nito.

Napatingin ako kay Seung at parang wala lang iyon sa kanya at tuloy lang siya sa pagkain.

"Anong gagawin mo kapag nakita mo sya sa Personal?" Bigla niyang tanong.

"Kyah! Unnie Seung! Baka mamatay ako!" Kinikilig niyang saad.

Nagtama ang tingin namin ni Seung.

Heto yata ang iniiwasan niya kanina.

Hindi din yata nila alam na kapatid niya si Ji Seu.

At ako, hindi ako makapaniwala na nakasama ko sa banyo ang isang artista.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon