Ami's POV:
"Hyacinth Girls, Standby." Saad ng Floor director. Nasa backstage kami at ngayon ang araw kung saan magdedebut na kami.
Finally, tapos na ang paghihintay namin ng matagal. Heto na talaga. Hindi na kami nananaginip.
"Totoo ba talaga ito? Sampalin mo nga ako Young baka nananaginip lang ako." Masunurin naman si Young kaya mahina nyang sinampal si Minji.
"Mga Unnie. Sa wakas. Heto na talaga. Wah!" Hindi halatang excited ang pinaka batang miyembro.
Lumingon ako kay Seung na kanina pa kumukuyakoy ang binti. Lumapit ako dito.
"Relax ka lang ok? Magiging successful ito." May kompiyansa kong saad dito.
"Sino bang may sabihing kinakabahan ako? Yah. Tandaan mo, ako ang leader dito at wala sa bokabolaryo ko salitang kaba." Hanggang sa huli ay mapride pa din ito. Bagay nga sa kanya ang maging leader ng grupo.
"Hyacinth Girls" Sabay-sabay pa kaming napalingon sa likod dahil sa pagtawag nito sa aming grupo.
"Sunbae." Sambit ni Young.
"Anong ginagawa niyo dito?" Ani Minji nang mapansin na lahat ng meyembro ng Xtar ay narito.
"Masama bang suportahan ang Juniors namin?" Saad ni Loxe at isa-isa nila kaming niyakap.
"Good luck guys. Nandito lang kami sa likod niyo para suportahan kayo." Ani Loxe sa amin at may pakindat pa itong ginawa sa amin.
"One minute girls." Saad ng floor director namin.
"Oh siya. Aalis na kami. Good luck ulit. Fighting!" Ani Loxe.
"Fighting!" Sabay-sabay naming saad bago kami papuntahin sa unahan.
Maliit lang ang venue pero puno naman iyon. Hindi na masama para sa baguhan na tulad namin.
"Nakita niyo ba yung mga tao kanina? Halos mangatog ako kanina sa kaba."-Minji.
"Oo nga. Napuno natin yung lugar. Magandang simula iyon hindi ba?" -Young.
"Unnie. Nagustuhan nila ang performance natin."-Bora.
"Congrats girls! We made it!" Sigaw naman ni Sueng.
Tama.
Naging successful ang debut namin.
Halos magtatalon kami sa saya ng matapos namin ang aming debut performance.
"Yah! Congrats girls! Tama talaga yung desisyon ko na ibigay sa inyo yung piece ko e." Ani Loxe. Mag isa lang itong tumungo sa aming dressing room. Mukhang nagpaiwan siya sa mga kasamahan niya para suportahan kami. May bitbit pa itong mga bulaklak at ibinigay sa amin.
"Sunbae, bakit mas malaki yung binigay mong boquet kay Unnie Seung?" Puna ni Bora sa bulaklak na hawak namin.
"Oo nga ano? Mas malaki yung sa kanya." Dagdag naman ni Young. Napansin ko ang pagkamot ni Loxe sa kanyang batok.
"Yah. Kaya mas malako yung akin dahil ako ang leader ng grupo. Wag nga kayong ani diyan." Dipensa niya dito.
Kahit hindi nila sabihin, nararamdaman ko na may kakaiba sa kanilang dalawa.
Ilang minuto lang ay may pumasok muli sa loob ng dressing room.
"Mama..."Bigkas ni Bora ng may pumasok na ginang. At niyakap niya iyon habang umiiyak.
Ganun din si Young at Minji ng makita nila ang mga magulang nilang pumasok sa loob ng dressing room.
Masyadong maliit ang dressing room kaya naman naisipan nilang lumabas at naiwan kaming pareho ni Seung sa loob.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Novela Juvenil(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...