Ami's POV:
"Yes naman! Sikat na sikat na ang kaibigan namin. I'm so proud!" Ani Nam Suk.
"Ami, pahingi naman ng autograph at selfie. Hindi kasi naniniwala yung mga kasamahan ko sa trabaho na kaibigan kita." Saad naman ni Ji Kyo.
"Oh sige. Kahit ilan pang picture. Magsawa kayo." Biro ko at nagpicture taking kaming apat.
Sa wakas, nagkaroon din kami ng oras sa isa't-isa. Ang tagal din naming hindi nakapagbonding dahil sa busy schedule namin.
At dahil mahilig kami sa kape at dessert ay Napagdesisyunan naming magkita sa Coffee Shop ni Mr. V.
"Ami Right? Pwede bang makahingi ng autograph?" Sabay-sabay pa kaming napaangat ng tingin nang bumungad sa amin ang napakakisig at gwapong lalake.
"Sure." Saad ko at pinirmahan agad ang dala niyang notebook.
"Fan ka kasi ng kapatid ko. Pasensya na sa istorbo." Saad pa nito.
"Ay, ok lang! Basta gwapo walang problema kay Ami. Hindi ba?" Kapag pogi talaga ang bilis ng mga mata ng mga ito. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapailing.
"Kayo talaga puro kayo kalokohan. Heto na." Iniabot ko na sa kanya ang notebook na may pirma at agad namang itong umalis.
"Woah. Ang pogi naman nun. Dapat kinausap mo muna ng matagal Ami. Sayang yun." Ani Jung Ah na may panghihinayang sa mukha.
"Tigilan niyo nga ako. Wala akong panahon sa mga ganyan." Saad ko sa kanila at ininom ang kape na inorder ko.
"Asus. Bitter ang lola niyo." Pang aasar naman ni Nam Suk sa akin.
"Alam mo, move on na. Two years ago na yun bes? Ano? Aasa na darating pa siya?" Ani Jung Ah.
"Hindi naman kami nagbreak e. Umalis lang siya pero hindi siya nakipagbreak." Paglilinaw ko sa kanila.
"Ami? Ano? Martyr? Two years na yun. Akala ko ba matalino ka? Hindi mo ba nagets na kapag iniwan ka ng lalake at hindi nagparamdam sayo ng dalawang taon ay wala na. Break na. Ganun yun Ami. Ganun." Paliwanag naman ni Ji Kyo sa akin.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Umaasa pa din kasi ako na maayos ang lahat. Wala namang closure hindi ba?
"Ay naku. Bahala ka sa buhay mo. Basta kami uuwi na. Babush. Salamat sa oras mo,Idol." Biro sa akin ni Jung Ah. Mahigit tatlong oras din pala kaming nagkwentuhan sa coffee shop ng mga kaibigan ko.
"Sige. Ingat kayo." Paalam ko sa mga ito. Nagtext sa akin si Papa kanina dahil may importante daw kaming pag uusapan at ang sabi niya ay hintayin ko na lang sya sa coffee shop ni Mr. V.
Nakangiti ako habang palabas sila ng coffee shop pero ng mawala na sila sa paningin ko ay hindi ko maiwasan ang maging malungkot.
May punto naman sila.
Dalawang taon.
Huh. Ang martyr ko nga. Sa kakahintay ko sa kanya ay hindi ko namalayan na dalawang taon na pala ang nakalipas.
Pero hanggang kailan nga ba ako maghihintay?
At ang tanong, may hinihintay pa ba ako?
Habang hinihintay ko si Papa ay naisipan kong buksan ang SNS ko. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa nababasa kong comment tungkol sa aming grupo.
Ilang saglit pa ay may papel at ballpen na naglagay sa mesa ko. Napangiti ako dahil may gustong humingi ng pirma ko tulad ng nangyari kanina.
"Madami pala akong fans dito sa Coffee shop na ito at karamihan lalake pa." Saad ko dito at pinirmahan ko iyon.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Novela Juvenil(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...