Ami's POV:
"Ami. Pinapatawag ka ni Mr. Kim sa office niya." Tumigil ako sa ginagawa ko matapos sabihin iyon ni Mr. Song sa akin. Napansin ko din ang pagsulyap sa akin ng mga kasabayan kong trainee.
"Sige po." Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang pumasok sa opisina ni Papa. Bumungad sa akin ang apat na babae na nakaupo doon na tila ay ako nalang ang hinihintay.
"Pinapatawag niyo daw po ako Pa-ah, Mr. Kim." Agad kong nabawi ang pagtawag ko dito ng Papa. Tumingin ako sa isa sa mga babaeng naroon. Soya yung nasa C.R. na nakakatakot magalit.
Gaya nila ay umupo din ako.
"Ano pong meron? Bakit niyo po kami pinatawag?" Tanong ng isang babae.
"Ipinatawag namin kayo dahil napag usapan namin na kayo ang opisyal na miyembro na bubuo sa Hyacinth Girl Group." Bakas sa mukha ng tatlo ang saya ng sabihin ni Papa ang magandang balita samantalang kaming dalawa nung babae ay seryoso lang sa anunsyo nito.
"Seung! Heto na ang pinakahihintay natin!" Masiglang saad ng isang babae sa kanya.
Seung pala ang pangalan niya.
Lumingon siya sa akin at tulad ng lagi naming pagkikita ay nakasalubong ang kilay nito.
"Sya ba ang dahilan kung bakit ngayon niyo lang kami naisipan na idebut?" Matapang nitong saad.
"Unnie, ano ba yang sinasabi mo?" Tanong ng isa.
"Ilang taon na ba kaming trainee dito? Ilang taon na ba kaming umaasa na magdedebut?" Napayuko na lamang ako sa pananalita niya.
"Yah! Unnie, baka nakakalimutan mo na isa sa mga boss natin ang tinataasan mo ng boses." Ani ng isa pang babae.
"Minji, Young, at Bora, ilang taon na kayong trainee? Halos kasabayan ko lang kayo hindi ba? At ikaw, Ang pagkakaalam ko wala ka pang isang buwan dito pero magdedebut ka na? Wow! Ayos! Sino ba ang backer mo dito? Si Mr. Bang?" Tuloy-tuloy lang ito sa pananalita na parang hindi alintana sa kanya kung sino ang nasa loob ng opisina.
Tama nga ang bulung-bulungan sa kanya. Hindi maganda ang ugali nito.
"Ako ang nagdesisyon na isama siya sa grupo niyo. Sa ayaw at sa gusto niyo kayo na ang magkakasama. Heto na ang kontrata." Hindi na nagdalawang isip ang tatlo na agad namang pumirma.
"Miss Ji." Napairap pa ito bago pumirma at walang lingon na lumabas ng opisina.
"Sige po Mr. Kim. Mauna na din po kami. Salamat po!" Lumabas na din ang tatlo.
"Ami?" Napabuntong hininga ako at tinignan ang kontrata.
"Pa, sinabi ko na sa inyo na hindi magandang ideya ito. Makakapaghintay naman po ako kahit gaano katagal."
"Ami, alam ko ang ginagawa ko. Hindi mo na mababago ang desisyon ko." Parang hindi ko siya kilala. Once na nagdesisyon siya, hindi na mababago iyon. Wala na akong nagawa kung hindi ang pirmahan iyon.
"Ami, ginagawa ko ito dahil alam ko na deserve mo ito. Wag mong isipin na kaya ka magiging Idol ay dahil sa akin. Matagal ko ng alam na may potential ka at heto na ang pinakahihintay mong panahon para sa pangarap mo." Tumayo ito at niyakap ako.
"Ami, anak." Yumakap na din ako sa kanya.
"Ok po Papa. Sige na. S-salamat po." Kumalas ako sa pagkakayakap dito at ngumiti siya sa akin.
"Anong gusto mong dinner mamaya? Ipapaluto ko sa Mama mo." Panlalambing nito sa akin.
"Kahit ano basta luto ni Mama." Nakangiti kong saad dito.
"Ang bilis ng panahon, dalaga ka na. Sa susunod baka mag asawa ka na." Aniya.
"Tss, malayo pa po yun. Madami pa kong pangarap. Idol ko kaya kayo."
Pero napapaisip pa din ako. Deserve ko nga ba?
"Babalik na po ako sa practice room." Saad ko dito at lumabas na ng opisina.
"So, ikaw pala ang Anak ni Mr. Kim." Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Nakasandal ito sa pader at nakahalukipkip.
Naramdaman ko ang takot dahil sa ma titig nita da akin na hindi maganda. Lumapit ito sa akin.
"Kaya pala."
"Seung."
"Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko, hindi tayo close." Aniya at binunggo ang balikat ng lumakad ito palayo sa akin.
---***---
Seung's POV:
Sabi ko na nga ba at may bucker siya.
Tss, wala din siyang pinagkaiba sa babaeng binuhusan ko ng Juice. Pareho lang sila na ginagamit ang kapangyarihan na meron sila para maitaas sila.
Sa inis ko ay pumanhik ako sa rooftop at doon ay inilabas ko ang isang stick ng sigarilyo. Alam kong bawal ito sa building pero kapag ganitong naiinis ako hindi ko mapigilan ang humithit.
Inilagay ko iyon sa bibig ko at akmang siaindihan na gamit ang lighter na dala ko ng may biglang nagtanggal nun sa bibig ko.
"Alam mo bang bawal ang sigarilyo dito?" Iritable niyang saad at inapakan ang sigarilyo ko.
"Alam mo bang pwede kang magkasakit sa ginagawa mo? Hindi rin makakaganda sa image mo ang paninigarilyo kapag naging Idol ka. Isa pa, paano ka nakapuslit ng sigarilyo? Huh? Alam ba ito ng trainor mo?" Parang manager siya kung makapagsalita.
"Bakit ka nandito? At ano bang pakialam mo?" Iritable kong saad dito.
Bakit sa tuwing may problema ako ay sumuaulpot ang mokong na ito.
"Dahil kaibigan mo ako." Aniya.
"Wala akong kaibigan." Simula ng nagtraining ako ay wala na akong kaibigan. Ni-minsan ay hindi ako naging palakaibigan sa kapwa trainee ko.
"Simula ngayon, kaibigan mo na ako. Preiod. No erase." Parang bata nitong saad. Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Oh heto nalang ang gawin mong sigarilyo" inabutan niya ako ng dala niyang Pepero.
"Mas masarap iyan kaysa sa yosi."
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Fiksi Remaja(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...