Ara's POV:
"Are you insane? Bakit mo ginawa iyon? You're so crazy girl." Saad ng kasamahan ko sa trabaho. Mabilis talaga ang balita na kumalat. Pati yung picture namin ni Ji Sue ay kumalat na din online.
"Yes I Am." Binigyan ko siya ng sarkastikong sagot. Hindi nila alam kung gaano ako kasaya ngayon matapos kong sabihin sa pagmumukha ng pamilya ko ang hinanaing ko sa kanila. Malaki na ako at kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Hindi na nila ako kailangang diktahan pa. At wala na din akong pakialam sa mamanahin. Mas importante sa akin ngayon ang kaligayahan ko.
Napahawak ako sa aking sentido ng maramdaman ko ang hilo.
"Ms. Jong, Ayos ka lang?" Dahil siguro ito sa alak na nainom ko kagabi.
"Ok lang ako." Saad ko dito.
"Ms. Jong, pinapapunta ka sa office." Napakagat labi ako ng sabihin iyon ng crew namin. Alam ko na kung bakit niya ako pinapatawag. Paniguradong dahil ito sa eskandalo na nangyari sa party ng lolo at lola ko.
Mabilis naman akong tumungo sa opisina. Kumatok muna ako bago buksan ang opisina at laking gulat ko ng makita ko ang presensya ni Ji Sue sa loob.
"Iwan ko muna kayo." Saad ng head manager namin at iniwan kamibg dalawa sa opisina. Hindi ko alam kung ano ang sasabibihin sa kanya. Hindi din ako makatingin sa kanya ng diretso.
"let'-" magsasalita sana siya ng unahan ko siya.
"I'm sorry. Ako ng bahala magpaliwanag sa media tungkol dun sa kumakalat na picture. Sasabihin kong edited lang iyon at hindi talaga tayo magkakilala. Don't worry I can handle this." Pilit akong ngumiti dito habang hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi ko.
"ok ka lang?" Dahil sa tanong niya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Unti-unting nawala ang ngiting ipinakita ko sa kanya at tila ano mang oras ay may lalabas ng tubig sa aking mata.
"Bakit ba ang daming naging concern sa akin ngayon? Halos lahat ng naakasalubong ko ay tinatanong ako kung ayos lang ba ako." Hinaluan ko ng sarkastikong tono ang pananalita ko upang hindi ako maiyak sa harap niya.
"Kalimutan na lang natin ang nangyari." Napaawang ng kaunti ang bibig ko ng sabihin niya iyon pero agad ko ding nabawi.
"Oo naman. Kalimutan na lang natin iyon." Nakangiti kong saad dito.
Kalimutan?
Tss,
Madaling sabihin pero mahirap gawin.
Packing tape.
"Anyway, kung wala ka ng sasabihin, mauna na ako. May trabaho pa kasi ako." Hindi ko na hinintay ang sasabuhin niya kaya naman humakbang na ako palayo dito. Subalit, wala pang ilang hakbang ay tila nag iba ang aking paningin sa aking dinadaanan dahilan upang bumagal ako sa paglalakad. Naging blurd ang tingin ko sa paligid.
walanghiyang alak yan. Hindi talaga nakakabuti sa katawan ko.
Hindi na kinaya ng ulo ko ang hilo kaya naman bumagsak na ako sa sahig at biglang dumilim ang paligid.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay. Pagbukas ko nv mata ko ay nasa clinic na ako ng airport.
"Ms. Jong." Napalingon ako sa nurse. Bumangon ako at umayos ng upo habang pinapaliwanag niya ang kalagayan ko.
Sa puntong ito ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak.
---***---
Sue's POV:Kalahating oras na akong naghihintay sa labas ng clinic. Bigla kasing nawalan ng malay si Ara ng kausapin ko ito sa opisina nila. At sa tagal kong naghihintay ay lumabas na din ito. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa pangyayaring iyon.
"Anong sabi sayo ng nurse? May masakit ba sayo? Bakit ka nawalan ng malay?" Sunod-sunod kong tanong dito. Kalmado lang itong ngumiti sa akin.
"Sobrang stress lang sabi ni Nurse. Konting tulog lang okay na ako. Sige na. Alam kong busy ka." Aniya. Mukhang okay lang talaga siya kay naman umalis na din ako.
"Anong sabi?" Tanong sa akin ng aking manager ng bumalik na ako sa sasakyan.
"Ok na. Pumayag na sya na kalimutan ang lahat." Bakit pakiramdam ko hindi ako masaya sa ginawa ko? Parang may mali.
"Sa BH building tayo." Kailangan kong makausap si Ami tungkol dito. Kailangang malinaw sa kanya na wala kaming relasyon ni Ara.
"Alam mo bang tumawag sa akin si Mr. Wae at galit na galit siya sa akin dahil sa issue. Pati si Mr. Kim ay tumawag sa akin dahil sa pag anunsyo mo na girlfriend mo yung alaga niya. Alam mo Ji Sue, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa kalokohan mo. Sisirain mo ba ang career mo para sa mga babae?" Iritableng pahayag ng aking manager. Hindi ko nalang siya inintindi at nanahimik na lamang ako sa sasakyan.
"Anong kailangan nila mga Sir?" Tanong ng gwardya na nagbabantay ng gusali. Nakasuot ako ng sumbrero at face mask upang hindi ako makilala ng ibang tao.
"Ako si Ji Sue. Kailangan kong kausapin si Han Ami. Nandito ba siya?" Tanong ko sa guard.
"Sorry po sir. Pero hindi po kami nagpapapasok dito ng walang appointment." Aniya. Tinanggal ko ang suot kong face mask para makilala nya ako.
"Ako nga ito. Yung boyfriend ni Ami." Diin ko dito.
"Guard. Ako ng bahala sa kanya." Napalingon ako sa boses na iyon. At hindi ako nagkamali na si Seung iyon.
Dahil sa kanya ay pinapasok na ako sa loob.
"Thanks." Kaswal kong saad dito. Tahimik kaming sumakay ng elevator. Nakakapanibago siya. Hindi naman ganito ang kambal ko kapag magkasama kami.
"Seung..." Pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya ay doon na niya ako sinipa at hinampas.
"Ah! Aray!" Sabi ko na nga ba naghahanap lang ito ng tsempo na mabugbog ako. Akala ko pa naman nagbago na sya.
"Walanghiya ka talaga! Ang dami ng nadadamay dahil sa kalokohan mo! Dapat sayo inililibing ng buhay!" Aniya habang wala pa ding tigil sa paghampas sa akin.
"Yah! Seung! Ano ba! Tama na!" At mukhang napagod na siya sa kakahampas sa akin subalit ang nga tingin niya ay parang kakainin ako ano mang oras.
"Tigilan mo na itong kalokohan mo. Wag mo ng guguluhin si Ami." Sambit nya at mabilis na lumabas ng elevator. Mabuti nalang at walang nag aabang sa elevator, baka mamaya pagkamalan pa kaming magboyfriend na nag away.
Pero tama ba yung narinig ko sa kanya? Bigla siyang naging concern kay Ami?
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...