Split Personality

622 23 0
                                    

Ami's POV:

"Wow, ang swerte naman niya."

"Oo nga. Wala pa siyang isang buwan dito pero pinaghahandaan na ang debut niya."

"Sana ako din magdebut na.

"Nakakainggit."

"Miss Han, Congrats." Alam na ng lahat ang balita na kasama ako sa mga magdedebut.

"Pero ok ka lang ba? Balita ko kasi kasama sa grupo niyo yung malditang si Seung. Naku!" Saad ng kasamahan kong trainee.

"O-oo naman. Ok lang yun. At isa pa, D-deserve niya naman na magdebut." Tanging saad ko sa mga ito.

Dapat nga ba nila akong kainggitan?

Sa totoo lang, hindi ako ganun kasaya. Naguguilty pa din ako. Pakiramdam ko nandaya ako sa kanila.

---***---

"Sa lahat ng kilala kong magdedebut ikaw yata ang hindi masaya." Mabagal akong naglalakad papuntang bus station nang marinig ko ang boses na iyon. Paglingon ko sa aking gilid ay kasabay ko na palang naglalakad si Mr. Song. Malalim ang aking iniisip kaya hindi ko kaagad naramdaman ang presensya niya.

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.

"Ang lalim naman ng buntong hininga mo. May problema ka ba?" Napatigil ako sa paglalakad at ganun din siya. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Nanliit ang mga mata ko na parang kinikilatis ko ito.

"May Split personality ka ba?" Prangka kong tanong dito. Parang ibang tao kasi ang nakakasama ko kapag nasa practice room ako at iba din kapag nakakasabay ko siya sa bus.

Nakita ko ang pagngisi niya dahil sa sinabi ko.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Ang sungit mo kasi kapag nasa BH building pero kapag nasa labas na ang bait mo." Saad ko dito.

"Ang tawag doon, professionalism." Aniya at ngumiti ng tuluyan.

Ngayon ko lang ito nakitang ngumiti. Lagi ka si itong seryoso o kaya naman salubong ang kilay.

"Ah, professionalism." Pag uulit ko at nagtuloy na sa paglalakad.

"Masyado ba akong strikto sa inyo?" Bigla nitong tanong.

"Aish, hindi lang. Ang sungit mo pa. Tss. Halos lahat kami naiinis sayo." Direkta kong sagot dito na para bang komportable na ako sa kanya.

"Yah, baka nakakalimutan mong Trianor mo ako." Masungit nitong saad.

"E'di ba ikaw na mismong nagsabi na magkaiba ang ugali mo sa BH building at sa labas? Well, nasa labas tayo at pwede kong sabihin kung anong gusto kong sabihin." Parang bata kong saad dito.

Muli ay nakita ko ang pagngiti niya. Ngiti na hindi niya akalain na ganito ako magsalita sa kanya.

"Kakaiba ka din. Hindi ka natatakot na pahirapan kita bukas." Ako naman ang napakunot noon dito.

"Yah! Akala ko ba professional ka? Bakit mo ako papahirapan bukas? Huh? Tss.. Madaya." Napanguso tuloy ako ng wala sa oras.

"Joke lang yun." Aniya.

Marunong pala syang mag joke.

"Tara, libre nalang kita ng dinner." Aniya. Bumilis ang kabog sa dibdib ko ng kunin niya ang kamay ko at hinila papunta sa malapit na restaurant.

Nakatingin lang ako sa kamay niya. Malambot  at mainit ang palad nito na nakalapat sa palad ko.

Bakit ganito ang pakiramdam ko.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon