Ami's POV:
"Team Building?"Sabay-sabay naming bigkas. Maaga pa lang ay pumunta na si Papa dito sa dorm para ipaliwanag sa amin ang tungkol sa team building.
"Yup. Kailangan nyo iyon para maging tight ang pagsasamahan ninyong lima. Tandaan niyo na hindi lang kayo basta magkakagrupo, pamilya kayo. Paliwanag ni Papa sa amin.
"And by the way, heto si Mr. Shin. Ang inyong Manager." Pakilala ni Papa sa lalakeng katabi niya. Ngumiti ito sa amin at ganun din ang ginawa namin dito.
"Maiwan ko na kayo." Aniya.
"Ihahatid ko na kayo sa labas Mr. Kim." Tumango naman ito.
"Mr. Kim? " singhal niya nang makalabas na kami sa Dorm.
"Anong gusto niyong itawag ko sa inyo sa harap nila? Papa? Tss." Biro ko dito and he pat my head.
"Papa, pakikamusta ako kay Mama at Monie. Miss ko na sila." Saad ko dito.
"Miss ka na din nila. Sige na, Aalis na ako. Ingat kayo sa team building niyo. Mag enjoy ka." Hinatid ko lang sya sa elevator at bumalik din kaagad sa dorm kasama ang aming bagong manager.
"Ayusin niyo na ang dadalhin niyong gamit para sa team building mamaya. Dalawang araw iyon kaya dapat sapat ang dadalhin niyong gamit." Saad ni Mr. Shin sa amin.
"Kung may ipapabili kayo sabihin niyo lang sa akin para mabili ko na." Aniya habang nag aayos kami ng aming mga dadalhin.
"Medyo malayo ang byahe pwede kayong matulog muna." Saad ng aming manager habang nasa cargo van na kami at komportableng naka upo.
"Wow! Sa wakas! May sarili na tayong van!" Tuwang-tuwa na pahayag ni Young. Sumilip ako kay Seung. Naka eye mask ito. At tingin ko ay tulog na. Samantalang nagkukwentuhan ang tatlo na nakapwesto sa likod.
Kinabit ko naman ang earphone at napagpasyahan na makinig nalang ng kanta habang nasa byahe. Nakaramdaman na din ako mg antok kaya natulog muna ako tutal malayo pa naman ang pupuntahan namin.
Naramdaman ko na may yumogyog sa aking balikat dahilan para magising ako. Agad kong tinanggal ang earphone sa aking tenga.
"Nandito na tayo." Ani Seung sa akin at bumaba na. Tumingin ako sa likod, wala na doon ang tatlo. Ako na lang pala ang nasa loob ng van.
Bumaba na din ako at tumingin sa paligid.
"Wow! Ang ganda dito!" Bulalas ni Bora nang makita din niya ang paligid.
"Campsite is heartue!" Ani Young.
Kahit ako ay namangha sa ganda.
"Tara Mag group picture tayo bago pumasok!" Panyayaya ni Minji sa amin. Agad naman akong kinaladkad ni Bora.
"Ako na ang magpipicture sa inyo." Prisinta ng aming Manager
"Unnie, halika na." Ani Young kay Seung na nakasandal sa aming sasakyan.
"Kayo na lang." Aniya. Lumapit sa kanya si Bora at hinila niya ito papunta sa amin.
"Yah! Sabing ayoko e.!" Nagpumiglas ito at di sinasadyang natumba sa lupa si Bora.
Lumapit kami kay Bora at itinayo ito. Medyo maluha pa ito dahil sa ginawa sa kanya ni Seung.
"Ok ka lang? May galos ka ba?" Chineck ko ang kanyang braso, mabuti nalang at wala itong galos.
"O-Okay lang Unnie." Nahihiya pa nitong saad sa amin.
"Hayaan mo na. Baka wala lang sa mood." Ani Young dito.
"Tss, sabihin mo salbahe talaga." Naiinis na saad ni Minji. Hindi alintana sa kanya na marinig siya nito dahil sa malapit lang ito sa amin.
"Tutunganga na lamang ba tayo dito o papasok na sa loob?" Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagkainip.
"Kung hindi na kayo magpipicture, pumasok na tayo sa loob." Saad ng aming Manager. Nauna naman sa paglalakad si Seung sa amin.
"Hello!" Napatigil kami sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Loxe at may pakaway-kaway pa itong papalapit sa amin.
Teka? Andito siya?
Ibig sabihin, team building ito kasama ang ibang idols ng Agency namin?
Kaya pala madaming nakabantay sa gate na bodyguard ay dahil puro Idols ang narito.
---***---
Seung's POV:
Sa sobrang iritable ko ay hindi ko sinasadya na maitulak si Bora sa lupa.
Sinabi ko na kasing ayokong magpapicture kasama sila. Mahirap bang intindihin iyon? Gusto yata i-english ko pa.
"Hello!" Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Loxe na papalapit sa gawi ko. Hindi ko naitago ang ngiti ko ng lumapit siya sa akin.
"Ami!" Para akong hangin na kanyang nilampasan. Natameme ako sa aking pwesto.
Lumingon ako sa likod at nakayakap na ito kay Ami. May kung anong bagay akong naramdaman sa aking dibdib dahilan upang sumakit iyon.
"Oh? Nandito din kayo?" Tanong ni Ami dito. Hindi ko mapigilan na tignan si Loxe.
Hindi ko alam na magkakilala pala sila.
"Narinig ko ang balita. Congrats ah." Bakas sa mata nito ang tuwa ng makita niya si Ami.
"Salamat. Sila pala yung mga kasama ko sa grupo. Si Bora, Young, Minji at si Seung." Napalingon ito sa gawi ko ng ituro ako ni Ami.
"Oh? Seung! Wow. Congrats ah!" Kaswal na bati nito sa akin. Dahil doon ay nag iwan ito ng pagtataka sa mukha ni Ami.
"Magkakilala kayo?" Aniya.
"Oo. Magkaibigan kami." Saad nito. Tumingin sa akin si Ami. I just glared at her.
Ayoko ng marinig ang pag uusap nila kaya lumakad nalang ako papalayo sa kanila.
"Wow. You're here too?" Napataas kilay na lamang ako ng bumungad sa pagmumukha ko ang babaeng tinapunan ko dati ng juice sa mukha.
Ano bang araw ito, nakakawala sa mood ang paligid.
"Ikaw din." Sarkastiko kong saad dito.
"Congrats. Balita ko magdedebut ka na din." I gave her a wide and fake smile, katulad ng ginawa niya.
"Thank you. Deserve ko kasi iyon. Hindi ako katulad ng iba diyan na magdedebut kahit na wala namang talent." Napansin ko ang pagkagat niya ng kanyang labi na tila ay nagpipigil lamang ito ng galit sa akin.
"By the way, may kakilala akong voice coach, irerefer kita minsan kapag nagkita kami para naman gumanda yang boses mo at hindi ka umasa sa lip sync. Kailangan mo iyon." Ngumisi ako dito at umalis na sa harap niya. Baka hindi ako makapagpigil at magka world war three kami rito.
Wag niya akong susubukan dahil hindi niya alam ang kaya kong gawin.
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...