Get Off

459 21 2
                                    

Ami's POV:

"Loxe, hindi ba parang madami ito?" Sad ko dito. Ang dami nya kasing inorder na pagkain parang panglimahang tao ang kakain.

"Kulang pa nga yan. Sige na. Kain lang." Aniya na wagas ang ngiti sa akin. Habang kumakain ako ay siya naman itong sige ang lagay ng pagkain sa aking plato.

"Kumain ka na din." Saad ko dito.

"Sa wakas ay nasolo na din kita." Napangisi ako sa sinabi niya.

"Anyway, bakit naisipan mong ibigay sa amin yung composition mo? Bakit hindi nyo kantahin ng grupo mo?" Tanong ko dito habang kumakain ito.

"Mas bagay kasi sa boses niyo yung kanta kaya ibinigay ko kay Mr. Kim tapos dinagdagan nalang ng rap part ni Mr. Min." Paliwanag niya.

"Ah, mahirap bang magsulat ng kanta?" Mala reporter ako sa tanong ko dito.

"Mahirap lalo na kung wala kang inspirasyon pero madali naman kapag meron. Salamat sayo, naging inspirasyon kita sa pagsusulat ng kanta." Direkta niyang saad sa akin na tila wala lang sa kanya ang sinasabi niya. Yung parang hindi na siya nahihiya sa akin na sabihin niya ang nararamdaman niya.

"Ah, Ganun ba? Hmm... Kailan mo pa sinulat yung kanta? I am sure ilang linggo lang sa iyon." Saad ko dito at sumubo ako ng kanin.

"Eight Years." Hindi ko mapigilan ang mapaubo ng sabihin niya iyon. Mabilis naman niya akong inabutan ng tubig.

Eight year?!

"Tungkol sayo ang kanta." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Kung para sa naranasan ko sa training noon ay walang-wala sa hirap mo noon. Pero kahit nahihirapan ka na, nakikita ko na positive ka pa din sa buhay. Yun ang nakita ko sayo kaya naisulat ko iyon." Seryoso niyang saad.

Ano bang sasabihin ko? Na Speechless kasi ako sa sinabi niya.

"Ikaw si Han Ami hindi ba?" Napatingala ako sa babaeng nasa gilid namin at nakangiti siya sa akin.

Napakunot noo ako. Hindi ko kasi siya kilala pero kilala niya ako.

"Ako nga, Paano mo ako nakilala?" Tanong ko dito. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng seryosong ekspresyon.

"Ikaw yung girlfriend ni Ji Sue tapos makikita kitang may kadate na iba? Two timer ka pala?" Matapang niyang saad.

"Teka Miss, nagkakamali ka." Ani Loxe.

"Malandi" Sambit niya at kinuha niya ang baso na nasa mesa namin at ibinuhos iyon sa akin. Tila naging bato akp sa ginawa niya. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Miss! Ano ba!" Sigaw ni Loxe dito. Napatingin ako sa paligid ng restaurant at agaw atensyon kami ng mga tao.

"Ladies and gentlemen! Tandaan niyo ang mukhang ito! Siya kasi yung Girlfriend ni Ji Sue na ngayon ay kadate si Do Loxe ng Xtar. Hindi siya makuntento sa isa kaya naman naghanap ng isa pa." Naramdaman ko ang luha ko na dumadaloy sa aking pisngi.

"Tumigil ka na sabi! Guard!" Sigaw ni Loxe dito. Pero bago pa man dumating ang guard ay tumayo na ako at nakayukong tumakbo palabas ng restaurant.

Nakakahiya.

Wala namang katotohanan ang sinabi ng babae pero masakit sa dibdib ang lahat ng sinabi niya.

"Ami!" Narinig ko ang boses ni Loxe pero hindi na ako nagabalang lingunin siya at sumakay nalang ako sa taxi na tumigil sa aking harapan.

---***---

Loxe's POV:

"Oh? Loxe?" Nagmamadali akong pumunta ng BH building upang hanapin doon si Ami. Nawala kasi siya sa paningin ko ng sumakay ito ng taxi at ang naisip ko ay baka bumalik na ito dito upang mag ensayo.

"Nandito na ba si Ami?" Tanong ko sa mga kagrupo nya na naabutan kong nagpapahinga sa practice room.

"Akala ko ba magkasama kayo?" Saan kaya siya nagpunta.

"May nangyari kasi kanina, saka ko na lang ipapaliwanag. Hahanapin ko muna siya." Saad ko sa mga ito at patakbo ng lumabas ng BH building.

Saan ba siya nagpunta.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nasa parking lot na ako at pasakay na sana sa aking sasakyan ng may humawak sa damit ko at sinunggaban ako ng suntok dahilan upang humandusay ako sa sahig.

"Ano bang problema mo?"Napatingin ako sa lalakeng sumuntok sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang galit. Nasulyapan ko din ang kanyang kamao na may dugo. Mabilis kong hinawakan ang aking ilong na dumudugo na pala.

Itinayo niya ako gamit ang lakas niya at sinandal ako sa aking sasakyan.

"Tigilan mo na si Ami." Seryoso niyang saad sa akin. Malakas ko siyang itinulak at gumanti ng suntok. Masasabi kong patas na kami dahil napadugo ko ang kanyang labi na agad naman nyang pinunasan.

"Woah! Loxe! Stop!" Mabuti nalang at dumating ang aking Manager kundi ay hindi ko na alam ang pwedeng magawa ko sa kanya.

"Mr. Song, ano bang problema? Bakit kayo nag aaway?" Tanong ng Manager ko dito. Kinuha niya ang phone niya at ibinato sa akin.

"Yan ang problema." Aniya. Tinignan ko ang screen ng phone niya at binasa ang nakalagay doon.

"Ji Seu's Girlfriend and Do Loxe of Xtar are dating." May nakalagay pa na picture namin iyon na halatang kanina lang kinuhanan. Ang bilis talaga ng balita sa sa social media. Wala pang isang oras ay trending na kaagad iyon.

"Layuan mo na si Ami." Aniya bago ito umalis sa harapan ko.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon