For You

478 20 1
                                    

Ami's POV:

"Heto na ang song na kakantahin niyo." Iniabot sa amin ni Papa ang folder.

"Yes! Finally." Hindi maitago sa mukha ni Bora ng makita niya ang folder ng naglalaman ng kakantahin namin.

Pinaliwanag ni Papa ng malinaw sa amin ang ibig sabihin ng aming mga kanta.

Tungkol iyon sa mga nararanasan ng kabataan. May tungkol sa pangarap, pagkakaibigan, pamilya at pag ibig.

Nagtungo agad kami sa isang kwarto kung saan ay ituturo sa amin ng composer ang tono ng kanta.

Pagpasok ko ay bumungad na kaagad sa akin ang lalakeng maputi na naka de kuatrong upo at kumukuyakoy habang nakatingin sa folder na hawak niya.

"Omo! Kayo po si Mr. Min Yoongi di po ba? Nice to meet you po! Fan niyo po ako! Lalo na yung Mixtape na ginawa niyo? Wah! Daebak! Ang ganda!" Hindi na naitago ni Minji ang kanyang pagkahanga kay Mr. Suga habang siya ay seryoso lang ang ekspresyon ng mukha.

"Oo nga. Kahit ako. favorite ko nga yung AgustD." Napakagat labi na lamang ako sa reaksyon ni Young na isa din sa humahanga kay Mr. Suga.

"A to the G to the U to the STD!" Tila nabasa ng dalawang ang isip ng bawat isa dahil sabay nilang kinanta ang part ng lyrics ng Mixtape ni Mr. Suga.

"Ituturo ko ba ang kanta o pupuriin niyo lang ako maghapon?huh?" Aniya at inilapag ang kanyang hawak na folder.

Ang kaninang ngiti ng dalawa ay napalitan ng lungkot dahil sa sinabi niya.

Napaka savage talaga niya. Wala pa ding pinagbago.

Umupo na kami sa bakanteng upuan at hinihintay na ituro na niya sa amin ang kanta.

"Hindi pa ba tayo magsisimula?" Ani Seung.

"Wag kayong excited, may hinihintay pa ako." Aniya.

Ilang minuto lang ay may kumatok na sa pinto at dahan-dahang bumukas iyon.

"Finally!" Singhal ni Mr. Suga dito.

Anong ginagawa ni Loxe dito?

"Now, let's start." Ani Mr. Suga at ipinaliwanag na niya sa amin ang arrangement ng kanta.

Si Loxe pala ang gumawa ng ibang parte ng kanta at ang rap part ay si Mr. Suga naman.

"Wow. Akalain mong ikaw pala ang nagcomposed nito?" Ani Minji na hindi makapaniwala.

"Oppa, paano mo ito nagawa? Ang galing!" Ani Bora.

"May inspirasyon kasi ako ng ginawa ko iyan." Aniya at tumingin sa akin.

"Ah, para siguro sa mahal mo ito ano? Ang deep ng meaning e." Saad naman ni Young.

Napainom ako tuloy ng tubig. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko.

"Oo. Sa kanya ko talaga alay ang kantang iyan at masaya ako na kakantahin niya iyan." Dahil sa sinabi niyang iyon ay naibuga ko ang tubig na iniinom ko.

"Ami? Ok ka lang?" Ani Minji at iniabutan ako ng tissue.

"Mr. Min, kailan po ba namin irerecord ito?" Mabuti nalang at naisipang magtanong ni Seung kay Mr. Suga dahilan upang mabaling ang attensyon nila dito.

"kapag alam niyo na ang tono ng kanta pwede na kayong magrecording." Ani Mr. Suga sa amin.

Pagkatapos kasi ng aming recording ay sasabak naman kami sa choreography ng mga kanta at kailangang ma-master namin ang mga steps na iyon.  At dahil bagong grupo palang kami, si Mr. Jhope ang nakatoka sa aming choreo.

"Lunch time. Mauna na ako sa inyo." Ani Mr. Suga at mabilis na lumabas ng kwarto.

"Ay grabe. Nagugutom na din ako. Tara kain na tayo!" Tumayo na sila at ganun din ako. Palabas na sana ako ng pinto ng bigla akong higitin ni Loxe.

"Girls, sorry pero hindi sasabay sa inyo si Ami." Aniya at hinila ako palabas ng kwarto.

"Loxe. Ano bang ginagawa mo?" Saad ko dito habang hawak pa din ang kamay ko palabas ng building.

"Magla-lunch." Tipid niyang saad sa akin. Sumakay kami sa gamit niyang Cargo van at agad namang pinatakbo ng kanilang driver ang sasakyan.

"Loxe. Di ba sinabi ko na.."

"Ami, kahit isang beses lang, hayaan mo naman akong makasama ka." Seryoso niyang saad sa akin.

"Matagal na kitang gustong makadate pero hindi ako makahanap ng tiyempo kaya hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito." Dagdag niya.

"Sa ngayon, kaibigan pa lang ang tingin mo sa akin pero alam ko na balang araw ay magugustuhan mo din ako." Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Loxe, Bakit ako? Marami namang ibang babae diyan na higit sa akin at deserve sayo pero bakit ako?" Lakas loob kong tanong dito.

"First love kita at Walong taon na akong naghihintay sayo." Napakagat labi ako sa sinabi niya sa akin.

Walong taon.

Hindi ko akalain na ganun na niya ako katagal na gusto.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Ami, kahit ngayon lang, be my date." Seryoso at may sinseridad niyang saad  sa akin.

"Loxe." Sambit ko dito. Parang ambigat ng pakiramdam ko. Kapag um-oo ako parang hinayaan ko na siyang gawin ang gusto niya pero kapag tumanggi naman ako ay masasaktan siya.

Ano ba? Bakit ba ang komplikado ng lahat!

"Ok. Pero ngayon lang." Bakas sa mukha niya ang saya ng sabihin ko iyon.

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon