Ami's POV:"Ouch. Parang hindi ko na kaya."
"Ako din. Ang sakit ng buong katawan ko."
Unang araw palang ng training mukhang madami na ang nagrereklamo.
Buong araw kasi kaming nagbanat ng aming mga buto.
Literal na pagbabanat.
Kahit ako ay naramdaman ko din ang sakit sa katawan pero kakayanin ko ito dahil sa pangarap ko.
Trainee palang kami kaya naman maaga kaming dinismiss ng aming instructor.
Nauna ng lumabas ang mga kasabayan ko na trainee sa building samantalang ako ay nagpaiwan. May mangilan-ilan na kilala pa din ako kahit matagal na akong nawala sa BH building.
Pumanhik ako sa fifth floor para hanapin si Miss Jon. Unang pinto palang ay nakita ko na ito. Tinuturuan niya ng bagong choreo ang isang girl group na hawak niya. Hindi ko lang matandaan kung anong grupo iyon pero katulad ng Xtar ay nagdebut na din ang mga ito.
Napalingon ito sa pinto at awtomatiko niyang pinatay ang tugtog at mukhang pinagpahinga niya muna ang mga tinuturuan niya.
"Ami!" Bungad nito sa akin kasabay ng mahigpit na yakap.
"Ay Sorry. Pawisan nga pala ako." Aniya habang pinupunasan ang braso ko.
"Ok lang po Miss Jon." Nakita ko ang pagporma ng malaking ngiti niya sa kanyang labi.
"Mabuti naman at naisipan mo akong puntahan. Nabalitaan ko lang kay Hoseok na trainee ka na. Congrats Ami! I am so proud of you." Aniya.
"Salamat po Miss Jon. Isa po kayo sa mga naging inspirasyon ko kaya ako nandito."
"Woah! Natouch naman ako."
"May sinesekreto ba kayo?" Napalingon ako sa likod at nandoon pala si Mr. Jhope. Napahalukipkip pa itong lumapit sa amin.
"Tss, Ano naman ang isesekreto namin?" Parang batang saad ni Miss Jon dito.
"Na Gwapo ang asawa mo at macho." Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa sinabi niya. Umarte pa itong pinapakita ang kanyang muscle sa braso.
"Aish. Tigilan mo nga kami." Iritableng saad ni Miss Jon dito.
"Yobo, baka nakakalimutan mong nainlove ka sa itsura kong ito." Taas noo nitong saad.
"Nakakasuka ka. Tigilan mo ako ah. Kanina ka pang umaga." Mukhang seryoso nga ang inis ni Miss Jon sa kanya.
"Yobo, bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong ginagawang masama sayo." Para silang mga teenager na may LQ.
"Hindi ko din alam pero pag nakikita kita parang nababadtrip ako." Aniya. Nakita ko ang pagbusangot ng mukha ni Mr. Jhope dahil sa sinabi ng asawa nito.
"Isa pa, baguhin mo yung pabango mo. Ang baho!" Napaamoy pa ito sa kanyang damit.
"Aish! Matagal ko ng perfume iyon, bakit mo ipapabago? Aigoo! Para kang buntis kung magdemand." Sa sinabing iyon ni Mr. Jhope ay napaisip ako.
"Miss Jon. Kailan ka huling dinatnan?"
"Dapat ngayong linggo ay meron na ako pero wala pa." Napakagat labi ako sa iniisip ko.
"Miss Jon. Hindi kaya Buntis ka?" Tumingin ako kay Mr. Jhope at mukhang nagulat ito sa sinabi ko.
"Bu-buntis?" Nauutal pa niyang bigkas.
"Yobo." Mahina nitong bigkas.
"Ma-magiging Daddy na ako?Woahoo!! Magiging tatay na ako! Yes!" Sigaw nito.
"Congrats po Miss Jon. Anyway, mauna na po akong umuwi. Baka abutan pa po ako ng dilim sa daan." Napatingin ako sa orasan ko at dali-daling pumunta sa bus station.
Magdidilim na din ang paligid at kagaya kaninang umaga ay dagsaan pa din ang taong nag aabang ng masasakyan.
"Maaga ako nagpadismiss, bakit ngayon ka lang uuwi?"Napalingon ako sa taong nagmamay ari ng boses.
"Ahm.. may sinaglit lang po ako dito." Naiilang kong saad dito. Hindi ako mahilig makipag usap kaya mas minaigi ko nalang ang manahimik habang naghihitay ng masasakyan.
"Tara." Aniya nang may tumigil na bus sa harap namin.
Napakunot noo ako sa paraan ng kanyang pananalita. Agad akong sumunod sa kanya.
May nakita akong bakanteng upuan. Papaupo na sana ako ng unahan niya ako dito. At tinignan nya ako na parang sinasabi niya sa akin na mas matanda ako or teacher mo ako kaya dapat ako ang umupo.
Tss..
Hindi yata uso sa kanya ang word na gentleman.
Tumingin ako sa paligid at wala ng maupuan kaya naman nakapagdesisyon akong tumayo na lamang at humawak sa nakasabit na hawakan malapit sa kanyang inuupuan.
Tumalikod ako sa gawi niya. Ayokong makita ang pagmumukha niya.
Sa itsura palang nito alam mo ng may pagka arogante.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mapairap dahil sa ginawa niya. Masakit na nga ang katawan ko dahil sa kanyang pagpapahirap sa amin kanina tapos ngayon naman siya ang rason kung bakit sasakit ang paa ko.
Mahigit isang oras din akong nakatayo. Parang hindi nga nababawasan ng pasahero ang bus na sinasakyan ko. Naramdaman ko na din ang ngalay dahil sa tagal ng pagkakatayo ko.
"Oh!" Malakas na preno ang ibinagay ng driver dahilan upang ma-out of balance ako. Napapikit na lamang ako sa hinuha ko na babagsak ako sa sahig pero hindi iyon ang nangyari.
Naramdaman kong may humila sa bewang ko at agad akong pinaupo sa kanyang kanlungan.
Sa puntong ito, tanging malakas na kabog sa dibdib ang naririnig ko.
"Ok ka lang?" Natauhan lamang ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa likod ng tenga ko. Mabilis akong tumayo sa aking pwesto.
"O-okay la-lang ako." Utal kong saad. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa pangyayari.
"Hmm..." Yun lang ang narinig ko mula dito. Napatingin ako sa istasyon na tinigilan ng bus na aming sinasakyan.
"Ah, Mr. Song. Nandito na po pala ako. Sige po. Ingat po sa pag uwi." Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin at mabilis akong bumaba ng bus.
"Woah. Ano ba yun! Nakakahiya." Hinawakan ko ang aking pisngi. Nadama ko ang pag init ng mukha ko at palagay ko ay namumula din ito dahil sa pangyayari.
"Ano ba yan Ami! Kaninang Umaga nahulog ka sa kanyang dibdib ngayon naman sa kanyang kanlungan! Nakakahiya ka!" Para akong baliw na kinakausap ko ang aking sarili.
Paano na ito?
Paano ako haharap sa kanya kapag nagkita kami sa Building?
BINABASA MO ANG
Idols (COMPLETE)
Teen Fiction(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging Idol. Kailangan mo muna ng puspusang training. Ako si Han Ami. Isang trainee na gustong ipagpatuloy...