I Care

545 30 0
                                    

Ami's POV:

"Teams! Are you ready?" Kaya pala sya nandito dahil kasama siya sa mga coach na magga-guide sa aming team building. Unang batch kami sa maglalaro at kalaban namin ang grupo ni Loxe.

Bawat team ay may bitbit na isang flag na ipagpapasa-pasahan ng mga kalahok hanggang makarating iyon sa huling manlalaro.

Sa larong ito ay may sampo kaming obstacle na kailangang lagpasan. Tigdalawang obstacle course bawat isang tao ang magiging hatian.

Obstacle course

Una, ang Tutter Step Tires. Heto yung mga gulong na nakahelera at kailangang mong apakan ang gitna nito habang papatakbo ka sa susunod na obstacle course.

Pangalawa, Ang Tunnel Crawl. Hugis Cylinder ito na nakahiga. Kailangan mong gumapang papasok sa loob nito bago ka makarating sa susunod na Obstacle course.

Pangatlo ay ang Cargo Net Climb. Ginagamit itong training sa mga magigiting nating sundalo. Parang sapot ng gagamba ang itsura nito at kailangan mong akyatin bago ka makarating sa susunod na obstacle course.

Pang apat ang Hill Run. Tinawag itong Hill Run dahil sa hugis nitong maliit na bundok. Kailangan mo lang akyatin iyon. Kailangan lang ng ibayong pavg iingat dahil madulas iyon.

Panlima ay ang Balance Beam. Kailangan lang ibalanse ang paglalakad upang hindi mahulog.

PangAnim ay ang Monkey Bars kung saan ay kailangang lumambitin at kailangan ng malakas na braso para sa obstacle course na ito.

Pang pito ay ang Low Crawl. Katulad din ito ng Tunnel Crawl, ang pinagkaiba lang ay bago ka makagapang ay kailangan mo munang tanggalin ang lupa na nakaharang sa daan nito.

Pangwalo ay ang Ramp Jump. Kailangan talunin ang may taas na apat na talamapakan na obstacle na ito upang makapunta sa unahan nito at magpadulas papunta sa susunod na obstacle course.

Pangsiyam ay ang Sand Bag Carry kung saan kailangang bitbitin ng player ang dalawang sako na may bigat na tig-anim na kilo.

At ang huli ay ang Rope Wall. Gamit ang lubid ay kailangan nitong umakyat sa pader na may taas na labing dalawang talampakan gamit ang lubid.

Pagkatapos malampasan ng player ay kailangan nitong itaas ang flag hudyat na tapos na ito at ang grupo niya ang panalo.

Si Sueng ang sa Una at sinundan naman ni Minji, Bora, Young at ako ang huli.

Sa kabilang team ay si Loxe ang una na sinundan naman ni Bok Chul, Go Hwan,Dong Jae at Pyo Suk.

Alam namin na may kalamangan ang kabilang team dahil lalake sila at may kalakasan kaysa sa aming mga babae pero hindi ko gagawing sagabal ang kasarian para hindi kami manalo.

"Xtar! Are you Ready!" Sigaw ni Mr. Song  gamit ang mega phone at  para kaming nasa Army na nagtetraining.

"Ready!" Malakas nilang sigaw. Sapat na para marinig ng lahat.

"Hyacinth! Are You ready!" Tanong niya sa amin.

"Ready!" Hindi kami nagpatalo sa sigaw ng Xtar.

"Prritt!" Pumito si Mr. Song hudyat na simula na ang laro.

Kahit nasa pinaka dulo ako ay nakikita ko pa din ang mabilis na kilos ni Seung.

"Ami, kaya mo bang buhatin iyan?" Tanong sa akin ni Pyo Suk.

"Oo naman. Ako pa." Confident kong saad dito. Sinubukan ko na ding buhatin iyon kanina habang hindi pa nagsisimula at mukhang kaya ko naman.

"Ami. Malapit na tayo." Aniya. Napatingin ako sa sumunod na player at si Young na iyon.

"Go Young!" Sigaw ko dito.

"Ami!" Sigaw niya nang malapit na siya sa akin. Halos sabay lang sila ng katunggali niya ng ibigay niya sa akin ang flag.

Agad kong kinagat ang flag at binitbit sa magkabilang kamay ang dalawang sako. Mabilis akong kumilos papunta sa huling obstacle course.

Nauuna na si Pyo Suk sa akin pero bigla itong nadapa kaya naman lalo akong ginanahan sa laro hanggang sa marating ko ang Rope Wall.

Mabilis akong umakyat doon. Naaninag ko na din si Pyo Suk na nakaahabol na sa akin.

Medyo may kadulasan ang lubid at mahirap makaakyat.

"Kaya ko ito!" Bulong ko sa aking sarili habang pinipilit na makaakyat.

"Ami! Go!" Naririnig ko ang boses ng mga kasamahan ko habang chini-cheer ako.

Malapit na ako sa dulo nang biglang dumulas ang kamay ko dahilan upang bumagsak ako sa lupa.

"Ami!" Narinig ko ang malakas na sigaw nila dahil sa nangyari sa akin.

"Ok ka lang? Anong masakit sayo?" May pag aalalang tanong sa akin ni Mr. Song.

Hindi naman malakas ang pagkakabagsak ko dahil naalalayan ko ang katawan ko gamit ang pagslide ng kamay ko sa lubid.

"Medyo masakit po yung kamay ko." Saad ko dito at inilahad ko ang kamay ko na may dugo na dahil sa pagkakaslide ko sa lubid.

"Ami!" Lumapit na din ang mga kagrupo ko at ang ibang player.

Mabilis na pumunit ng piraso ng tela sa kanyang damit si Mr. Song at ibinalot iyon sa magkabilang kamay ko.

"Kailangan nating gamutin yang sugat mo." Aniya. Papatayo na sana ako ng bigla niya akong buhatin na ikinagulat ko.

"Mr. Song. Kaya kong maglakad. Ibaba niyo na po ako." Medyo nahihiya ako dahil madami ang taong nakakakita sa amin.

Lumingon ito sa akin. Ramdam ko ang malakas na kabog sa dibdib ko.Malinaw na malinaw sa paningin ko ang itsura ni Mr. Song dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin.

"Malakas ang pagkakabagsak mo sa lupa, baka may bali ka sa katawan. Mas okay na ang sigurado." Aniya at tumuloy na sa paglalakad.

Hindi ko tuloy maiwasan na tignan siya habang naglalakad ito na bitbit ako. Diretso lang ang tingin nito kaya okay lang siguro na tignan ko siya.

"Baka matunaw ako." Napanganga ako sa sinabi niyang iyon.

Nakakahiya.

"Wait me here." Aniya ng marating namin ang tinutuluyan ko. Inilapag niya ako sa dulo ng kama habang hinahanap naman niya ang first aid kit.

Nang mahanap niya ay mabilis niyang ginamot ang sugat ko sa kamay.

"Aw! Aw!" Ramdam ko ang kirot sa tuwing dadampian niya iyon ng betadine.

"Konting tiis nalang malapit ko bg matapos." Aniya habang patuloy sa pagagamot sa aking kamay.

At bago niya lagyan ng gasa ang kamay ko ay inihipan niya muna iyon. Napatitig ako sa kanya dahil sa ginagawa niyang pag ihip.

Para akong bata na nasugatan at ihip lang ang katapat para gumaling.

Mabilis namang naglipat ang tingin ng mata ko ng bigla itong tumingin sa akin.

"Sa susunod ay mag iingat ka na. Hindi sa lahat ng oras ay nandito ako." Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa huling salita na kanyang sinabi.

Anong ibig niyang sabihin?

Idols (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon